Prologue

466 11 0
                                    


"Best, kinakabahan ako!" Nanginginig na sabi ni Yla habang hawak ng mahigpit ang kamay ko.

Nginitian ko naman siya, "best, huwag ka ng kabahan. This is your dream. Fight for it." Malumanay na sabi ko sa kaniya.

She nodded and give me a tight smile.

Nandito kami ngayon ng bestfriend ko na si Yla dahil napagpasyahan niyang umamin na sa isa naming bestfriend na si Chester.

Tatlo kaming magkakabata at hindi naiwasan ni Yla na mahulog sa boy bestfriend namin habang lumalaki kami.

At first she was afraid to confess thinking that Chester might be feel opposite to what she feels.

At bilang bestfriend nilang dalawa, I made a plan on how to let the two of them confess to one another.

Hindi man sabihin sa akin ni Chester ay alam kong may nararamdaman siya para kay Yla.

Sino naman ang hindi magkakagusto sa isang Yla Eunice Castillon na ubod ng bait, ganda, at mapagkumbaba.

She's the Queen bee in Orjalesa Academy, kung saan kaming tatlo nag-aaral.

While Chester is one of the heartthrob because he has the looks and charming personality. Magalang din siya at hindi siya nagti-take advantage sa mga babae kahit na ang mga babae na mismo ang lumalapit sa kaniya.

That's why the two of them got fall for the word they called "love" and as their bestfriend, I am here to support them no matter what.

Napangiti ako at mas lalo namang kinabahan ang kasama ko nang makita si Chester papunta sa harapan namin.

He has a wide smile as he looked at the two of us.

"Hey, girls!" He greeted before messing our hair.

Napasimangot naman ako habang si Yla ay ngiting-ngiti. Hindi na dapat pinagtatakhan pa ang bagay na 'yan. Sobrang baliw ni Yla kay Chester.

"Let's go for lunch?" Aya ni Chester.

Umiling ako sa kaniya kaya nagsalubong ang kilay niya sa pagtataka.

"May sasabihin sa 'yo si Yla, Ches." Nakangiting sabi ko pa.

Kahit naguguluhan ay tinignan ni Chester si Yla, "ano 'yon, babe?"

That's our endearment to Chester and vice versa.

Kung kami ni Yla ay 'best' ang tawagan. Babe naman ang tawag ni Chester sa amin o hindi kaya ay tawag namin sa kaniya.

But since I know may nararamdaman sila sa isa't isa ay mas pinili ko nalang tawagin si Chester bilang 'Ches' na hindi naman na tinanong pa ni Chester kung bakit.

"B-Babe, m-may sasabihin ako." Nauutal pa na sabi ni Yla.

Napangiti ako at dahan-dahang umalis sa eksena.

Marami na ring nakatingin sa kanila at alam kong tulad ko rin, ay sumusuporta sila sa susunod na mangyayari.

My smile went wider when I saw Yla and Chester hugging each other while teary-eyed. The audiences clapped their hands and so did I.

Yla looked for me and when our eyes met, he mouthed "thank you" to me. I mouthed my "welcome" back to her.

I was just smiling when someone dragged me out of that place.

Kinain ng pangamba ang pagkatao ko nang dahil doon.

"W-Who are you?" Nauutal na tanong ko habang kinakaladkad pa rin. "T-Teka lang! B-Bakit mo 'ko hinihila?!"

Based sa tinatahak namin ay papunta kami sa garden ng school.

Nang huminto siya sa paglalakad ay saka niya ako binitawan.

Inayos ko muna damit ko saka nag-angat ng tingin at gano'n nalang kagimbal ang buong pagkatao ko nang makilala kung sino ang humila sa akin.

He has glaring blue eyes straightly darted to me. His smooth hair were messed intentionally that added to his appeal. Kahit ang kaniyang ilong ay napakatangos na para bang kinurba sa perpektong paraan.

But even if he was screaming aesthetically gorgeous, I know deep well that I should not be with him not be near to him.

He is the famous badboy here in Orjalesa Academy and no one, when I say no one, I am really serious, should mess up with him.

Kung kanina ay nangingig ako dahil sa kilig. Ngayon ay nanginginig ako dahil sa takot.

Nagbaba ako ng tingin sa kaniya dahil alam kong ilang minuto nalang ay matutumba ako dahil sa panginginig ng binti ko.

"A-Ano p-pong kailangan niyo sa akin?" Magalang na tanong ko.

Sa ilang taon kong pag-aaral sa paaralang ito ay talagang iniwasan ko ang makatagpo o mag-cross man lang ang landas namin ng lalaking ito.

I don't have any debt to him but I just want to have a peaceful teenage life that's why I don't want to cross my paths to him.

And I think I have a bad luck right now.

"I will give you an order and you will follow or else, I will give your life a show that you will regret having." Malamig na sabi niya.

Dahil sa takot ay tumango-tango ako kahit na hindi ko alam kung ano Ang i-uutos niya sa akin.

"I want you to kill Jose Rizal."

Napaawang ako sa narinig. He want me to kill--what?

Bakit niya ako inuutusang pumatay? At kanino raw? Kay Jose Rizal? Di'ba patay na 'yon?

"P-Pardon?" Nasabi ko nalang dahil hindi ko alam kung nabingi ba ako dahil sa takot na nararamdaman ko.

He looked at me darkly, "Yla Eunice is mine and will be mine sooner or later but that fvcking son of a bitch is blocking my way. Kill him."

Mas lalong nagimbal ang pagkatao ko sa sinabi niya. Tama ba ako ng narinig? M-May gusto siya sa bestfriend ko?

"S-Sinong Jose Rizal?"

I get that he has a guts on my bestfriend at naniniwala naman akong bestfriend ko 'yon dahil wala ng ibang nagngangalang Yla Eunice dito sa paaralang ito. But my question is sino si Jose Rizal na sinasabi niya?

He became angrier on my question, "your fvcking boy bestfriend!"

Napakislot nalang ako sa sigaw niya.

Ano ng gagawin ko ngayon? Kakaamin lang ng dalawa tapos may panira na.

Nanlulumong napatitig nalang ako sa damo na nasa paanan ko.

***

Feel free to vote or comment. I accept suggestions and opinions, bad or good. Follow me if you want.


A/N: This is a new story and this was created from my dream last night. Ayoko sanang gawan ng story pero hindi ako pinapatahimik ng utak ko hangga't hindi nasusulat. 3 on-going stories tapos tamad pa akong mag-update. Well, medyo nagsisipag na pala ako. Hope you will support me here, guys!

The Badboy's OrderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon