Chapter 12: Panahon ng Wrong Timing

113 4 1
                                    

Mag-aaral na si Jace sa Robinsteen kasi lumipat na sila ng bahay dito sa Maynila. Bilin daw saakin ng Mama niya (Only child lang siya at mama's boy) na dapat daw lagi ko siyang kasama mula pagpasok sa school, tanghalian at pagka-uwi dahil sa kabutihang palad, Magka-subdivision lang kami. Nakakaasar lang magmumuka akong linta sa kakadikit sakanya, gusto ko rin minsan maka-bonding si Jared no.

Pano kaya kung ipag- sabay ko silang dalawa?

Pagtapos ng sermon saamin ng Principal, pinakilala ko sila sa isa't isa. Itong si Jared naman may pagka-suspicious parin ang tingin niya kay Jace.

Malapit na kami sa Exit gate nang biglang nag-ring ang cellphone niya (Jace)

"Teka lang guys, Tumatawag mama ko eh." Lumayo siya ng ilang metro para tanggapin

ang tawag ng mama niya.

Kaming dalawa nalang ni Jared at napaka-asim talaga ng muka niya.

Minsan naiinggit ako kay Jace kasi may nanay siyang pinaparamdam ang tunay na pagmamahal. Bata pa ako noon at wala pa masyadong isip kaya hindi hanggang ngayon i'm seeking for a Mother's love.

"Cousin mo ba talaga siya o COUSINtahan?" Nakakaasar na talaga tong lalaking to, wagas maka-isip ng iba't ibang bagay.

"Ano ka ba Jared? Pinsan nga eh. PINSAN."

"Sorry naman Sav. Nagtatanong lang." Pasalamat tong lalaking to mahaba pasensya ko sakanya. Ganyan talaga pag mahal mo ang isang tao.

Natapos na ang paguusap nilang mag-ina kaya makakauwi na rin ako.

Pero teka, hindi pa namin pinagusapan yung nangyari kahapon diba?

"Chubs, Tara sabay na tayo pag-uwi." Hinawakan ni Jace ang kanang braso ko.

"Sav, diba may pag-uusapan tayo?" Hinawakan naman ni Jared ang kaliwang braso ko.

"Ano to Tug of War?" Mataray kong sinabi sakanila habang pinipilit kong bitawan ang kamay nila sa dalawang braso ko pero binitawan naman.

"Babs, pwede bukas nalang? May pag-uusapan kaming importante ni Jared eh. Sorry talaga." Pakiusap ko sakanya. Mabait naman tong babs ko at maintindihin naman kaya nag-paalam nalang siya saakin at mamaya magkikita daw kami sa bahay ko kasi bibisitahin daw niya ang Lola namin.

Hindi naman alam kung saan kami papunta ni Jared, pero ngayon hawak niya ang kaliwang braso ko.

Nakikipag-sabayan ata ang ang panahon dahil nag-sisimula nang umambon. Kaninang pag-labas namin makulimlim na ang langit pero di ko naman iisipin sisirain niya ang moment namin. Dapat para sa mga taong brokenhearted to eh,o kaya sa mga pelikula na may break-up scene.

Meron pala akong maliit payong sa bag ko, kaya linabas ko ito syempre matangkad si Jared kaya hindi niya abot . Hinablot niya ito at pinayungan ako samantalang siya nababasa na.

"Bakit hindi mo payungan sarili mo?" Siya na gentleman. Ako mas lalong naiinlove sakanya.

"Okay lang na mabasa ako, wag lang ikaw."

Ano daw? Masyado na akong kinikilig eh.

May isang magarbong kotse na tumabi saamin at binusinahan kami.

Bigla niyang binuksan ang bintana ng sasakyan niya.

"Red, Sakay ka na." Isang babae na parang nasa mid-thirties ang kumausap saamin.

Ay ganun, iiwan lang niya ako dito habang lumalakas na ang ulan.

PANAHON BA NG WRONG TIMING?

No One Knows: Arranged RelationshipTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon