Chapter 14: You Belong With Me

88 5 0
                                    

Hindi ako pwedeng magkamali sa nakita ko. Hindi ko alam ang gagawin ko, Kailangan kong mag-tago sakanya.

Dire-diretso ako papunta sa exit nang may humawak sa braso ko.

"Where the hell are you going? Hindi pa kita napakilala sa mga ibang kaibigan ko." Sabi ni Quentin.

"Quentin, Di ko kaya. I'm sorry." Ang hirap palang mag-panggap.

"Pero pag kay Kuya Jared, ang dali lang mag-panggap diba?" Psychic ba tong lalaking to? May nagsabi ba? o may connections siya sa ibang tao?

"Paano mo nalaman?" Tanong ko sakanya.

"You don't need to know, Just tell the truth please?" Pakiusap niya.

Hindi na ako kumibo.

'In the first place, sana hindi ka nalang pumayag ,dahil hindi ito maghahantong sa ganito." Shame on me. Sorry Quentin, I'm so sorry.

"I'm sorry Quen, Sorry kung pinaasa kita. Ginagawa ko rin naman to para sayo pero hindi ko talaga kaya. Mahal ko na talaga." Lumalabo nanaman ang mata ko dahil sa luha at tinakpan ko nalang ang mga mata ko.

Bawal na kasi itong nararamdaman ko sakanya at masyado na akong nadadala sa emosyon ko. Hindi ko na naiisip ang mga ibang tao kapag pinagpatuloy ko pa ito.

Bigla akong yinakap ni Quentin at hindi ko inaasahan iyon. Hindi ko na talaga mapigilan at napa-hugulgol na ako.

"Iyakin ka pala ate Savannah, Stop it please. You're way too beautiful to cry." Awww, natouch sa sinabi niya. Thank you Lord for giving me a Sweet Friend.

Bumitaw na siya at pinunasan ko ang mga luha ko.

"You can go now." Tinapik niya ako sa balikat.

"No, I'm staying. Ako parin naman ang date mo-----" Habang sinasabi ko yun ay parang naaninag ko si Jared na hindi gaano malayo saamin.

Napatingin ako sakanya at siya nga.

"Ja-red." Bigla niya akong hinila papunta sa labas kung saan ang garden ng restaurant. Ang higpit ng pagkakahawak niya saakin na may halong galit.

"Bitawan mo ako.' Binitawan niya ako at nakatitig lang siya saakin.

"Ano bang problema mo?" Tanong ko sakanya.

"Ganon ba Sav? Kapag wala ako, may kapalit?" Anong pinagsasabi niya? Nalilito ako.

"Iba ang iniisip mo Jared. Ipapaliwanag ko ito sayo."

"Kung alam ko lang.." Bumuntong siya ng hininga.

"Alam ko lang na ano?" Ang gulo niyang kausap kasi hindi ko siya maintindihan masyadong mabilis ang mga pangyayari ngayon.

"NAGSESELOS AKO. AYOKONG MAY IBA KANG KASAMANG LALAKI, GUSTO KO AKO LANG, WALA NANG IBA." Hindi ko alam kung ano ang reaksyon ko ngayon.

"Pano na ang papa ko?" Dinagdagan ko ng halong biro dahil napaka-seryoso niya.

"MATAGAL NA TONG NARARAMDAMAN KO SAYO, WAG MO NAMAN SANA AKONG BALEWALAIN."

"What do you mean?"

"M-MAHAL KITA SAVANNAH, MAS MAHAL PA KITA KEYSA SA SARILI KO. IKAW LANG ANG NAKAKAINTINDI SAAKIN. KUNG IISIPIN MONG KAPALIT KA LANG NI EVIE (TOP), PWES MALI ANG HINALA MO. IBANG-IBA KA SA MGA BABAENG NAKILALA KO. PLEASE HUWAG KA RING MAWALA SAAKIN."

Tama ba tong narinig ko? Mahal namin ang isa't isa?

Napatulala nalang ako at ayaw ko parin magising sa katotohanan.

Umalis siya nang hindi man nagpapaalam. Hindi ko tuloy nasabi ang tunay kong nararamdaman sakanya.

MAGSASAYA BA AKO O GAWING LIHIM PARIN TONG NARARAMDAMAN KO?

___________________________

This is my very first love story, kaya newbie palang ako at dadaan pa ako sa butas ng karayom para maging magaling na writer. Katulad ng iba, ordinaryong estudyante lang ako. Nagsimula lang kasi to dahil sa BOREDOM ko at nagpapasalamat rin ako sa utak ko di dahil sa kanya hindi ko magagawa ang story na to. Bigla lang talaga to nag-pop up sa isip ko at nagdecide na gawin na itong story sa Wattpad. Kung may typos or pagkakamali man, please bear with me. Kapag may concerns kayo just simple give me a private message at papakinggan ko ang saloobin niyo. Thank you sa pag-basa nito and I promise that I won't let you down!

Thank you very much <3

-tweitwei 8/6/14

No One Knows: Arranged RelationshipTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon