Chapter 15: The Possesive Boyfriend

100 5 0
                                        

Lunes na ngayon at back to normal na. Simula nang gabing iyon hindi na nagparamdam si Jared. Ngayon nga hindi pa siya pumapasok sa klase niya eh. Pinoproblema pa kaya niya ang nangyari saamin?

Sabay kami nila Mary at Jace pauwi. Buti nga wala nang lovelife ngayon si Mary eh, natauhan ata matapos ng mga heartbreaks na pinagdaanan niya.

Kalalabas lang namin at may biglang humarang saamin na motor, hindi ko alam kung sino dahil siya'y naka-helmet.

Nung tinanggal na niya, nakilala ko na kung sino.

Quentin?

ay hindi. Si Kenshin pala.

"Ate Savannah! Umangkas ka na! This is urgent." Mukang nagpapanic ang itsura nya at parang may bagay na nangyayaring hindi maganda.

Nag-paalam ako sa mga kaibigan ko at dali dali akong sumakay sa motor niya. Mukang nagmamadali kami dahil lalo niya itong pinabibilis.

Nakarating kami sa isang Covered court na medyo may kalumaan na. Nahanap ko rin sila dahil parehas silang naka-school uniform.

Hindi ako makapaniwala sa nakita ko dahil hawak ni Jared ang kwelo ni Quentin.

Tumakbo ako para pigilan sila, Hindi ko alam kung ano ang ibinabalak ni Jared para mag-simula ng gulo.

Itinulak ko palayo si Jared kasi alam kong wala pang kalaban-laban si Quentin sakanya.

"Bakit hindi mo kaagad sinabi saakin Sav?" Tanong niya.

Ganon parin ang iniisip niya.

"PLEASE LET HIM EXPLAIN!" Sa sobrang inis ko nasigawan ko na siya.

"Kuya... I hope you'll understand what i'm trying to tell you.."

First, I'll never ever steal Ate Savannah from you..

Second, I asked her to be my date JUST FOR THE NIGHT, Nothing else.

And lastly, Ate Savannah loves you, hindi mo ba napapansin yon? napupuno na siya nung sinabi niya yun.

Good luck nalang sainyo and sana may umamin na diyan." Tumingin siya saakin at Bigla nalang siyang nag-walk out at hindi parin ako kumikibo dahil sa extreme mental shock na nararamdaman ko ngayon..

"What now?"

Speechless parin ako dahil alam na niya ang tutoong nararamdaman ko sakanya.

"It's true?" Seryosong tanong niya saakin.

Tinuro niya ako at siya.

"Mah----" Nauutal niyang sinabi.

"Mahal kita." Simpleng sagot ko.

"P-pero dib-a."

"Mahal kita. PERIOD. NO ERASE. PADLOCK. TAPON SUSI."

Bigla siyang ngumiti at sumabay pa ang napaka-pula niyang pisngi.

Wait... What happened to his right fist?

"Anong nangyari diyan?" tanong ko sakanya. It's badly bruised.

"Wala to. Na-suntok lang sa pader." Pinipilit pa niyang itago ang kanyang kanang kamao (fist).

"Baliw ka talaga, Wala namang masamang ginawa sayo ung pader."

"Bayaan mo na to, Hindi naman masakit." Palusot niya.

Hinahawakan niya ang braso ko at hinila nanaman ako papasok sa sasakyan niya. Bastos lang no? Pasalamat siya, mahal ko siya.

No One Knows: Arranged RelationshipTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon