Author: This chapter is dedicated to @_allliiii dahil sobrang active niya na reader sa story na 'to, thank you po and continue supporting this story.Chien Bennete's POV
"Alam mo ma'am, maganda 'yong nandito ka sa kompanya ni boss dahil hindi mainitin ang ulo niya." Sabi ni Jeyah, secretary ni Jovan. She was just 21 years old but she's already working in Jovan's company. Medyo mataba siya pero hindi naman nawala ang pagiging sexy niya. Chubby but can slay, sabi nga niya.
"Oo nga ma'am, parang sobrang fresh ng aura ngayon ni boss 'yon pala luma-love life." Natatawang sabi naman ni Natasha, co-worker ni ni Jeyah.
Nagulat ako nang basta nalang nilingkis ni Fareigh ang kamay niya sa braso ko. "Dito ka nalang lagi ma'am para good mood si boss. Nakaka-umay ang aura niya pag galit eh. Ngayon, kahit yata tapunan ng tae si boss tatawa lang 'yan pagkaharap niyo eh."
Sumang-ayon naman ang dalawa sa sinabi ng huli. Natatawang napailing-iling ako.
It is lunch time already and we're here at the cafeteria of Jovan's company. May meeting pa si Jovan kaya dito muna ako habang nakikipag-kuwentuhan sa mga empleyado niya.
Nagpaawa sila ng tingin sa akin at parang mga puppy na nanghihingi ng dog food.
Natawa naman ako. "I told you already that I am his ex girlfriend, I am his past and it will stay that way. Isa pa, magma-madre ako." Nakangiting pahayag ko dahilan para malaglag ang panga nila habang nakatingin sa akin.
"S-Seryoso?" Si Natasha.
"Bakit ma'am?" Sumisinghot na sabi ni Fareigh.
"Pangit niyo ka-bonding ma'am. Banal pala kayo." Nakangusong sabi naman ni Jeyah.
Mas lalo akong natawa habang ngumuso naman sila sa akin.
"Bakit ka magma-madre ma'am? Sayang naman kasi, hindi puwedeng maging padre 'yang si boss dahil sa itim ng budhi." Nakasimangot na sabi ni Fareigh at natawa naman ang dalawa.
Napailing nalang ako. "Huwag niyo ng pagtawanan ang mga tao sa simbahan at isa pa, bawat isa sa atin ay may kaniya-kaniyang pangarap." Tumingin ako kay Natasha. "If your dream to be model, then someone can't question it because it's your life and choice so if I dream to be a nun, don't question it please."
Parang napahiya naman ang tatlo kaya napatungo nalang.
Napa sign of the cross ako. "Oh God, I didn't meant to harm your feelings, I just vocalize what I want to express. I'm sorry if I offended you."
Agad naman silang nag-angat ng tingin saka agad na umiling-iling sa akin.
"Ay ma'am walang kaso 'yon, saka tama naman po kayo eh. Kung hindi talaga kayo ni boss at hindi talaga puwedeng ipilit, baka puwede pang idaan sa dasal?" Ngumisi siya saka nag peace sign sa akin. "Joke lang ma'am!"
Napailing nalang ako sa kalokohan nila at kakulitan.
Kumain na sila habang ako ay umiinom lang ng milktea. Hindi pa naman ako gutom habang naghihintay kay Jovan kaya hindi muna ako kumain.
Though I am exhausted because I am tired roaming around but I did enjoyed. Hindi ko alam na sobrang yaman pala talaga ng pamilya ni Jovan, he even owned the mall where we meet again.
Nakaka-proud as an ex-girlfriend niya ang mga narating niya.
"Baby..."
Natigilan ako sa kakatingin sa paligid at kahit ang mga tao ay natahimik din kaya rinig na rinig lahat ang boses na iyon ni Jovan. Lalo na 'yong sinabi niya.
![](https://img.wattpad.com/cover/272051861-288-k727150.jpg)
BINABASA MO ANG
The Badboy's Order
أدب المراهقينI don't know where this mess came from. I just supported my bestfriend's love life and it lead to where I am right now. Following the badboy's order. Cover is credits to Canva. ***This is a standalone story.***