Chapter 8: Friendship

158 3 0
                                    

Dalawang linggo na ang naka-lipas nung debut ko.Nakakapagod at sobrang saya ,lalo na andyan lahat ng mga importanteng tao sa buhay ko.

Nasa mall ako ngayon para mag-grocery at bumibili ng regalo para kay Mary. Choosy kasi si Mary kaya hanggang ngayon wala pa rin akong mahanap. Pano lahat ng bagay na gusto niya nakukuha na niya dahil tiga-pagmana siya ng restaurant business nila.

Pumasok naman ako sa Nike Store, May nakita akong light blue na fabric jacket don. Yun ang binili ko buti kayang kaya ng budget ko. Nakakapagod na kasing ikot ikot dito sa mall eh.

Bigla akong nag-crave ng cheese french fries kaya kumain muna ako. Habang isusubo ko palang ung fries sa bibig ko biglang may tumakip ng mata ko!

Nabitawan ko tuloy ung fries ko. Sayang naman!

"Sino ba to?!" Pinalo ko tuloy ng malakas ung braso niya.

"Araaaaaayyyy!" Buti bigla niyang tinanggal kamay niya saakin.

Nasa harap ko pala si Jared, pero teka...

Sino ung nasa likod ko?

Pag-lingon ko, Si Vincent pala.

OMG. Pinaliligiran ako ng mga gwapong nilalang. Kinikilig tuloy ako.

"Miss me?" Napaka-sarcastic na tanong ni Jared.

"Ikaw? Mamimiss ko? Isang linggo ka lang nawala eh." Namiss ko talaga siya at sinungaling nanaman ako. Ayoko namang mabuking kaagad at wala pa akong balak umamin sakanya. Pero darating rin to sa tamang panahon.

"Weh? Kahit konti lang?"Ang kulit talaga nitong lalaking to.

"Oo na! Konti lang." Napaamin rin ako kahit paano.

"Ay, sayang yung fries."Pati pala ung fries papansinin ni Vincent. Napaka-childish pa ang tono.

"Hahaha, Pabayaan mo na. Marumi na yan. Hindi naman ako nagugutom eh at may lakad pa ako."

"SAMA KAMI." Nag-puppy dog eyes pa ang mga bata este feeling bata.

Hindi ko naman natiis, kaya pinayagan ko sila. Binitbit pa nila ung mga pinamili ko. Mga lahing gentleman. Sineswerte nga naman oh.

"Saan nakatira bestfriend mo?" Tanong ni Jared habang kaalis lang namin ng mall.

"Sa Ciara Residences." Yun ang condo unit ni Mary. She is living independently, tiga- Batangas kasi ang parents niya. Tumira lang siya dito for College.

"Uy Red! Diba naka-tira dun si Top?" Sabatero naman tong si Vincent.

Sino si Top?

"Ah, Oo." Ang tipid ng sinabi niya. Nag-focus nalang siya sa pag-mamaneho niya.

Sino kaya si Top sa buhay niya?

Tumingin nalang ako sa mga nadaanan namin kasi biglang naging awkward ung atmosphere.

"Cous, Yan na ata oh."

Napatingin ako dun sa tinuturo niya.

"Oo yan na nga." Hindi pa rin natanggal sa isip ko si Top. Simula kasi nung binanggit ni Vincent ang pangalan niya nanahimik si Jared.

Nasa loob na kami ng elevator pero tahimik na tahimik parin sila. Naweweirdohan pa rin talaga ako kay Jared.

Hanggang sa nandito na kami sa pintuan ng unit ni Mary.

"Best!"

*knock* *knock* *knock*

Binuksan niya ung pinto.

"Annah!"

"HAPPY BIRTHDAY!" Yinakap ko siya.

"Thank you... at WOW may dala ka pang bisita."

Ngumiti sila kay Mary.

"Tara pasok kayo."

Apat lang kami sa unit. Wala pa ung family niya kasi mamayang gabi pa daw sila magcecelebrate.

"Kumain na ba kayo? May konting handa dito."

"Ahhhh sige wa----"

Tatanggi sana ako kaso may sumabat.

"Ahh oo! Gutom na kami! Tara kain na tayo!" Ganito pala ugali ni Vincent. Hindi mahiyain at jolly pa.

"Pag-pasensyahan mo na ung pinsan ko ah." Buti naman nag-salita na si Jared.

"Okay lang! Expect ko nga kaming dalawa lang ni Annah eh. Buti dumating kayo."

Kahit hindi ako nagugutom, kumain pa rin ako. Tapos nag-iisip kami ng pampa-lipas oras.

"May naisip ako." Strategic talaga si Vincent.

"Kung may spin the bottle, Saatin may spin the chair."

"HAH?" Sabay pa kaming tatlo.

"Pag-pinaikot mo ung chair tapos ung sino ung naka-turo siya ung taya. Uupo siya at Pipikit for 10 seconds tapos may gagawin tayo sakanya habang naka-pikit siya. Kapag binukas niya ung mata niya ng walang pang sampung segundo. He or she will face consequences"

"Sino ung una?" Tanong ko.

"Si Birthday Girl." - Vincent

Naki-ride naman siya. Buti hindi KJ tong kaibigan ko. Ang plano ko sakanya is kilitiin ko siya.

"AHHHHHH!! TIGIL NA!!! HAHAHAHAHA"

Para kaming bumalik sa pagka-bata.

9.... 10..

Binukas na niya ung mata niya tapos inikot namin siya.

Please wag ako. Wag ako.

Oops...

AKO ANG TAYA.

Ano kaya pagagawa nila saakin?

Pinikit ko mga mata ko at ang lakas ng pag-tibok ng puso ko.

Naririnig ko silang nag-bubulungan.

Hindi ko alam kung sino ang nasa harap ko ngayon.

Linapit niya ang muka niya saakin, ramdam ko kasi ang hininga niya.

Naramdaman ko nalang na may dumampi sa labi ko.

Dinilat ko ang aking mata.

Para tuloy akong aatakihin sa puso.

Alam ko na kung sino siya.

____________________________

This is my very first love story, kaya newbie palang ako at dadaan pa ako sa butas ng karayom para maging magaling na writer. Katulad ng iba, ordinaryong estudyante lang ako. Nagsimula lang kasi to dahil sa BOREDOM ko at nagpapasalamat rin ako sa utak ko di dahil sa kanya hindi ko magagawa ang story na to. Bigla lang talaga to nag-pop up sa isip ko at nagdecide na gawin na itong story sa Wattpad. Kung may typos or pagkakamali man, please bear with me. Kapag may concerns kayo just simple give me a private message at papakinggan ko ang saloobin niyo. Thank you sa pag-basa nito and I promise that I won't let you down! 

Thank you very much <3

-tweitwei 8/6/14

No One Knows: Arranged RelationshipTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon