Author: Nara-writer's block ako ngayon. Pasensya for slow update.
Chien Bennete's POV
"Wah! Idolo Chien!"
Napatingin ako sa sumigaw ng pangalan ko at nakita ko sa likuran ko ang dalawang babaeng ipinagtanggol ako kahapon. Kakapasok ko palang ng eskwelahan at hindi ko kasama si Jovan dahil may pinuntahan sila nina Cole at Jave. Baka raw hindi sila papasok. Dahil ayokong makialam sa kanila ay hindi na ako nagtanong kung bakit.
"Bakit?" Takang tanong ko sa dalawang babae nang sabayan nila ako sa paglalakad.
Gusto kong pumunta sa library since maaga pa pero ayoko namang hanggang library ay kasama ko ang dalawa.
"Saan ka pupunta, idolo Chien?" Tanong nong isa.
"And where's Jovan, Chien? And seriously? He let you walk alone?" Tanong nong isa pa na may hindi makapaniwalang boses.
Tinignan ko naman sila. "Pupunta sana akong library. At anong mali sa paglalakad ng mag-isa? Kailangan ba by partner pag naglalakad?" Hindi ko gustong maging sarkastiko pero 'yon ang kinalabasan.
Akala ko magagalit sila sa naging pagsabot ko pero tumili lang sila pareho.
Nagulat ako nang hinawakan nila ako sa magkabilang kamay saka hinila papuntang library.
"T-Teka!" Awat ko pa pero dahil dalawa sila ay tuluyan na nila akong nahila.
Nang makarating sa loob ay kami palang ang tao. Agad naman silang pumunta sa isang table at saka pinaupo ako sa isang upuan doon.
"We will help you, idolo Chien." Excited na sabi nong isa kaya naguguluhan ko silang tinignan.
Anong tulong ang sinasabi nila?
"Wait. Let us introduced ourselves first. Yessa Miey Zedara nga pala." That morena girl who has slim body type, I think 5'6 height at mas mataas siya kaysa sa kasama niya, hmm halatang wala siyang foreign looks but still she's beautiful. Filipinang-filipina talaga eh.
"And I am Prexy Choi, half chinese." Sabi nong chinita at maputla ang balat. Maliit din siya, I think 4'9 ang height niya. May salamin at brace pero bumagay naman sa kaniya. Hindi naman siya mukhang nerd tignan.
"We know you." Mabilis na sabi nila nang magsasalita na sana ako para sabihin din ang pangalan ko.
Napatango nalang ako. Halata namang kilala nila ako eh.
"Bakit niyo nga pala ako nilapitan?" Tanong ko dahil gusto ko na talagang mapag-isa.
Nagkatinginan sila saka sila ngumiti sa akin.
"We want to help you." Sabi ni Prexy.
Napakunot-noo naman ako, "saan?"
"Hindi saan kung hindi ano at para kanino." Sabi naman ni Yessa kaya hindi ko mapigilan ang kabahan.
I think I wouldn't like what they would going to say.
"We just notice that you're too stiff towards Jovan. Para kang hindi girlfriend kung kumilos. Did you even feel jealous towards those girls who keeps on secuding him? Gosh! You're like a statue girlfriend!" Mahabang litanya Prexy.
Napapitlag naman ako dahil sa palo niya sa balikat ko. Nagulat ako nang mamutla siya.
"I'm sorry idolo Chien! Gosh! What did I do?!" Exaggerated na sabi niya at akmang luluhod pa sa harap ko nang pigilan ko siya.
"A-Ano bang ginagawa mo?" Takang tanong ko dahil para siyang takot na takot.
"Hindi ko sinasadya ang hampas idolo Chien! Pasensya na, nasanay kasi akong hampasin si Tessa eh." Parang naiiyak na sabi pa niya.
BINABASA MO ANG
The Badboy's Order
Ficção AdolescenteI don't know where this mess came from. I just supported my bestfriend's love life and it lead to where I am right now. Following the badboy's order. Cover is credits to Canva. ***This is a standalone story.***
