Chapter 24: The Bestfriend

38 4 0
                                        


"Happy Birthday Baby Boy." Hinalikan niya ako sa noo at naramdaman kong hindi talaga siya yon.

Paano siya mapapadpad dito?

Baka nagha-hallucinate lang ako.

Nung pagdilat ko sa aking mata, nakaramdam ako ng matinding gulat dahil hindi ko inaasahang magagawa niya ito saakin.

"M..." Tinakpan niya ang aking bibig sapagkat gusto kong isigaw ang kanyang pangalan.

"Shhh... Wag kang mag-alala Jared. Hindi naman kita ire-rape. Tinikman ko lang naman ang labi mo. Sarap mo palang halikan no. Gusto ko pa."

Linapit nya ang kanyang muka sa muka ko ngunit itinulak ko siya palayo saakin.

Hindi!!! Mali to!!!

"Manahimik ka nga! Bakit ba nandito ka sa kwarto ko? Alam mo namang nagpapahinga ako eh. Ano bang karapatan mo para pumasok dito ha?"

"Wala silang lahat, tayo lang nandito pati si Ate Aling (katulong namin)."

"Nasaan si Vincent?"

"Umalis sila ni Tito at Papa mo. Kaya puwede kong gawin ang gusto ko kasama ka." Kumindat pa siya na tila may balak siyang gawin saakin.

Tumayo ako at hinatak ko siya palabas ng kwarto at sinarado ko at linock ang pinto.

"Baby Boy, buksan mo to." Kumatok siya.

"Baby Boy, buksan mo naman to oh. Alam kong gusto mo pa."

"Baby Boy! Gusto mo ng birthday gift diba? Binigyan kita."

Katok niya ng katok at wala siyang pangalan ibinanggit kundi "Baby Boy"

"Bahala ka nga diyan!"

Nagsawa din siya sa pangungulit at umalis din.

Nagkaroon kami ng family dinner malapit sa beach.

May mga fire-dancers, live bands, grilling stations at syempre inuman.

Ramdam mo talaga na ang saya dito kahit gabi na.

Sobrang daming iba't ibang Seafoods ang hinanda para sa Birthday ko.

I was having a blast while watching the Fire Dancers with my family.

Nung umabot na ng midnight, lahat sila ay may kanya kanya.

May grupo ng mga nanay, grupo ng mga tatay, grupo ng mga batang nasa resthouse at tulog na.

Habang kami ng aking mga pinsan kasama na din si Mary ay malapit sa baybayin ng dagat at hinihintay na matapos ang kaarawan ko.

May campfire sa gitna at hindi mawawala ang beer sa kasiyahan.

"Jared oh." Abot saakin ni Mary ng isang beer.

"Ay, Thank you."

"Kalimutan na natin yung nangyari kanina. Alam mo namang ikasisira yon ng relasyon namin." Uminom siya.

"Eh kasi, ang Hard to get niya eh! Ang dry niyang boyfriend! Hindi niya magampanan ng maayos ang responsibilidad niya sa relasyon namin. Walang thrill, walang bago. Sobrang dry talaga."

Ramdam kong lasing na to kaya diretso magsalita.

May point naman ang sinabi niya dahil ilang buwan na ang relasyon nila pero parang everyday nalang ang routine nila. Hindi napapansin ni Vincent kung ano ang pagkukulang niya, masyado siyang naging kampante. Hindi ko man siya nakitang naging sweet sa harap namin ni Savannah noon, Di ko talaga maiwasang banggitin ang pangalan niya. Mas mabuting kausapin ko si Vincent tungkol dito kahit na di ako gaano boto kay Mary para sakanya.

Yinakap niya ako at hinimas ko ang likod niya habang siya'y umiiyak.

Napipilitan lang akong i-comfort to, dahil matagal na silang magkaibigan ni Savannah.

Ayan nanaman. Naiisip si Savannah, Paano ako makaka- move on kung ang daming makakapag paalala sakanya?

Tumigil na din siya sa paghagulhol at bumalik na sa resthouse.

Lumipas ang gabi ng kasiyahan at panandaliang pagkalimot ko sa mga masasamang nangyari saakin.

Nagising na lang ako at ramdam ang sobrang pagkahilo.

12 na pala ng hapon nung nagising ako. Silang lahat ay nasa baba na at kumakain na ng pananghalian.

"Anak, sobrang lasing mo kagabi, di mo na namalayang ang pula pula mo na at sumusuka ka pa." Inabot saakin ni Mama ang pinggan at pinagsandok ako ng kanin.

Hindi ko na nga namalayan yon, dahil wala na ako sa sarili ko sa mga panahong iyon.

"Tita, Nakita niyo ba si Mary?" Tanong ni Vincent, kababa lang niya ng kwarto.

"Ayyy hindi eh. Wala ba siya sa guestroom? Hindi ko kasi siya napansin simula kaninang umaga eh."

"Sige po, Salamat tita."

Tahimik lang akong kumakain at kaming dalawa lang ni Mama sa hapag kainan.

Iniisip ko padin ung pag-iyak niya kagabi at yung ginawa niya saakin.

"Jared, Hindi mo ba napansin si Mary? Wala siya sa guestroom. Wala yung gamit niya. Nakakapagtaka."

To be continued.

No One Knows: Arranged RelationshipTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon