SAVANNAH'S POV
It was a tough night for me. Hindi ako makatulog dahil sa mga nangyari. I think it's possible for him to love me back pero tama ba itong nararamdaman ko? Kailangan ko bang sundan ang isinisigaw ng puso ko?
Habang naka-tingin ako sa kisame biglang may tumawag saakin.
Jared Ashton Guillermo <3 calling...
"Hey."
"Oh bat napatawag ka?" Tanong ko.
"What does M.U mean?" Tanong niya.
Time check, 11pm na at kanina ko pa binanggit ang word na "M.U"
"Mutual Understanding."
"Ha? Ano yun?" Tanong nanaman niya. Wow lang, wala ata siyang kaalam alam sa M.U, kailangan ko pa talagang i-explain ng husto.
"Mutual Understanding. Crush mo, crush ka, mahal mo, mahal ka. Ung Parehas kayo ng nararamdaman sa isa't isa kaya MUTUAL." Paliwanag ko sakanya.
"Ahh ganon pala." Nagsalita siya na parang nag-iisip ng malalim.
Nagkaroon nanaman ng MOMENT OF SILENCE, wala kaming maisip na mapaguusapan.
"Matulog ka na." Sabi ko.
"Hindi pa ako inaantok, Usap muna tayo." Parehas rin pala kami ng nararamdaman. Sobrang pagod ko na pero go lang ng go ang katawan ko.
"Ay hindi. Matulog ka na. Magkaka-eyebugs ka niyan." Bilin ko sakanya.
"Sige na nga, Good Night Savy." Binigyan nanaman niya ako ng bagong nickname.
"Good Night rin Jary!" Corny pero ganti ko lang to sakanya.
"Uhhhh Labas tayo bukas. Okay ba?"
Pumayag ako at balak ko nang i-end call.
"I love you Savy." Pabulong niya itong sinabi.
Lagi niya akong pinapangiti.
"I love you too Jary." Sinabi ko rin ito ng pabulong.
In-end call ko na at bigla pa siyang nag-text.
"I'll pick you up on School at 5pm. Game?"
"Game."
~~~~~~~~~~~~~
Pag-gising ko palang parang kumpleto na ang araw ko, ganito pala pag hindi ka na single.
Mas lalo akong nag-ayos sa sarili ko dahil makikita ko na siya mamaya.
Matapos ng klase ko ay nakipag-bonding muna ako sa mga kaibigan ko. After one hour pa naman ang DATE namin.
Si Mary ay nag-tampo saakin dahil hindi daw niya maintindihan ang pinaguusapan namin ni Jace.
Sana in the first place, kaagad ko na sinabi kung scripted na relationship namin.
Nag-hingi ako ng tawad sa kanya dahil hindi ko kaagad yun sinabi, inexplain ko lahat lahat, bawat detalye ay inilahad ko na sakanya para wala nang sikretong ililihim pa. Yinakap niya ako at hindi man siya nag-tanim ng sama ng loob.
"No secrets, No lies." Bilin niya.
"I promise, Cross my heart." Inekis ko talaga ang dibdib ko, what kind of bestfriend am I, not telling her my deepest secrets.
May biglang yumakap saakin sa likod. He wrapped his arms aroung my waist. WOW PDA!
"OMG!!!" Tumitili naman ang bruha, ganyan ang feeling pag single. Kikiligin ka sa mga ibang tao hindi sa sarili mong lovelife.
BINABASA MO ANG
No One Knows: Arranged Relationship
RomanceSila Savannah at Jared,The most popular couple in their university, pero may lihim sila, FAKE lang ang relasyon nila at may dahilan kung bakit nila ginagawa yun. Ibang-iba sila sa realidad at at nag-simula sila sa pagiging strangers, ngunit makalipa...
