Chien Bennete's POV
Lunch time came and as usual, we are in the cafeteria. Sobrang normal lang para sa akin ang mga ganitong bagay.
Not until the monster came!
Sobrang tahimik ng cafeteria nang dumating ang grupo nila Jovan at iyon din ang dahilan kaya hindi ako mapakali sa kinauupuan ko.
Kung minamalas naman kasi ay wala ng vacant table at sa amin pa na table naisipan ng grupo ni Jovan umupo.
Hindi ko alam kung minamalas lang ba talaga ako o pinaglalaruan ng tadhana.
Narinig kong tumikhim si Yla sa gilid ko, "ahm, hey guys, I am Yla Eunice nga pala." She cheerfully introduced herself.
Ganiyan siya ka-charming kaya hindi na nakakapagtaka na marami ang magkagusto sa kaniya pero bakit sumali pa ang halimaw sa grupo na 'yon.
He could have any girls he want. 'Yong handang magpaalipin sa kaniya.
Bakit kailangan 'yong off limits pa talaga?
"We know." Nakangising sagot ni Cole Izan Orjalesa, ang anak ng may-ari ng paaralang ito at kilala rin bilang playboy.
Mabilis naman siyang siniko ni Jave Marty Del Castillo, Ang kumokompleto sa grupo nila. Tinagurian ding playboy sa campus.
And that's their group. Grupo ng mga babaero at basagulero. Pero kahit gano'n, people still praise them because of their looks and profile in the society. Hindi rin naman basta-bastang pangalan ang dala-dala nilang tatlo.
Kaya nga malalakas ang loob eh.
Tumikhim si Chester saka nagsalita, "I am Chester John Vedra." Sunod ay itinuro ako ni Chester. "And this is our bestfriend, Chien Bennete Abucejo."
Alam na alam talaga ni Chester na ayokong makikipag-usap sa ibang taong hindi ko naman kilala. I am an introvert they say and might as well get used to it.
Nalipat ang tingin ng dalawa sa akin habang si Jovan ay walang imik pero ramdam ko naman ang pagsulyap-sulyap niya sa gawi ni Yla.
Tinamaan talaga siya sa bestfriend ko.
"Siya ang hindi namin kilala." Sabay na sabi nong dalawang playboy.
Ang sarap umirap. Syempre, mga magagandang babae lang ang nasasagap ng radar niyo eh.
Yla chuckled lightly, "at huwag niyo na siyang kilalanin para lang idagdag sa grupo ng mga babae niyo." Pagbibiro pa niya.
Nakita ko kung paano umayos ng upo si Jovan nang marinig ang pagtawa ni Yla.
Cole and Jave chuckled in unison.
"Friendly lang kami." Jave said.
"I agreed on that." Cole followed.
Chester and Yla just shook their heads.
"Anyway," Cole change the topic before glancing at Jovan. He looked at Chester, "I heard you're courting Yla?"
Chester immediately nodded, "yeah. I grab the chance when I see one." Nakangiting sagot niya at tumingin kay Yla na namumulang nag-iwas ng tingin.
Napatingin ako kay Jovan at nakita ko siyang nagtagis ng bagang. Mabilis pa sa alas-kwarto akong napainom ng tubig dahil bigla akong kinabahan.
Tama nga siya. Kahit nanliligaw palang si Chester ay malaking balakid na iyon dahil gustong-gusto ni Yla si Chester.
Argh! Eh anong gagawin ko?
BINABASA MO ANG
The Badboy's Order
Teen FictionI don't know where this mess came from. I just supported my bestfriend's love life and it lead to where I am right now. Following the badboy's order. Cover is credits to Canva. ***This is a standalone story.***
