Chien Bennete's POV
"Diyan ako matutulog?" Hindi makapaniwalang tanong ko kay Jovan habang tinuturo ang isang malaking kama.
"Yes, baby." Nakangiting sabi niya.
Napakunot-noo ako. "Eh sabi mo kanina iyan ang kwarto mo? We will share a room?"
Mabilis siyang tumango at nang makita niya ang mukha kong naguguluhan ay agad siyang nagsalita.
"Baby, my condo has two rooms but the other room became my storage room. Ipapalinis ko pa 'yon bukas kaya dito ka muna matutulog. Okay?"
"How about you, saan ka matutulog?"
Ngumiti siya ng matamis. "Of course, beside you."
Nanlaki ang mga mata ko sa narinig. Ano na naman bang iniisip ng lalaking ito?
"Jovan!" I exclaimed. "Hindi tayo puwedeng magtabi! Bawal sa aming mga madre ang tumabing matulog sa isang lalaki."
He pouted. "Baby, hindi ka pa naman magiging madre eh. Puwede pa 'yon."
Napailing-iling ako. "Sa sala, kakasya naman siguro ako doon?"
Agad siyang umiling-iling habang nakatiim-bagang.
"Don't you want to sleep beside me?" Seryosong tanong niya.
Napabuntong-hininga ako. "Hindi nga sabi puwede sa akin ang matulog katabi ng lalaki."
He stared at me for a while before he sighed.
"Okay." He said then he took a deep breath. Parang suko na siya. "I will sleep in floor. You'll take the bed."
Parang nakonsensya naman ako habang nakatingin sa kaniya na naghahanda na ng mga comforter na ilalatag sa sahig katabi ng kama.
Pero hindi talaga puwede...
I sighed as I stopped him on doing what he was doing.
"Malaki naman ang kama mo, doon ka nalang. Lalagyan ko nalang ng espasyo ang pagitan natin."
Nagliwanag ang mukha niya saka mabilis na itinapon ang comforter sa kama.
"Thank you, baby!" He cheerfully said then was about to hug me when I stepped back.
Umiling-iling ako sa kaniya, sinasabing hindi pupuwede iyan. Agad naman niyang nakuha ang ibig kong sabihin kaya malungkot niya akong tinignan.
He looked away. "I-I will cook a dinner. What do you want?"
"Magluluto ka?"
He nodded cheerfully. Wala ng bakes ng kalungkutan sa mukha niya.
"What do you want to eat?"
"Hmmm... kahit ano lang."
He nodded before going out in the room. Napabuntong-hininga naman ako saka nilapitan ang maletang dinala ni Jovan kanina kasi hindi raw siya papayag na manatili pa ako roon.
He filed a case against those men even if I said that it was okay, I don't want to put those men behind bars. Baka problemado lang talaga sila kaya nagawa nila sa akin iyon.
But Jovan was shouting in rage a while ago in prison. Hinding-hindi siya papayag na hindi raw makulong ang mga lalaking iyon.
Wala naman na akong nagawa at hinayaan siya. Masama ang loob ko dahil ayokong makasakit ng ibang tao pero siguro tama na rin 'yong nangyari kaysa marami pa ang ma-biktima nong mga lalaki.
Kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan si Chester. Nang sagutin niya iyon ay sinabi ko na puntahan niya nalang ako sa condo ni Jovan. Nagtaka pa siya pero sinabi kong ipapaliwanag ko bukas ang nangyari. I told him the address of Jovan's condo building as well as the unit number.
BINABASA MO ANG
The Badboy's Order
Teen FictionI don't know where this mess came from. I just supported my bestfriend's love life and it lead to where I am right now. Following the badboy's order. Cover is credits to Canva. ***This is a standalone story.***
