Life's getting busier and busier...
...........
Jared's POV
It's our 10th monthsary and right now I'm expecting for her good morning text.
Naiintindihan kong nagiging busy na siya at minsan wala na siyang oras para sakin dahil inaatupag niya ang kanyang pag-aaral, pero syempre dapat hinding hindi niya kalilimutan ang araw namin ngayon.
"Pre, wala parin talaga!" Reklamo ni Vincent dahil siya ang kasama ko sa set-up para sa monthsary namin.
11am na, ni isa wala akong natanggap.
Ilang beses ko nang binaha ng messages at missed calls pero wala parin.
"Bakit kaya hindi mo nalang puntahan?" Tanong niya.
"It's not a part of my plan! Ang plano kasi susunduin ko siya at dadalhin ko siya sa private beach namin sa La Union kung saan ko siya susurpresahin."
"Ang tindi mo pre. Ganyan ka ba talaga kaseryoso kay Savannah?"
"Oo seryoso ako! Binayaran ko na ung mga tauhan don para sa set-up ko kaya wala nakong poproblemahin pa. Si Savannah nalang talaga tong hindi pa nagpaparamdam."
Nasanay akong pagkagising palang niya ako na ang unang tetext nya. Ngunit bakit kakaiba ang nangyari ngayon?
"Kung ako sayo dapat dati pa tinanan mo na yan para hindi mo na mapapakawalan." Biro niya.
"Abnormal ka talaga!!! Ano bang alam mo sa ganyan? Ang alam mo lang kasi pumorma sa mga babae at ni isa wala ka mang sineryoso."
Ganyan kami mag-kontrahan ng pinsan ko, sanay na kami na ganito lagi. Pre-school pa lang kami kaibigan ko na siya at malamang kilalang kilala ko na ugali niyan.
-------
2pm na, pero wala parin!!!
Sa sobrang desperado ko, wala akong choice kundi puntahan na siya sa bahay nila.
Kumatok muna ako at buti naman ay pinagbuksan ako ng auntie niya.
"Jared?" Nagulat siya nung nakita niya ako matapos niya akong pagbuksan ng pinto.
Nagmano ako sakanya.
"Aunt...." Hindi ko natapos ang akin sinasabi dahil mukang may gusto siyang sabihin saakin.
"Si Savannah? Wala siya dito."
"Nasaan po siya?" Lumakas ang pintig ng puso ko. Para nakong natataranta kasi ayaw kong masira ang plano ko.
"Hindi ko alam." Tipid na sagot ni Auntie.
"Sige Salamat po. Kapag bumalik na po siya ng bahay pakisabi nalang po na dumating ako."
Asaan na yun? Hindi pwedeng mangyari to. Hindi pwede masira tong araw na to.
"Osige Jared. Mag-iingat ka." Sinarado niya agad ang pinto.
Sinandal ko ang noo ko sa pinto. Lumalabo na ang paningin ko at pumatak na ang mga luha galing sa mata ko.
"Hinde eh..."
Ilang beses kong inuntog ito para magising na ako sa panaginip ko. Wala parin, sadyang kailangan ko nang magising sa katotohanan.
Bumalik na ako sa sasakyan dahil hanggang ngayon kasama ko parin si Vincent.
"Hoy pre. Umiiyak ka ba?"
"Ggo di ako umiiyak."
"Hoy umiiyak ka eh." Tinulak pa ni Vincent ang balikat ko
Pinatong ko ang ulo at nag-cross arms sa manibela at nag-simula na akong humagulgol.
Hinimas ni Vincent ang likod ko.
Tahimik ng paligid kaya binuksan niya ang radyo.
"Pag talaga tinamaan ka ng pag-ibig, hindi mo maiwasang masaktan. Sobrang saya sa simula pero susuklian ka naman ng sakit at pagdurusa."
Pinatay agad ni Vincent ang radyo.
"Wag mo nang pansinin ung sinabi nun"
Hindi parin ako kumibo.
Biglang nag-ring ang phone ko nasa gitna ito ng dalawang front seat.
Unregistered number calling...
![](https://img.wattpad.com/cover/15977937-288-k408107.jpg)
BINABASA MO ANG
No One Knows: Arranged Relationship
RomanceSila Savannah at Jared,The most popular couple in their university, pero may lihim sila, FAKE lang ang relasyon nila at may dahilan kung bakit nila ginagawa yun. Ibang-iba sila sa realidad at at nag-simula sila sa pagiging strangers, ngunit makalipa...