Andito ako sa Manila Bay and as usual He is late again.
"Sav!"
"Your late AGAIN." Kairita lang talaga tong lalaking to. Kalalaking tao, ako pa maghihintay sakanya. Pero syempre iintindihin ko kasi crush ko siya.
"Sorry pinag-usapan pa namin ung sa championship para bukas."
"Ahh, Sige I understand."
"Tara upo tayo don."
Andun kami sa upuan kung saan makikita mo yung view ng Manila Bay. Sabi ng Lola ko maganda daw dito kaso ngayon hindi na well-maintained kaya ang dumi-dumi na. Pag tinignan mo naman ung bay, parang naappreciate mo na ang mga gawa ni God.
"Ang ganda pala ng view dito, ngayon lang ako nakapunta dito eh."
"Bakit naman?"
"Nung First year college pa ako hindi ako lakwatsera at hindi ako nakikipag-date."
"Which means that I'm the first one to date you?"
"Yup, I love your accent though."
"Love mo ko?"
"Nooo! The accent ONLY."
"Hahahaha. I'm just kidding. Bawal ang pikon!"
"Hmm... Tiga-saan ka ba?"
Biglang tumahimik ang atmosphere naming dalawa.
"Can I tell you something personal?"
"Sure."
Mukang seryosong usapan na to.
"Ampon kasi ako."
O.O
"Hah? Sa gwapo mong yan? Ampon ka?"
Grabe tong bibig ko, hindi nahiya.
Buntung-hininga siyang nag-nod
"Ang mama ko kasi ay isang registered nurse sa isang ospital sa U.K, 2 weeks na daw akong nasa Nursery Room. Tila inabandona na ako ng mga magulang ko. Ayun, napagisipan niyang ampunin ako."
"Eh si Papa mo?"
"Hindi pa sila magkakilala non, 5 years old ako nung dinala ako dito sa Pilipinas. Inembrace ko na ang Philippine Culture."
"Ang cool. Dugong British, Pusong Pinoy!"
Sa wakas ngumiti naman siya, kanina pa siya seryoso eh.
"Naalala mo nung first date natin? Perfectionists sila Mama at Papa, High-expectations ang meron sila sakin. Dapat daw ginagamit ang utak para sa diskarte."
"Bakit naman? May legacy ba kayo or what?"
"May mga business kami, sakin daw ipapamana yon kasi ako lang ang lalaki samin magkakapatid.Si Pink at Si Orange bata pa."
"Ang cute naman ng names nila, Bat ikaw wala?"
" Jared... RED."
"Wew. Red as in pula. Unique ahh."
"Hindi kaba nacucutetan sa pangalan ko?"
"Cute naman!! Red like an Apple."
"Di bale mas cute parin ung sayo... SAV." Pinisil naman niya ung pisngi ko.
*dug* *dug* *dug*
Teka, puso ko yon ah.
Ang bilis. Hindi ko talaga maintindihan ung nararamdam ko.
BINABASA MO ANG
No One Knows: Arranged Relationship
RomansaSila Savannah at Jared,The most popular couple in their university, pero may lihim sila, FAKE lang ang relasyon nila at may dahilan kung bakit nila ginagawa yun. Ibang-iba sila sa realidad at at nag-simula sila sa pagiging strangers, ngunit makalipa...