1

252 13 0
                                    

"Get ready. We're leaving." Sabi niya.

"Huh? Saan naman tayo pupunta?" Tanong ko. Sa tagal ko ng kasama si Clark ay hindi ko talaga mabasa ang iniisip niya.

"Huwag ka na magtanong pa kung ayaw mong hanapin natin ang kapatid mo."

Bigla ako sumigla dahil maaari ko ng makita muli ang kapatid ko.

"T-Talaga?" Maiyak iyak ako. Excited na ako makita ulit si Kenny.

"Pero hindi ako mangangako na makikita natin siya kaagad."

Tumango ako. Ang totoo niyan may tinatago talagang kabaitan si Clark. Kung wala ay hindi niya sana ako tinutulungan hanapin ang kapatid ko.

"May nakalimutan pa akong sasabihin." Tumingin ako sa kanya pagkasakay namin sa kotse niya. "Bago ang lahat ay may pupuntahan na muna tayo."

Dahil ayaw niyang magtanong ako kaya hindi na lang nagtanong pa kung saan kami pupunta.

Huminto kami sa isang bahay. May isang babae at dalawang bata ang lumabas sa bahay na iyon. Sino naman kaya siya?

Tumingin ako kay Clark at nakita ko ang lungkot sa mukha nito. Saka tumingin na rin siya sa akin.

"We have to go..." Pinaandar na niya ang sasakyan.

Sino kaya yung babae kanina? Baka girlfriend niya pero imposible. Hindi niya sasabihin sa akin na maging girlfriend niya kung may girlfriend na siya.

"Stop thinking nonsense. Hindi ko iyon girlfriend at hindi siya naging akin."

Napasinghap ako. "Kaya mong magbasa ng isipan ng tao?"

*Are you stupid or what? Parang sinasabi mong may psychic ako."

"Ang sakit mo naman magsalita. Kasi naman nabasa mo ang iniisip ko."

"Obvious ka."

"Obvious pala ako. Kung hindi mo siya naging girlfriend eh, ano siya sa buhay mo? Sorry, curious talaga ako."

"Siya lamang ang babaeng minahal ko pero girlfriend siya ng kapatid ko." Sumilyap siya sa akin saglit. "At ang dalawang batang kasama niya ay ang mga anak nila."

Bakit ba ako nasasaktan na may mahal si Clark? Una sa lahat, hindi siya ang tipo kong lalaki. Pangalawa, hindi ko siya mahal  at ang huli, may boyfriend ako na hindi ko masabi sa kanya. Kahit mali ang ginawa ko at wala rin ideya ang boyfriend ko sa nangyari sa akin.

Nakarating na kami sa unang bahay ampunan. Sana nga lang nandito si Kenny para makasama ko na siya.

"What's your brother's name?" Tanong niya.

"Kenneth Fuentes." Sagot ko.

Maya't maya ay bumalik na siya at isang iling ang binigay niya sa akin. Isa lang ang ibig sabihin noon wala rito si Kenny.

"Pupunta na tayo sa susunod pang bahay ampunan."

Pumunta na kami sa mga ampunan pero palaging bigo. Saang bahay ampunan dinala ng tita ko si Kenny?

Naiiyak na ako dahil nawawalan na ako ng pagasa makita ang kapatid ko.

"Ano? Susuko ka na kaagad? Hindi mo makikita ang kapatid mo kung susuko ka kaagad." Aniya.

"Kasi naman hindi ko alam kung saan dinala ng tita namin si Kenny."

"Hindi ba ang sabi ko sayo hindi ako mangangako na makikita natin siya kaagad. Bukas na bukas din maghahanap ako ng magaling na private investigator para mapadali sa paghahanap natin sa kapatid mo."

"Bakit mo ba ako tinutulungan hanapin ang kapatid ko?"

"I have my word, Keziah. Kaya tutulungan kita sa paghahanap sa kapatid mo at sa pangarap mo."

"Anong kapalit?" Sigurado akong may kapalit sa lahat na pagtulong sa akin.

"You have to fullfil my needs."

"Hindi pwede." Pagtanggi ko.

Nakakunot ang noo niyang lumingon sa akin. "And why?"

"May boyfriend ako." Mahinang sagot ko.

*I know, dahil pinag imbestiga kita dati at ang pagkaalam ko rin matagal na kayong hiwalay ng boyfriend mo."

Pinag imbestiga niya ako na hindi man lang niya ako sinabihan. At tama siya matagal na nga kaming hiwalay.

"May dadahilan ka pa? Pero kahit anong dahilan mo ay wala ka ring choice. Ibibigay mo pa rin sa akin ang sarili mo."

"Alam ko kapag hindi ko sinunod ang kagustuhan mo ay kailangan kong bayaran ang fifteen million pesos at wala akong ganoon kalaking pera para mabayaran kita. Kahit magtrabaho pa ako, hindi pa sapat ang sahod ko buwan-buwan."

Bigla niyang hininto ang kotse niya sa isang tabi at lumingon siya sa akin. "You have no other choice. Tutulungan kita hanapin ang kapatid pero kailangan mong ibigay sa akin iyang katawan ko."

"Ang paghahanap lang sa kapatid ko? May usapan pa tayo na tutulungan mo rin ako mag audition para sumikat."

"Hindi ko nakakalimutan 'yan. Kaso wala akong kilalang producer pero gagawin ko ang lahat na makakaya ko."

"Huwag ka magaalala kapag sumikat na ako ay babayaran ko ang fifteen million na binayad mo sa akin."

Kailangan ko rin ang umalis sa puder niya kapag natupad na ang pangarap ko at kung mahanap namin si Kenny ay isasama ko siya.

Napansin ko ang tuloy-tuloy niyang pag ubo at pansin ko rin na may dugo sa panyo nito.

"Ayos ka lang ba?"

Hindi na niya ako sinagot dahil nagsimula na siya magmaneho ulit.

Pagkarating namin sa bahay nauna na siyang pumasok sa loob.

"Patawag na lang ho ako kung kakain na." Pumunta na siya sa kwarto nito.

"Tulungan ko na po kayo."

Tinulungan ko na nga si manang Belen sa pagkain ni Señorito Clark. Ganito talaga ang buhay kung mayaman ka.

"Manang, may sakit po ba si Clark?" Bigla kong tanong. Baka kasi may alam si manang Belen dahil siya ang kasama ni Clark.

Mga ilang sekundo bago sumagot ang matanda sa akin. "Walang sakit ang alaga ko. Kung meron man sasabihin niya sa akin."

That's weird. Hindi naman uubo ng dugo si Clark kung wala siyang sakit. Kailangan kong malaman kahit magalit siya sa akin.

Pagkatapos namin magasikaso para sa hapunan ay tinawag na ni manang Belen si Clark.

"Pagkatapos mong kumain ay pumunta ka sa kwarto." Aniya.

Binigyan na niya ako ng permiso pumasok sa kwarto niya. Sa tagal ko ng nakatira dito ay ngayon pa lang ako papasok sa kwarto niya.

Nang matapos na ako kumain ay tutulungan ko sana si manang Belen maghugas ng mga pinagkainan pero pinapaalis niya ako.

"Baka magalit si Clark kapag hindi ka pa pupunta sa kwarto niya."

"Sige po."

Wala na rin ako magagawa kaya pumunta na ako sa kwarto ni Clark.

My Aloof LoverWhere stories live. Discover now