Chapter 3

233 6 0
                                        


Chien Bennete's POV

Wala pa ngang bente minuto mula nang makita ko ang maaliwalas na mukha ni Jovan ay napalitan na iyon ng dilim at galit.

Anong nangyari?

Tumawag ang pamilya Yla at pinapauwi na siya. Agad naman siyang hinatid ni Chester at sasama sana ako nang tapunan ako ng malamang tingin ni Jovan kaya sinabi ko nalang na sasamahan ko muna si Jovan.

Iniwan ako ng dalawang iyon ng may mapanuksong tingin. Iba na naman siguro ang iniisip.

Ngayon, para akong kuting na tahimik lang sa gilid at takot magsalita o kumilos.

Walang mararamdamang kilig pag kasama ang isang Jovan Lleandro Lanzaderas na ubod ng sama ng ugali at lamig ng pakikitungo.

"P-Puwede ng umuwi?" Mahinang tanong ko. Nag-iingat sa sasabihin dahil alam kong badtrip siya.

He transferred his glare at me that made me choke on my saliva.

"S-Sabi ko nga dito lang ako." Kinakabahang sabi ko.

He tsked and walk away.

Susundan ko ba? Siguro ito na ang chance kong tumakas?

Pero bukas nasa iisang lugar din naman kami. At baka mas magalit siya pag ginawa ko 'yon.

Agad akong sumunod kay Jovan. Siguro dadamayan ko nalang siya, baka magpasyang magpakamatay eh. Mahirap na.

Lumabas kami ng Enchanted Kingdom saka pumunta sa parking lot, nakita ko siyang sumakay sa kotse niya at dahil medyo malayo ako sa kaniya, nang paandarin niya ang sasakyan ay hindi na ako nag-abala pang humabol at sumakay.

Pinaharurot niya ang kotse niya at napa-sign of the cross nalang ako nang makita kung gaano kabilis ang pagpapatakbo niya.

May plano ngang magpakamatay.

Napabuntong-hininga nalang ako at naghanap ng masasakyan. Bawas naman ng ipon ang lalaking 'yon. Nagtitipid ako eh.

"Oh anak? Sumakay ka ng taxi?" Gulat na tanong ni Mommy nang makita akong bumaba ng taxi.

Sabi ko nga, hindi ko hilig ang sumakay dahil mas gusto ko ang maglakad.

Pero sa sitwasyon ko kanina, malabong pipiliin kong maglakad. Aside from its distance, I also don't know the place so if I tried to walk, I will just lost myself in the end.

Ngumiti ako ng alanganin kay Mommy, "ahm, mom, namasyal kasi kami nila Yla at Chester tapos nauna na ako sa kanila dahil medyo late na rin kaya nag-taxi nalang ako pauwi."

Tumango naman si Mom, naniniwala sa sinabi ko.

"Anak." Seryosong tawag niya pagkaraan ng ilang segundo.

"Yes, Mom?"

She sighed, "alam mo naman na hindi ka namin pinagbabawalan gumala di'ba? Basta umuwi ka lang at buo. You're already at the right age to explore puberty anak. You should enjoy being young, hindi iyong magkukulong ka sa kuwarto mo imbes na sumama kina Yla."

My family noticed how introvert I am to the other people and to the world but they didn't comment about it, ngayon lang.

But I am comfortable being in my room and just do the things I am used to do.

"Mom, okay naman ako sa gano'n eh." Nakangiting sabi ko para hindi na siya mag-alala pa.

She sighed again and nodded. Wala na siyang magagawa.

"Eventually, you will grow soon." I heard she whispered but I didn't react on it.

I am growing on my own. Hindi naman siguro kailangan magliwaliw sa labas para lang mag-grow?

The Badboy's OrderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon