Chapter 31

136 8 3
                                    


Chien Bennete's POV

Napahilamos ako ng mukha nang makita si Jovan sa labas ng unit ng condo ko. Ala sais palang ng umaga nang magpasya akong lumabas at nakita siya sa labas ng unit.

"Good morning, baby." He greeted then kissed me on my cheeks.

Umatras ako ng isang hakbang palayo sa kaniya at nakita ko kung paano siya natigilan sa ginawa ko.

"What are you doing here, Jovan? You're not supposed to be here." Madiing sabi ko.

"You're drifting away like I am a sick man, baby." Malungkot niyang sabi.

Napabuntong-hininga ako. Ayoko talagang bigyan ang tao ng ikakasama ng loob nila.

"Jovan, ipapaalaala ko lang sa 'yo na hindi ako bumalik dito para sa 'yo. I will be a nun soon and all I want from you is to accept that."

Marahas siyang umiling-iling. "You don't know the pain of hearing it from you, baby. I... am losing you now."

Nag-iwas ako ng tingin. "You already lost me the moment you cheated on me, Jovan. Well, nandito ka naman na. Why don't we have a talk for the last time about the past. I also want closure."

Nagdilim ang mukha niya sa sinabi ko. "For the last time? You sure about that?"

Tumango ako saka nilakihan ang pagkakabukas ng pinto para papasukin siya.

He slowly went inside while looking at me intently. Umiwas lang ako ng tingin saka iginiya siya sa mahabang sofa.

Hindi na ako nag reklamo nang tumabi siya sa akin at dumikit na para bang mawawala ako kung hindi siya didikit. For the last time...

I sighed as I opened my mouth to talk. "I thought you really love Yla that's why I give you two the freedom to love each other. May nararamdaman na ako sa 'yo ng mga panahon na 'yon Jovan at hindi ko itatangging nasaktan ako nang malaman ang pangloloko niyo. But at the end, I understand your reason. Your love for her was so deep that you use me to protect her. Thank you. Thank you for making my bestfriend safe in exchange of my life. Hindi ko kayo sinisi dahil alam kong nagmamahalan lang kayo. Hindi ko kayo kinausap kasi alam kong wala akong karapatan. After All, I am just ordered to be your girl. Umalis na nga ako eh kasi naaawa ako sa bestfriend ko. Yla is a kind girl Jovan, hindi siya dapat tinatago. After 4 years after I leave, I haven't move on. Inaamin ko, masyadong malalim ang pagmamahal ko sa 'yo kaya umabot sa gano'n katagal bago ako naka move on. But when I started to surrender my life to God, when I return my life to Him, that's when I realize my worth as a human. Nawala iyon ng umalis ako sa Pilipinas pero binalik niya 'yon. Then a year later, I accepted that I will be a nun in a month. Umuwi ako rito para magpaalam sa pamilya ko at sa inyo pero hindi ko alam na gulo na naman ang dinala ko."

Agad na hinawakan ng mahigpit ni Jovan ang kamay ko kaya napatingin ako sa kaniya. Namumula na ang mga mata niya. Indikasyon na paiyak na siya.

"I'm sorry, baby. I'm sorry for being a jerk. I-I thought I really love Yla but when you left, I became devastated. Naging gago ako at nasaktan kita. But please... believe me when I say I love you more than anything. I already learn my lesson. I won't slip this time. H-Hindi na ako magloloko. I-I tried to fix myself for your return baby. I want to be deserving to you that I can trade everything I have just to have you again. Please... give me chance. H-Hindi na... hindi na ako magloloko. Take me back please." Umiiyak na sabi.

Napasinghap ako nang bigla nalang siyang lumuhod sa harapan ko.

"J-Jovan."

He looked at me in the eyes with so much regret, sadness, and longing in his eyes. Naaawa ako sa kaniya.

The Badboy's OrderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon