Chapter 27

252 9 0
                                        

A/N: Here's the final chapter 27.

Chien Bennete's POV

Hilaw lang akong napapangiti sa mga taong nakatingin na sa amin. Umalis na rin 'yong babaeng nakatapon ng kape kanina pero si Jovan mukhang walang balak umalis sa pagkakayakap sa akin.

Dahil ramdam ko ang bigat ng nararamdaman niya kaya hinagod ko ang likod niya para malaman niyang nandito lang ako.

"A-Ayos ka na ba?" Tanong ko nang mas higpitan niya pa ang yakap sa akin.

Umiling-iling siya kaya nalungkot ako. Maybe he was in pain right now. Baka sobrang bigat ng nararamdaman niya kaya kailangan niya ng kaibigan na mapupuntahan.

"Where the hell have you been, Chien Bennete Abucejo?!" He exclaimed after a minute of hugging me tightly.

Tinignan niya ako pero ang mga kamay ay nasa balikat ko pa rin.

Natulala ako dahil sa sama ng tingin niya. "H-Huh?"

His face screams danger that made my smile faded. M-May sakit na naman ba siya? His mood changes very quickly.

"I have been looking for you!" Sigaw niya saka bahagyang napatiim-bagang. "I almost search the 7 continents to find you but I cannot trace you! It's been 5 years! 5 years! Damn it!"

Napatingin ako sa paligid nang magsimula ng magwala si Jovan. Naku po! Anong gagawin ko?

Dali-dali akong kumuha ng rosaryo sa bag na dala saka nagdasal sa harap ni Jovan.

Lord, guide this person in front of me. Give him knowledge and wisdom so that he is aware about the sins he committed and will be committed. Give him patience and self-control to be able to--

"What are you doing?!"

Napadilat ako ng mata nang hawakan ako ni Jovan sa magkabilang balikat.

Napatanga ako sa kaniya. "N-Nagdadasal?" Hindi siguradong tanong ko.

Kumunot ang noo niya saka tinignan ang rosaryong hawak ko. "Why?"

Inilagay ko muna ang rosaryo sa bag para hindi mawala saka ko siya hinarap.

"Hindi rito magandang mag-usap. May free time ka ba?" Naisip ko kasi na mag-usap na kami ngayon since nagkita na rin naman kami.

His face lit up that made me confused. Napapitlag pa ako nang ilagay niya ang mga kamay sa bewang ko.

"What are you doing, Jovan?" Takang tanong ko.

He just groaned then started to walk. Kahit na hindi ako komportable ay hindi nalang din ako nagreklamo.

Hindi pa naman alam ni Jovan na magma-madre ako kaya hahayaan ko muna siya. But after I tell him every thing, the closure we need, we should change how we treat each other.

Hindi na puwede 'yong tratuhan noon. Even Chester hated the fact that he need to distance himself from me as a respect that I am going to be a nun. He hated it but accepted at the end. Wala naman siyang magagawa eh.

"Where are you taking me?" Takang tanong ko nang sumakay kami ng elevator at paakyat na sa taas.

He didn't say anything. He just hugged me tight. Kahit naiilang ay hindi ko nalang siya pinagsabihan.

Isa pang itatanong ko sa kaniya ay ang ina-akto niya. Hindi ito maaari. May kasintahan siya at nasaan na nga ba si Yla?

Nang bumukas ang pinto ay nagulat ako nang bumungad sa akin ang isang mahabang hallway.

"Jovan, I think this is a private office." Pagpipigil ko sa kaniya nang akmang lalabas na kami sa elevator.

Napakunot noo naman siya. "Yeah, it is. Let's go."

The Badboy's OrderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon