Chapter 22: Left PART 2

79 5 1
                                    


Hindi ako kumikibo habang yinayakap niya ako. Kaagad rin siya bumitaw.

"Happy 10." Bati ko sakanya.

"Kahit wag mo na ako batiin kasi ito na ng pinakahuling monthsary natin."

Tama ba ang narinig ko galing sakanya?

"Ha? Anong pinagsasabi mo?"

Hinawakan niya ang dalawang kamay ko.

"Sorry Jared. I'm so sorry."

Ung mata niyang malapit nang maiyak pero pinipigil lang niya.

MANILA TO HONG KONG NOW BOARDING

"Sana balang araw mapatawad mo ako. Hinawakan niya ang kaliwang pisngi ko. Wag kang magbabago ah. Gusto ko pag nakita kita ulet, ganon ka parin. Yung Jared na minahal ko."

Nakatitig lang sakanya na tila walang lumalabas sa bibig ko.

Anong nagawa ko sakanya at, bakit ang dali niya akong iwanan?

"Sa tamang panahon malalaman mo ang dahilan Jared basta tandaan mo na kahit anong mangyari hindi ka mawawala sa puso't isipan ko."

MANILA TO HONGKONG NOW BOARDING

"Maiiwan na ako ng eroplano. Aalis na ako."

Kinuha niya ang kanyang maleta at balak na nga niyang iwan ako.

Hinawakan ko ang braso niya at hinatak ko siya palapit saakin.

Linapit ko siya saakin at hinalikan. Hindi inaasahang magrerespond siya.

Gusto ko nang magising sa masamang panaginip ko.

MANILA TO HONGKONG NOW BOARDING

Naalala ko ung kwintas na nasa bulsa ko kaya kinuha ko ito dahil paubos na ang oras.

Hinawakan ko ang kamay niya at inilagay ito sakanya.

"Aalis na ako."

Hindi nalang ako nagsalita kasi sobrang sakit na ng nararamdaman ko.

Ang hirap makitang iniiwan ka na ng harap-harapan.

No One Knows: Arranged RelationshipTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon