11

206 11 1
                                    

Keziah's POV

Papasok na ako ng makita ko si Clark na palabas. Saan naman kaya pupunta? Mukha kasing nagmamadali.

"Jane, mabuti nandito ka na."

Lumingon ako sa taong nagsalita. "Bakit? May papagawa ka ba sa akin?"

"Yes. Can you do me a favor? Dahil ikaw lang ang pwedeng makagawa nito."

"Kahit ano. Ano ba iyon?"

"Gusto kong pigilan mong umalis ng bansa si Clark dahil wala na siyang balak bumalik pa dito."

"Huh? T-Teka, saan naman pupunta si Clark?"

Bigla kong naalala na may balak nga siyang magbakasyon na muna pero hindi niya sinbi sa akin na wala na siyang balak bumalik. Isa lang ibig sabihin noon hindi bakasyon kaya siya aalis.

"Hindi ako sigurado pero ang pagkaalala ko ay may bahay sila sa Japan."

"Oh, sige. Susubukan ko na muna pumunta sa bahay niya."

"Salamat, Jane."

Hindi talaga kita mapapatawad, Clark kung hindi ka babalik dito.

Pagkarating ko sa bahay niya ay wala ng tao at may for sale nakalagay. Hindi pwede mangyari ito. Binebenta na niya ang bahay niya. Hindi papayag na mabenta ito, ang daming magagandang alaala sa bahay na ito.

Pumunta na ako sa airport para hanapin si Clark. Sana nga lang hindi pa nakakaalis ang eroplano niya.

"Excuse me, miss."

"Yes? How may I help you?"

"Gusto ko lang nalaman kung nakaalis na ba ang eroplano papuntang Japan?"

"Hindi pa ho."

Nakahinga ako ng maluwag dahil hindi nakaalis. "Pwede mo bang tawagin ang pangalan ni Clark Chase?"

Paulit ulit tinatawag ang pangalan ni Clark at sana nga pumunta siya.

"Is there something wrong?"

Lumingon ako pero nawala ang ngiti ko ng makita kung sino. Hindi siya si Clark. Sino naman ito at bakit magpapanggap na Clark?

"Siya na ba yung pinapahanap ml, miss?"

Umiling ako. "Hindi. Ang layo ng itsura niya sa kilala ko – never mind. Hahanapin ko na lang siya ulit."

Hindi ko na nga kung saan ko hahanapin si Clark hanggang ngayon kasi hindi ko pa siya mahanap. Paalis na rin ang eroplano papuntang Japan.

"Miss, hindi kayo pwedeng pumasok kung wala kayong ticket." Pagpigil sa akin ng guard.

"Baka nasa loob ang hinahanap ko, kuya. Payagan niyo na akong pumasok. Mabilis lang."

"Pasensya na. Trabaho ko ang nakasalalay dito."

"Then, you really looked for me."

Namilog ang mga mata ko ng marinig ang familiar na boses at lumingon ako sa likod. "Clark... Ang akala ko umalis ka na."

"I've changed my mind when I heard my name but I paid someone to pretend."

"Kainis ka kahit kailan. Apat na taon na pero wala pa rin nagbago diyan sa ugali mo."

"What are you doing here, anyway? Ang pagkaalam ko wala kang pakialam kung umalis ako."

"Wala akong sinabing wala akong pakialam. Ang totoo niyan kinausap ako ni Jeremy na pigilan ka. Pumunta ako kanina sa bahay mo pero may nakalagay na doon na for sale.*

"Ibebenta ko na yung bahay kong iyon dahil doon na ako titira sa bahay ng mga magulang ko at may balak pa akong bumalik dito. Dahil pinigilan mo ko..." Nilahad niya ang kanyang palad sa harapan ko. "You have to pay me."

"Bakit ko naman gagawin iyon?"

"Hindi ko na ma-refund yung ginastos ko."

"Ang yaman yaman mo. Hindi mo na kailangan irefund ang ginastos mo."

"It was a joke. Masyado mong sineryoso ang sinabi ko at saka..." May kinukuha siya at pinakita niya sa akin ang apat na ticket. "Paaway ako kanina pero ito ang binigay na lang sa akin. Pumayag na rin ako pero sana payagan mo kong magbakasyon tayo."

Bumuga ako ng hangin. "Oo na, oo na. Magbabakasyon na tayo para siguradong babalik ka."

"Babalik talaga ako dito. Kulit nito." Nilahad niya ulit ang palad niya. "Give me your hand."

"Bakit?"

"Basta." Kinuha niya ang kamay ko at nilagay sa palad niya para hawakan. "May nakita akong couple magkahawak kamay. Nainggit ako."

Pinigilan ko ang hindi matawa pero wala, eh. Natawa pa rin ako. "Kakaiba ka talaga, Clark."

"You know what, Keziah... Ang laki na ng pinagbago mo simulang nagselos ako sa inyong dalawa ni Jeremy. Inabot na nga ng apat na taon na hindi mo ko pinapansin."

"Kasi naman sobrang nasaktan ako sa sinabi mo sa akin."

Huminto siya sa paglalakad at pumuwesto sa harapan. "I'm really sorry. Pangako hinding hindi na mauulit iyon at magtitiwala na ako sa mga sasabihin mo."

Kumurap ako noong halikan niya ako sa labi. "Kung 'di lang kita mahal."

Ngumiti ako. "Hmph... Papayagan mo na ako makilala ang anak natin?"

Pumayag na rin ako na makilala siya ni Cassey dahil may makarapan naman si Clark na makilala niya rin ang anak niya.

Nang makarating na kami sa bahay ay sinalubong kami ni Cassey.

"Mommy!"

Lumuhod ako sa harapan ni Cassey. "Baby, may gusto ako pakilala sayo."

"Sino po?"

Tumingin ako sa likod kung saan nakatayo lang si Clark. "Pakilala ka na sa kanya."

Lumuhod na rin si Clark sa harapan ng bata. "Hey, my princess."

"Kayo po ba ang papa ko? Noong pagkakita ko po sa inyo kahapon ay baka kayo ang papa ko kasi magkamukha po tayo."

"Yes, I am your father."

Niyakap ni Cassey si Clark. Alam kong sabik na sabik ang bata makilala si Clark. "Nakilala ko na rin po kayo. Hindi na po ba kayo galit sa akin? Ang sabi kasi ni mommy na ayaw niyo daw sa akin."

Patay!

Nawala sa isipan ko na madaldal na bata nga pala itong anak namin.

"What?" Tumingin sa akin si Clark habang kunot ang noo nito. "What the heck, Keziah? Bakit mo naman sinabi sa bata na ayaw mo sa kanya?"

"Sorry. Ang sabi mo kasi ayaw mo sa mga bata."

"Sinabi ko nga iyon pero hindi ibig sabihin ayaw ko sa sarili kong anak. Pinagusapan na natin ang tungkol dito."

"Nagaaway po ba kayo?"

"Hindi kami nagaaway ng papa mo, baby." Sagot ko. Baka kasi iniisip niyang nagaaway kami ni Clark. Hindi pa naman kami nagaaway, tampuhan siguro.

"Sorry, my princess. I didn't mean to shout at your mom. Kakainis lang siya minsan."

Ngumuso ako. "Ako pa talaga ang nakakainis."

"Bakit? Totoo naman ah."

"Papa, hindi na po kayo galit sa akin?"

"Hindi ako galit sayo at kahit kailan hindi ako galit sayo. Sa mommy mo lang." Narinig ko ang huli niyang sinabi kahit pabulong iyon.

"Bakit ngayon lang po kayo dumating?"

"Sorry, my princess. Pangako makakasama mo na ako."

My Aloof LoverWhere stories live. Discover now