Chapter 22: Left

55 4 0
                                        

"Hello?" Ako na mismo ang sumagot.

"Jared!!! Si Mary to!"

"Nasaan si Savannah?" SABAY NAMING TANONG.

"Ano? Hinahanap mo rin siya Jared?!" Natatakang tanong niya.

"Monthsary namin ngayon." Buntung hininga kong sagot.

"Syete! Hindi nya pwedeng palagpasan yang araw na yan! Asaan ba siya?" Tanong niya ulet.

"Hindi ko alam..." Mahinang sagot ko.

"Sinduin niyo ako sa labas ng gate sa school. Hahanapin natin siya."

--------

"Wala siya sa school? Wala siya sa bahay? Ano yon?" Kapapasok lang niya ng sasakyan at sobrang dami na niyang tanong.

"Hindi nga namin alam.."

Biglang nag-ring naman ang phone ni Mary.

Kaming tatlo naman ay naghahanap ng milagro.

"Hello?" Sinagot naman nya ito.
"SAVANNAH!" Pasigaw na sabi niya.

Hinablot ko kay Mary ang phone niya.

"SAV!"
"JARED?!"
"ASAAN KA?! KANINA PA KITA HINAHANAP! HINDI KA NAGREREPLY AT HINDI MO TINATANGGAP ANG MGA TAWAG KO!"
"SORRY KASI..."
"ANO?!"

Beep..

"Binabaan niya ako!!!"

Sinubukan naming tumawag sakanya ng paulit ulit ngunit nabigo ako, pinatay niya ang phone niya.

"Paano na niyan Jared?" Tanong ni Mary.

Nagisip kami ng paraan, hindi parin ako mapakali sa mga nangyayari ngayon.

"Si Jace." Sabi ni Mary.

Buti ay meron siyang number ni Jace at nagbabakasakali kaming andoon siya.

Tinawagan niya ito.

"Hello?"
"Jace? Kasama mo ba si Savannah?"
"Oo bakit?"
"Pwede ko ba siyang makausap?"
"Sige." Salamat sa Diyos naman linigtas ako ni Jace.

Ibinigay saakin ni Mary ang kanyang phone.

"Mary?" Hanggang sa narinig ko ulet ang boses niya.

"'Mahal ko! Sav ko! Wag mo naman ibaba to oh. Please kausapin mo naman ako oh. Monthsary natin diba? Alam kong hindi mo kalilimutan yon. 10 months! Nasaan ka? Gusto kitang makasama!"

"I'm sorry pero aalis na ako."

"Savannah! Saan ka pupunta?"

"Uy Jared! Si Jace na to."
"Saan siya pupunta?!"
"Ayaw niyang ipaalam to pero kailangan mo talagang malaman. Pumunta kang airport ngayon na! 30 mins nalang aalis na siya papuntang..."

Beep...

Bigla niya itong binaba at nagsimula na akong mataranta ng sobra sobra.

"Vincent! Ikaw na ang magdrive papuntang airport. Ngayon na."

"Airport?!"

"Oo paalis na siya. Dali!"
Nagswitch places kami ni Vincent at sinubukan ko paring tawagin si Jace pero walang sumasagot.

"Bilisan mo!"

"Oo binibilisan na!"

After 10-15 minutes nakarating narin kami at kaagad akong bumaba bago huli ang lahat.

Pumasok ako agad at Hinarangan ako ng Guard.

"Sir! Hindi po pwede ang mga non-passengers dito."

"Emergency lang kailangan kong pumunta sa flight papuntang ano.."

Saan nga ba siya pupunta?!

"Amerika." Sigurado akong Amerika to kasi matagal na niyang sinasabi saakin na kinukuha na siya ng papa niya pabalik ng Amerika.

"I.D po sir for Security Reasons." Kinuha ko ang wallet ko at sa kamamadali binalibag ko sakanya ang I.D ko at tumakbo papunta doon sa kung saan mahihintay pag magboboarding na.

Wala na akong pakelam kung mageskandalo pa ako dito. Ang importante makita ko lang ung mahal ko.

Habang padaan ay nakasalubong ko si Jace.

"Si Savannah! Asaan si Savannah!" Naghahabol pa ako ng hininga dahil sa kakatakbo ko.

"Papunta siyang Hong Kong."

"Ano?! Hong Kong?!" Ano ang dahilan kung bakit siya pupuntang Hong Kong?

"Nakikita mo yang terminal na yan? Yun yon. Any minute boarding na." Tinuro niya saakin ung waiting area nila.

Nakita ko siyang nakaupo at tulala lang.

Binuksan ko ang pinto pero may humarang na babae na mukang nagtatrabaho sa airport.

Mas matangkad ako kaya nagawa ko pading sumingit at sumigaw.

"SAVANNAH!"

Napatingin siya at tumayo.

"Bawal po ang non-passengers dito. Sorry, Hanggang dito lang po."

"Excuse me." Hindi ko inaasahang bigla siyang lalapit saakin. Tumabi naman ung babae.

"I'm sorry."

Yinakap niya ako nagpagkahigpit higpit.

No One Knows: Arranged RelationshipTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon