Chapter 9: Decisions

155 3 0
                                    

Buhay college nga naman. Aral dito, Aral doon.

Madalang ko nalang na nakakakita si Jared. Wala na ring pinapagawa saamin si Miss Principal kasi daw mid-term exams na. Hectic at hindi magka-tugma ang schedules namin. Pag may class ako, wala yung sakanya. Pag meron naman siya, wala naman yung akin.

Bakit ba ang daya?

Ayoko namang i-storbohin siya sa gabi kasi alam kong nagpapahinga siya.

09********* calling

Sino kaya tong unknown number na to?

"Hi Sav." it's Jared. "Samahan mo naman bukas ako oh?"

Ang awkward ng pagkakasabi niya kasi naalala ko ang nangyari noong kaarawan ni Mary.

Siya yun.

Siya ung nakanakaw ng First Kiss ko.

Una ung sa pisngi, Pangalawa ung sa noo tapos pangatlo, SA LABI.

Third time's the charm nga. Kahit paano nag-tampo ako pero para akong lutang dahil sa mga pinagagagawa niya sakin.

In other words, He's flirting me.

Wala kasi siya sa tamang oras para nakawin yun saakin.

"Bakit? Ano meron?"

"May papuntahan tayong importante." Ha? ano kaya yon?

"Sa---" Biglang nag-end call kasi may tumatawag saakin. Panira naman ng moment.

Dad calling...

Oops.. si Dad pala. Wrong timing naman.

"Hello Pa."

"Savannah, Umuwi ka na. May pag-uusapan tayo." Madalang lang maging seryosong kausap si Papa kaya mukang hindi maganda ang sasabihin niya.

Hindi kasi ganun mag-salita Papa ko. Malambing siya mag-salita. Tinext ko nalang si Jared na kasi kailangan ko nang umuwi ng bahay, sabi niya pupunta nalang daw siya sa bahay namin, hindi ako pumayag pero pupunta daw siya sa ayaw at sa gusto ko.

Nakarating na ako ng bahay at 7pm, buti malayo pa sa curfew ko.

Pagkabukas ko palang ng pinto, andun na si Papa may dalang armalite este naka-abang sa pag-pasok ko.

"Pa, Ano meron?" Ano kaya meron kela Jared at Papa?

Seryoso niyang sinabi "Anak, Na-promote na ako sa trabaho ko. Gusto sana naming bumalik ka na sa Amerika. Doon ka nalang magtapos ng Kolehiyo. Sayang nga lang ung scholarship mo pero gusto ka na naming maka-sama. Marami kang opportunities doon, Sana maintindihan mo anak. I'm just doing what is best for you."

I also lied to my Dad. I told him na there is nothing to be worried about my tuition fee, sinabi kong nag-apply ako ng scholarship at nakapasa ako.

Nakakasawa na rin ang balik-balik. Pinanganak ako sa Amerika, Lumaki ako sa Pilipinas. Bumalik ako nung High School at tapos andito naman ako para mag-Kolehiyo. Yun ang desisyon ko sa simula palang Gusto ko dito at mas masaya ako. Sana maintindihan niya ang desisyon ko.

"Pa, I'm sorry. Hindi ko magagawa ang gusto mo sa ngayon. Masaya ako dito Pa. Di bale pag nakatapos na ako bibisita ko rin kayo. Sana tanggapin ninyo ang desisyon ko." Nalulungkot ako dahil hindi ko magawa-gawa ang gusto ng Papa ko. Marami akong responsibilidad dito na hindi ko naman pwede iwanan sa ere.

Ilang segundo siyang nanahimik.

"Anak, Tanggap ko ang desisyon mo. Alam kong independent ka na. Basta't anak mag-aral ka lang ng mabuti. Kung saan ka masaya dun nalang ako."

"Masusunod yun pa." Yinakap ko siya ng mahigpit.

"Wala ring BOYFRIEND ah. Pag-linigawan ka ni Jared sabihin ko saakin." Tatay ko talaga.

"Pa naman." Nagtawanan nalang kami.

~~~~~~~

3 days nalang babalik na ng Amerika sila Papa. Ngayon rin kami magmemeet ni Jared.

*beep* *beep*

Hala, nagbibihis pa ako andyan na kaagad siya.

"Hoy Annah! Hinihintay ka na ni Jared MO! Bilis-bilisan mo naman oh!" Kumatok pa si Tita sa kwarto.

"Patapos na po!" Habang tumatalon ako para maisuot ko tong skinny jeans ko.

Nag-suklay ako ulit ng buhok at nag-perfume.

Pag-baba ko naka-abang pa saakin si Tita. Tumingin siya mula itaas hanggang baba.

"Saan ka pupunta? Makikipag-date ka? Sa suot mong yan." Para siyang nanay ko na mukang ate ko.

Napatingin ako sa damit ko. Okay lang naman tong Winnie the Pooh Shirt ko eh.

"Duhhh. Hindi naman ako makikipag-date. Nagpapasama lang siya." Nag-mano ako sakanya.

*beep* *beep* Galunggong naman tong lalaking to, hindi marunong mag-hintay.

"Aalis napo ako. Babush!!" Tinakasan ko na rin siya kasi kung ano-ano pa sasabihin niya sakin.

Pag-upo ko sa Passenger Seat, napapatulala ko sa bouquet na nasa pagitan ng dalawang front seats.

Napa-tingin ako sakanya.

Wow, lakas niyang pumorma.His alluring scent makes him more attractive.

Hiyang-hiya ako sa damit ko. Parang Personal Assistant niya ako. Pero syempre hindi naman ako mukang ganun, sa ganda kong to.

"Tagal mo." Yan tuloy, Nasira ang momento ko sakanya.

"Sorry naman. Atleast first time ko eh ikaw dalawang beses na."

Kinuha niya ung bouquet..

insert slow-mo here

OMG! This is it!

I was trying to stop my cheeks on turning red but of course I failed.

Palapit ng palapit..

"Pwede pahawak?"

Halos nalaglag na ang panga ko. Instead na mamula ako sa kilig, namula ako sa kahihiyan.

"S-sige." Ang awkward ng pag-tanggap ko.

Imagine ko nalang na sinabi niya "Para sayo." o kaya "Flowers for you." kaso wala eh! Pinahawak lang niya sakin. Masakit yon.

Gusto kong suntukin utak ko kasi ang lakas mag-assume.

Gusto ko ring suntukin puso ko kasi di dahil sakanya di rin ako mag-aassume.

Napansin ko may small note dun sa bouquet na:

"Top, I love you always and forever. - JASH."

Jash means JAred ASHton.

Ang initsabihin nito ay babae si Top.

Ayoko ulit ma-biktima ng maling akala. Pero I think he's courting her. Nakaka-inggit niya lang.

After a few minutes of awkwardness. We went to this gate with a signage.

"HEAVEN'S GATE MEMORIAL PARK"

He broke the silence.

"We're here to visit someone I love, cause it's her Death Anniversary"

Top is dead?

TO BE CONTINUED

Author's Note:

Hello Everyone! I hope na sana nagustuhan niyo story ko.

Comment rin dyan for concerns and opinions :)

Don't forget to click the star button! Thank you very much guys. The more na gaganahan at maiinspire akong mag-sulat.

Thank you!

No One Knows: Arranged RelationshipTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon