Chapter 19: Payback

75 3 0
                                    

SAVANNAH'S POV

"HAPPY HALLOWEEN!" Sigaw ng mga nagtitinda ng stalls dito sa school.

Ang bilis October 31 na, Natapos na ang mga paghihirap namin at finally makarerelax narin ako.

Ang masaklap lang ay almost a month na rin kaming di nagkikita at nakakasama ni Jared, nagpapractice na kasi siya sa para sa susunod na Championship nila. Naiintindihan ko naman yon atleast hindi parin niyang nakakalimutan tumawag gabi-gabi.

Wala akong kasama ngayon, Si Jace may sakit kaya hindi nga ako masamahan at Si Mary MAY KA-DATE,.

Si Vincent, ang crush ko noon at ang pinsan ni Jared, Akalain mo yon?

Nanganvas nalang tuloy ako ng gamit. Bigla tuloy nadama ang pagka-lungkot nung nadaan ko ung isang store ng couple themed gifts.

Ni isang oras hindi ko siya nakasama. Baka isipin niyong over-acting ako o ano, ganon ata kapag mahal mo ang isang tao.

Masyado kang nag-aalala at hindi mo man lang masubaybayan ang nangyayari sakanya.

Tumingin tingin ako ng mga couple shirts.

OA na kung OA, Namimiss ko lang talaga ang presensya niya sa tabi ko.

Medyo nawawala na rin ako sa sarili ko, namalayan ko nalang na may yumakap sa likod ko.

"Hey dude." Bulong niya at inilapit pa nya ito sa tenga ko.

I freaking miss this guy.

"Ba! Bat andito ka?!" I said with a raised voice.

Tinakpan niya ang bibig ko.

"Ang ingay mo." Pabulong na sabi niya.

Tinanggal ko rin ito dahil ang alat ng nalasahan ko.

"Pwe!" Reklamo ko.

"Ay gaganunin mo ko? Tara na nga!" Hinawakan niya ng mahigpit ang kamay ko at lumabas sa stall.

Hanggang nakarating na kami sa perya.

Ang Halloween ay kasabay na ng birthday ng President ng Robinsteen University kaya huge celebration ito.

"So what brings us here?" Tanong ko habang tinitignan ang paligid sa peryahan.

"Pinwe mo ako kanina. Gagawin mo lahat ng gusto ko para makabawi ka saakin." Hindi parin nagiiba ugali nito. Bossy talaga siya at gusto niyang nakukuha ang gusto niya.

Your wish is my command.

"Fine." Tinaasan ko siya ng kilay at hinila niya nanaman ang kamay ko papunta sa Ferris Wheel.

No way. Hindi ako sasakay.

"Bakit ang lamig ng kamay mo?" Tanong niya kasi hawak parin niya ang kamay ko hanggang ngayon.

May Acrophobia kasi ako. (Fear of heights)

"Please wag dito." Pakiusap ko.

"Wag kang mag-alala, Andito si Jared Guillermo, Hinding hindi ka matatakot." Sabi niya.

Mas pinakilig pa niya ako kasi with matching hold hands pa. Hindi pagkaraniwang holding hands,our fingers crossed each other. Kapit na kapit parang ayaw nang bitawan pa.

Mas mamomotivate nga naman ako diba?

Bigla kong napisil ang kamay niya. Baka kasi mahimatay ako habang naka-sakay ako.

"Kalma lang Sav. Leave it to me." I smiled at him.

Game na ako.

I'll do whatever it takes, as long as he's beside me.

Nagbayad na siya ng tickets at ayon, sumakay na kami.

Nanginginig ang tuhod ko dahil hindi parin nawawala ang pagka-kabado ko.

Naka-ngiti lang siya habang ako ay mukang bibigay na kahit umaandar palang.

"Hindi ako maka-tinggin Jared." Masyado kasing akong nalulula. Kulang nalang talaga maihi na ako sa salawal ko.

Hinawakan niya ang ulo ko papunta sa balikat niya.

Patuloy na pabilis ng pabilis ang pag-ikot.

"Pag baba mo niyan. You'll just end up thanking me."

Hanggang ngiti lang ako dahil masyado na akong pinakikilig nito.

Tumingin nalang ako sa buwan at pinagmamasdan ang mga ulap at bituin.

Saktong bigla itong tumigil at nagkaroon nanaman kami ng kakaibang momento.

"Tingin ka ibaba Sav." Aya niya.

"Seryoso ka? Alam mo namang takot ako." Patampong sinabi ko.

"Basta tumingin ka sa ibaba." Ulit na aya niya.

Dahan-dahan akong tumitingin sa direksyon na tinitignan niya.

Una ay nakapikit ako hanggang sa binukas ko na ang aking mga mata.

"Ano meron?" Ang tanging nakikita ko lamang ay mga samut saring tao.

Yinakap niya ako bigla. Bear hug.

Bigla akong namula ng wala sa oras.

"Finally, Nakatingin ka na rin sa ibaba na hindi ka nalulula." Sabi niya.

Doon ko lang narealize na pwede pala akong maging matapang.

"Ganun ba? Thank you ah." Sabi ko with matching smile.

"Diba sabi ko sayo, magpapasalamat ka rin."

Pababa na kami ng pababa. Ang bilis ng mga pangyayari.

Hinawakan pa niya ang kamay ko at Tinulungan pa niya akong bumaba, pinaramdam niya na pwede akong maging prinsesa kahit sa isang gabi lang.

"So, Nakabawi na ako?" Tanong ko.

"Hindi pa. Makakabawi ka lang kapag tinanggap mo ang regalo ko sayo?"

Hindi ko birthday ar Hindi naman pasko, ngunit bakit may dala-dala siyang regalo?

Kinuha niya ito sa pocket niya.

Lumabas ay isang jewelry box. Hindi naman ganoon kalaki, Katamtaman lang.

Napahawak tuloy ako sa dibdib ko.

Binuksan niya ito, mayroong gold necklace na sun na butas at gitna pero hindi ito singsing dahil may 8 na rays ang design.

"No, I can't accept this." Pakipot na sabi ko.

"Sige na Sav. Bumabawi lang ako sa mga

oras na pagkukulang ko sayo."

Yinakap ko siya. Wala na akong pakelam kung PDA na yan, Wala na rin akong pakelam kung mahuli pa kami. Ang importante ay nakasama ko siya.

Kinuha niya ito at dahan-dahang isinuot sa leeg ko.

--------------

Getting busy guys. Student life. Pero hindi ko parin naman makalimutang mag-UD.

Sana magustuhan niyo :) God bless..

What's on my mind?

- Neeeeehhhh..

No One Knows: Arranged RelationshipTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon