Chapter 10: Lost

134 3 0
                                        

Hello guys! Ang bilis, Chapter 10 na ko. Eto na rin ang update ko na matagal nang naka-standby. Palapit na rin ng papalapit ang 1st periodical exam kaya kailangan ng pag-sikapan. Sana ma-appreciate ninyo :)

BTW, Dedicated to sa mga GIRLfriends ko na nag-babasa nito<3 <3 <3

---------------------------------------

Nanglambot ako sa mga sinabi niya, tahimik lang nung nakarating kami sa isang mauseoleo na puno ng color Violet at mukang favorite color niya. May teddy bears, flowers at candles pa.

Lalong nanglambot ang pakiramdam ko sa nakita ko.

Evie Stefanny C. Mendes

Born: .. ....

Died: .. ....

Lumapit ako at inilagay ko ung mga bulaklak sa harap ng puntod niya.

Tahimik na siya at parang tulala lang. Naawa ako kay Jared, parang umiiyak siya sa loob at ayaw lang niya ipakita.

Biglang tumulo ang mga luha niya at pinunasan niya kaagad gamit ng kamay. Ayaw na ayaw ko yun makita, lalo na sa taong mahal ko.

Hinimas ko likod niya.

"Andito pa naman ako Jared, Kaya mo yan. Tutulungan kita." Sinabi ko para lumakas loob niya, ngumiti siya saakin pero mukang pilit naman.

Humarap siya saakin at bigla niya akong yinakap. Kinikilig ako pero mali naman siya ng lugar, sa harap pa ni Top.

Mas hinigpit pa niya ung pagka-yakap saakin.

Too much butterflies in my stomach.

"Ang laki na ng utang na loob ko sayo Sav. I'm so glad that I have a friend like you, that can comfort me."

Narinig kong nag-sniff siya.

"Shhh.. Wala ng iiyak ah. Hindi mo bagay." Palabirong sinabi ko yun habang hinahimas ko parin ang likod niya.

Tahimik siyang tumawa na naka-ngiti at tinanggal ang pagkakayakap saakin.

Hinawakan naman niya ang mga kamay ko.

Mas lalo pa niya akong pinapakilig pero naisip ko naman si Top, masasaktan lang siya.

"Hala! baka may mag-selos. MUMULTUHIN pa ko nun."

Kung sana buhay siya, magkasama sila. Hindi rin kami magkakaganito ni Jared.

Tinanggal tuloy niya at mukang nahiya siya sakin.

Bigla akong lumapit sa puntod niya at nag-indian seat.

"Hello Top. Wag ka sana mag-paramdam ah. Si Jared kasi eh."

Nag-sumbung ako, pano masyado naman siyang PDA (Public Display of Affection) tapos sa sementeryo pa pero deep inside gusto ko naman!

Kumuha sya ng kandila na nasa glass at pinailaw niya ito gamit ng posporo. Pinatong niya doon sa lalagyan ng mga kandila at tumabi saakin.

Bigla kaming nanahimik ng ilang segundo at pinagmasdan ko siya.

"H-hi.. Alam mo ba namimiss na kita. Lalo na pag naglalaro tayo lagi ng basketball, yun ang quality time natin dati diba? Naalala ko rin lagi tayong nasa Starbucks, ung tipong meeting place natin. Lagi mo rin akong tinutulungan sa pag-aaral ko. Dami kong namimiss sayo Evie. Alam kong masaya ka na diyan kasi kasama mo na ung mga kauri mo... Ung mga anghel, Anghel ka na dinala dito sa mundo, Kaya lang kinuha ka na nila kasi dun ka daw dapat eh. Miss na miss talaga kita. Top, sana wag kang mawawala sa tabi ko." Seryoso siya nung sinabi niya yon.

He looked down again, I know he can't avoid that.

Naiyak ako sa mga sinasabi niya. Bawat salitang binibitawan niya alam kong sincere siya. Mahal na mahal talaga niya si Top.

May narinig akong footsteps sa likod.

"K-kuya?"

Pag-lingon namin. May dalawang lalaking tumawag sakanya.

"Kuya!!!" Nag-group hug sila.

Samantalang ako OPing-OP (Out of Place)

Matapos ng BROMANCE nila, pinakilala sila ni Jared.

"Sav, Meet Kenshin and Quentin Mendes. Mga nakababatang kapatid ni Top."

Ngumiti sila saakin at nag-wave.

"Nice meeting you. Ako nga pala si Savannah, Kaibigan ng kuya niyo." Nag-shake hands kami and I realized, They're identical twins. Ang cute nila!

"Kuya, buti napadalaw ka." Sabi ni Kenshin at pinatt niya ang likod ni Jared.

"Ahh oo." Ngumiti siya na parang pilit.

"Tara upo tayo don may dala akong merienda." Sabi ni Quentin at ako ramdam ko parin ang pagka-Out of Place.

Nag-meryenda kami ng Puto at Dinuguan. (A/N: FACT: my favorite)

Nagkwentuhan sila Jared at Kenshin. Si Quentin naman sobrang tahimik kaya ako nalang nag-simula ng conversation namin para di naman kami ma-bore.

"Hindi ata kayo close ni Jared?" Napansin ko kasing hindi sila masyado nag-uusap.

"Ahh hindi nga masyado ate. Halos parehas sila ng gusto ni Kenshin, wala akong ika-rerelate sakanila."

"Ano naman pinag-uusapan nila? Basketball?" Wala akong maisip kundi yun eh.

"Babae."

Kinwento niya saakin na PLAYBOY daw si Kenshin. Laging iba-iba ang kasamang babae at naki-join-in na rin siya kasi sa sobrang depressed niya, gusto na niyang maka-limot. Ang dami na daw ginawang paraan ni Jared. Muntik na daw siyang mag-quit ng school at mag-suicide dahil lang sa sobrang pagmamahal. Marami rin akong nalaman sakanila at kung saan sila nag-aaral.

May naisip tuloy akong tanungin sakanya.

"Pano nangyari?" Hindi na ako nahiyang tanungin yun sakanila.

Bigla siyang bumuntong ng hininga.

"Leukemia ang dahilan, Malala na nung nalaman namin ung sakit niya,. Sila pa nun ni Kuya pero takot na takot siyang umamin nun. Simula nun naging dry na siya saamin at lagi siyang nakakulong sa kanyang kwarto, Malapit na silang mag-graduate ng High School at palala ng palala ang kondisyon niya. Hindi siya nagpapagamot, kasi mamatay lang rin daw siya. Hindi nga siya pumapasok nun eh, ayaw niyang makita siya na ganun na ang sitwasyon niya. Handa na rin daw siyang mamatay, pero bilang pamilya niya hindi kami nawalan ng pag-asa. Na-kumbinse rin namin psiya na magpa-gamot pero huli na ang lahat. Isang araw, hindi na siya nagising."

Hindi na ako nakapag-salita sa sobrang hinanakit na sinabi ni Quentin. Ang sakit talaga ng loob ko.

"Nung unang anibersaryo ng pagkamatay niya, hindi sumulpot si Kuya. Hindi talaga niya tanggap kasi para siyang iniwan sa ere. Buti nga nakalipas na ng dalawang taon, nahanap na siya ng babaeng para sakanya." Ngumiti siya saakin.

"Nako Quentin, Iba ang iniisip mo."

"He deserves to be loved my someone and It must be YOU"

Todo-INDENIAL naman ako, pero sana nga, Kasi andito ako para paglabasan niya ng sama ng loob. Andito rin ako para mahalin siya ng buong-buo at kaya ko ibigay lahat para iparamdam ko yun sakanya.

Lumapit saakin si Jared at nag-aya na siyang umuwi. Kinuha nila Kenshin at Quentin ang number ko para mag- keep in touch daw kami at para makasama rin daw ako minsan sa mga gigs nila.

No One Knows: Arranged RelationshipTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon