Chapter 29: Committed

34 3 0
                                    

"AND NOW YOU'RE OFFICIALLY 25 YEARS ON YOUR EXISTENCE. EVERYONE, I WOULD LIKE TO ANNOUNCE THAT SHE IS THE SOON TO BE RENEE CONSOLACION- GUILLIERMO."


The crowd applauses.


JARED'S POV

"I can't believe this party is going to be a full blast." Erin commented while we're watching the guests dancing in front of the stage.

I taught Erin how to change for the better.

Lahat ng bad habits niya sa buhay binura namin, until I realized that I was having a huge crush on her, which led into a romantic relationship.

I taught her how to love her family like how I love my family.

I also went in Australia to meet her parents. They were too good for her, that's why she grew up as a spoiled brat. Kahit mga magulang niya walang kakayanang disiplinahin siya. 

She has money and power.

Ako lang pala ang nagpa-tigil sakanya sa mga masasamang bisyo niya.

"Next project. Wedding bells my love." Sabi ko sakanya.

We were good partners in our career.

Tinutuloy ko ang Hotel business ng pamilya namin.

Binibigyan niya ako ng Architectural plans niya.

She is a real genius with her works.

Lumapit saamin si Mr. and Mrs. Villaflor.

"Congrats sainyong dalawa." Bati ni Mary.

"Baka Mauuna pa niyan kayo sa church wedding eh." Giit ni Vincent.

Sa west kinasal sila Vincent at Mary, 2 years ago.

"Di bale, Unahin niyo nalang muna ang first baby." Biro ko.

Tumawa silang lahat

"Ikaw naman pre, this year diretso simbahan na din kami bago first baby. Yun ang plano namin ni Mary eh."

"Ngapala, Si Savannah parin maid of honour ko ah." Sabay napatingin saakin si Mary.

"Ngapala pre. Alam mo bang in demand si Savannah sa ibang bansa? Nabalitaan ko nga madami siyang projects sa Amerika at Europe. Sakanya kami papa-design ng interior, kung gusto niyo baka kayo din pag nagka-bahay na."

"Excuse me." Sumingit si Erin sa usapan.

Napatingin kaming lahat sakanya.

"Who's Savannah?"

Hindi lang ako kumibo dahil ayaw na ayaw kong pag-usapan yun.

Nagsalita si Mary "She's my bestfriend and Jared's..." Sumabat si Vincent

"Kaibigan namin siya, Interior Designer siya ngayon. Matagal na siyang wala sa Pilipinas, as far as I know on-call siya for designs."

"Ah, Oo nga Jar, sakanya nalang tayo magpa-interior tutal kaibigan mo naman at alam ko naman pihikan ka pag-dating sa designs diba?"

Tumingin lang ako kela Vincent at Mary. They gave me a questionable look.

"Erin, Jared. Una na kami ha? Update ko nalang kayo sa upcoming church wedding namin." Sabi ni Vincent habang paalis na sila kasama ang asawa niyang uminit ang ulo.

——————————————

Nasa hotel kami ngayon kung saan kami nag-celebrate ng Birthday Party niya.

"What's the full name of your friend? I want to meet her." Tanong niya.

"Doon nalang tayo sa kaibigan kong isa. Wag na dun." Reklamo ko.

"Gusto ko siya eh, lalo na in demand siyang designer right? Gusto ko ung dream house natin sophisticated, ung maiintindihan ung thoughts mo at ung thoughts ko para sa house." 

"Wag na. Anong gusto mo? Pauwiin pa natin yun dito sa Pinas? Hindi ko nga alam kung saang lumalop ng mundo na napadpad yun eh." This girl is getting on my nerves.

"Well YES! Tayo ang mag-lilive in Jared. Hindi lang ikaw. Why are you being so demanding? Meron ka bang problema doon sa babaeng yun?"

"Wala."

"Don't tell me, She's your ex."

No One Knows: Arranged RelationshipTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon