Chapter 23

111 6 1
                                    


Chien Bennete's POV

Napatingin ako sa relo na nasa kamay ko at napabuntong-hininga nang makitang alas tres na. Almost 4 hours na kami rito sa mall.

I really thought girls are demanding when it comes to malling? Bakit parang baliktad ata sa amin?

Jovan wouldn't let me go home without bunch of things with me. He will spoil me daw with those stuff. Sinabi ko naman sa kaniyang hindi na niya kailangang gawin 'yon dahil marami na akong damit at gamit sa bahay pero hindi niya ako pinakikinggan.

"I'll get it with her size, all colors."

Napahilamos ako ng mukha nang marinig iyon mula kay Jovan. He keeps on buying whatever that suits me and I don't like it. Ayokong ganito. Ayokong baka masanay ako.

"Jovan. Tama na 'yan." I said it again for 13th time already while holding his arm.

He looked at me and smile that made me stiffened. Kanina pa siya ngiti ng ngiti at hindi naman ako nasasanay doon kaya iisa lang ang reaction ko, stunned sa mga ginagawa niya.

"I am your boyfriend, baby. Let me spoil you." Malambing niyang sabi saka ako niyakap.

Umiling-iling ako. Andoon na ako sa spoil na sinasabi niya pero kasi, ang mamahal ng mga pinamimili niya.

Nong pumasok kami sa jewelry store lahat ng kinuha niya totally cost 47, 500 tapos 'yong pangalawang pinasukan namin which is dresses ay nakapagbayad siya ng mahigit isang daang libo.

Para talaga akong lalagnatin sa mga ginagawa niya at hindi ko alam kung paano pa siya pipigilan!

Marami na kaming napuntahan at sa bawat store na 'yon ay may binibili siya para sa akin.

Ano bang gagawin ko?!

Nang makalabas kami ng store na 'yon ay nakita ko siyang nakatingin sa tindahan na puro sapatos at sandals.

Kinabahan ako.

Mabilis akong tumakbo at humarang sa kaniya.

"Tama na, Jovan. What you brought are already enough so please, let's go home." Seryoso kong sabi. Hindi na talaga ako natutuwa sa mga pera na iwinaldas niya.

What if allowance niya 'yon since wala pa naman siyang trabaho? What if papagalitan siya ng magulang niya dahil sa ginawa niya?

He sighed then looked down on the paper bags he was holding. Maraming-marami na talaga 'yon at ang iba nga ay nasa sasakyan na.

"One last store and we'll go home. I want to buy you sandals." Malambing na aniya saka ako tinignan ng nagpapaawa.

No!

I sighed. "Just 1 sandal, deal?"

He nodded and put his free arm on my shoulder. Wala na akong nagawa at nagpatianod sa kaniya.

Ewan ko ba. Pag nakikita ko ang nagpapaawang mukha niya ay para akong hihimatayin kaya wala na akong magagawa.

Marupok ba tawag do'n?

Nang makapasok kami sa store ay ako ang naupo sa waiting area at siya naman ang naglilibot sa buong store dahil siya daw ang pipili.

Ewan ko ba. Parang baliktad talaga 'yong sitwasyon namin eh.

And the worst part is, if may nakaupong lalaki sa waiting area ay pinapaalis niya dahil ayaw niyang may kasama o kausap akong lalaki. At mukhang natatakot naman ang mga lalaki sa kaniya kaya hindi na nagrereklamo. Hihilahin lang ang girlfriend na nasa loob ng store saka tahimik na aalis kasama ang nagtatakang nobya.

The Badboy's OrderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon