Chien Bennete's POVTahimik lang akong nakatingin sa mga magulang ni Yla na masama na ngayon ang tingin sa kaniya. Naghahain siya ng kanin sa lamesa at sinubukan naming tulungan siya ni Chester pero pinabalik kami ni tito at tita sa upuan namin.
"K-Kain na po kayo." Mahinang sabi ni Yla at tatalikod na sana nang hawakan ko ang kamay niya.
"Saan ka pupunta?" Takag tanong ko.
"Oo nga, kakain na tayo di ' ba?" Chester followed.
Nahihiyang nagbaba ng tingin si Yla saka umiling.
"M-Mamaya na ako kakain. H-Hindi pa kasi ako gutom. T-Tama." Mahinang sabi niya at akmang maglalakad na nang magsalita si tito.
"Sumabay ka na, Yla." Seryosong sabi niya.
Natigilan naman si Yla saka napatingin sa kaniyang mga magulang. I saw relief in her eyes as she settles beside me.
They were about to get some food when I cleared my throat.
"M-Magdasal po muna tayo."
Nagkatinginan ang mag-asawa saka sabay na natawa.
"Nagdadasal pala ang makasalanang tulad mo?" Mapanuyang tanong ni tita at doon ako natigilan.
Napalunok ako habang nakatingin sa kaniya na supladang nakatingin sa akin.
"T-That's why were praying, because we're not perfect." Sagot ko saka napahawak sa damit ko.
Ayoko ng ganito. Ayokong makasakit ng tao. Pero mali 'yong sinabi niya.
"Oh edi sige, magdasal ka na." Masungit na sabi ni tita.
Napapikit nalang ako saka nag-sign of the cross.
Chester and Yla did the same but the couple remain stoic and silent.
"Lord. Thank you for this food in front of us. May this food will give us nutrient to our daily life. Bless this food and the one who prepared it. Amen." I opened my eyes and saw tita and tito scoffed at me.
Naramdaman kong hinawakan ni Yla ang kamay ko kaya napatingin ako sa kaniya.
"Sorry." She mouthed.
I just nodded and smiled.
"So, Chester hijo, ikaw na ba ang namamahala sa kompanya niyo ngayon?" Tanong ni tito habang tahimik kaming kumakain.
Chester looked at him and smiled. "Yes, tito, I just started to handle our business here in Philippines." He humbly said.
Tito and tita looked at each other and smiled.
Tito cleared his throat. "Baka naman puwede mo kaming bigyan ng trabaho sa kompanya niyo. You see, walang kahit na sino ang tumatanggap sa amin kahit na may pinag-aralan kami dahil sa kagagawan ni Jovan." Napatingin ako kay tito nang sabihin niya ang pangalang iyon at nakita ko siyang nakangising nakatingin sa akin.
"Bakit parang gulat na gulat ka, Chien?" Masungit na tanong ni tita. "Parehas kayo ng nobyo mong walang puso kaya hindi nakakapagtaka iyon."
"M-Mom." Sabi ni Yla at napatingin ako sa kaniya.
Puno ng hinanakit at pagsusumamo ang mukha niya habang nakatingin sa mga magulang niya.
"Excuse me po." Chester said that made us looked at him. "Diretsohin niyo nalang po kami if ayaw niyo kaming nandito. We are here because we still acknowledge Yla as our friend despite of her status. Nakakagulat lang na nagbago rin pala kayo kasabay ng paglaho ng mga pera niyo." Malamig na sabi niya saka nagtagis bagang.
BINABASA MO ANG
The Badboy's Order
JugendliteraturI don't know where this mess came from. I just supported my bestfriend's love life and it lead to where I am right now. Following the badboy's order. Cover is credits to Canva. ***This is a standalone story.***