Habang kumakain kami ng pananghalian ay biglang bumaliktad ang sikmura ko. Okay naman ako kaninang umaga.
Kita sa gilid ng mata kong tumingin sa akin si Clark. "Are you okay? You looked pale."
Umiling ako. Kahit magsinungaling ako ay halata namang hindi ako okay ngayon.
"Mommy, okay lang po ba kayo?" Tanong ni Cassey. Kahit yung bata ay nagaalala sa kalagayan ko.
"Benji, bukas na lang natin ituloy ang pagpasyal dito. Kailangan na muna namin bumalik sa hotel."
"Sige po, kuya."
Pagkatapos namin kumain na hindi ko man lang nagalaw ang pagkain ko ay pinatake out na lang ni Clark. Biglang dumilim ang paningin ko pagkatayo ko sa kinauupuan ko hanggang sa nawalan ako ng malay.
Nilibot ko ang paningin ko pagkagising ko at nakita ko si Clark nakaupo sa couch habang nakatingin sa baba.
"C-Clark..."
Bigla siyang napatayo at lumapit sa akin. "Mabuti gising ka na. Pinagaalala mo kaming lahat."
"Sorry. Ano ba ang nangyari?"
"Biglang nahimatay kanina kaya dinala ka namin dito."
"Pwede na ba akong lumabas? Okay na ako ang pakiramdam ko ngayon." Pinilit kong bumangon pero pinipigilan niya ako. "Clark..."
"You need some rest dahil nakakasama sa baby natin."
Kumunot ang noo ko. "Baby? Ano ang ibig mong sabihin?"
"You're pregnant, Keziah."
Napanganga ako sa narinig. Sabagay gabi-gabi may mangyayari sa amin at medyo natagalan ang bakasyon namin dahil may inaasikaso pa si Clark sa trabaho.
"Clark, pasensya na kung nasira ako ang bakasyon natin."
"It's okay. More important you both are fine."
Hindi ako makapaniwalang buntis ulit ako kahit wala pa sa plano ko ang pagdating ng baby namin pero nandito na rin.
Maya maya pa ay pinapayagan na ako ng labas kaya bumalik na kami sa hotel para magpahinga. Pagpasok namin sa loob ng hotel room ay sinalubong kami ni Cassey.
"Mommy!"
"Later, my princess. Kailangan pa ng mommy mo ang magpahinga." Sabi ni Clark bago tumingin kay Ken. "Neth, bumalik na muna kayo sa kabila para makapagpahinga na ang ate mo."
"Okay po, kuya." Sagot ni Ken bago pa sila lumabas ni Cassey.
"Paano pala natin sasabihin kay Cassey?" Tanong ko. Hindi ko kasi alam kung ano magiging reaksyon ni Cassey kapag sinabi namin na magiging ate na siya.
Umupo na muna siya sa gilid ng kama. "Huwag mo muna isipin kung paano natin sasabihin kay Cassey. Ako na ang bahala magsabi sa kanya."
"Nagaalala lang kasi ako baka hindi tanggap ni Cassey."
"Shhh... Huwag mo na nga muna isipin iyan kung ayaw mo magagalit ako sayo."
"Okay, sorry. Matutulog na lang ulit ako." Inayos ko ang higa ko at nakatulog na agad.
Nagising ako ay madilim na sa labas at wala si Clark dito. Baka nasa kabilang kwarto siya. Ayaw kasi niyang isang kwarto lang ang kunin namin dahil gusto niya ako masolo.
Galawang Clark Chase...
Tumingin ako ng bumukas ang pinto at niluwa si Clark. "Gising ka na pala. Kumain ka na muna dahil hindi ka kumain kanina."
Oo nga pala hindi ako kumain kanina dahil biglang bumaliktad ang sikmura ko at nawalan ako ng gana kumain kanina.
Napatingin ako sa mga pagkain nasa mesa. "Ang dami naman nito. Hindi ko kayang ubusan ang mga ito."
"Hindi ko alam kung ano ang gusto mong kainin kaya inoorder available nila sa baba."
Ngumiti ako bigla. "Todo ang alaga mo sa akin ngayon ah."
"Siyempre, gusto kong bumawi sayo. Wala ako sa tabi mo noong pinagbubuntis mo si Cassey."
Ang laki na nga pinagbago ni Clark dahil hindi ganito ang unang pagkakilala ko sa kanya. Ni hindi nga marunong ngumiti noon hindi gaya ngayon napapadalas na ang pagngiti.
"Clark, masaya ka ba?" Bigla kong tanong sa kanya.
"Masaya? Of course, masaya ako sa tuwing kasama ko kayo." Sagot nito.
"Ngayon may bagong parating sa atin. Wala ka bang balak yayain ako?"
Tumingin siya sa akin pero umiwas rin siya agad. "Meron akong balak yayain pero huwag na muna sa ngayon. Marami pa akong kailangan gawin sa trabaho. Lalo na't kailangan madalas si Trey sa kanila para tulungan alagaan ang kambal nila ni Pauline."
"May kambal sila?" Hindi ko pa nakilala ang kapatid niya sa personal pero madalas ko rin naririnig kay Clark. Parang dati lang na ayaw niya pagusapan ang tungkol sa kapatid niya pero mukhang okay na sila ngayon.
Tumango ito. "Meron silang kambal. It's already 4 years since Pauline gave birth to tbeir twins."
"Kasing edad lang pala nila si Cassey." Sabi ko sabay subo sa kinakain ko.
"And I really hate it."
Napatingin ako bigla sa kanya. "Ang alin? Ayaw mong kasing edad sila ni Cassey? Imposible yang gusto mo, Clark."
"No. Not that."
"Eh, ano ang ayaw mo?" Naguguluhan na ako sa gustong mangyari ni Clark.
"Trey have two heirs. That's why I want one too."
Sumimangot ako. "Paano kung babae ulit ito? Itatakwil mo?"
Mabilis siyang umiling. "Why should I do that to my own daughter? Hindi ako ganoon kasamang tao para gawin sa sarili kong anak at buong puso ko silang mamahalin pareho ni Cassey."
Ngumiti na ako sa sinagot ni Clark. Ngayon alam ko na ang hinahanap ko at handa na talaga akong sagutin siya.
"Clark, alam kong matagal ka na nangliligaw sa akin lalo na't may mga anak na tayo."
"Sinasagot mo na ako?" Kumukurap pa siya para bang hindi naniniwala sa gusto kong sabihin sa akin.
"Oo, sinasagot na kita." Nakangiting sabi ko.
"Shit. Shit! Really?"
"Oo nga." Natatawa ako dahil hindi naniniwala.
"Yes! Thank you, Keziah."
"Dahil official na kitang boyfriend kaya alagaan mo ko ah."
"Kahit hindi ako ang first boyfriend ay aalagaan talaga kita. Mahirap na kung hindi mo ko pansinin gaya ng ginawa mo dati."
"Naalala mo pa iyon?"
Nasaktan naman talaga ako sa sinabi niya noon dahil wala siyang tiwala sa akin at hindi ako ganoon klaseng tao para gawin iyon sa kanya. Kaso nakikita mo naman magsisi na siya sa nangyari kaya pinatawad ko na rin siya at saka matagal na rin nangyari iyon.
"I love you, Keziah."
Ngumiti ako at paniguradong namumula na rin. "I love you more."
Dahil okay na rin naman ang pakiramdam ko ngayon kaya lumabas ulit kaming apat. Kailangan ko rin ang simoy ng sariwang hangin.
YOU ARE READING
My Aloof Lover
RomanceChase Series #2: Clark Chase Clark is a successful composer pero wala nakakakilala tungkol sa kanya. Lahat na ginagawa niyang kanta ay sumisikat lalo na sa mga kabataan ngayon. Hanggang sa may nakilala siyang babae.