16

177 9 1
                                    

Clark's POV

Kinabukasan ay namasyal ulit kami habang hindi pa ganoon kainit ang araw at nagpasya rin kami dalawin si manang Belen.

Hanggang ngayon kasi ay sinisi ko pa rin ang sarili ko sa nangyari. Kung hindi ako pumayag sana kasama pa rin siya ng pamilya niya at kasama ko pa rin siya sa bahay.

Tahimik lang ako nakaupo sa harapan ng puntod ni manang Belen.

Agad kong pinunasan ang luha ko ng may humawak sa balikat ko. "Clark..."

Tumingin ako sa kanya at pilit na ngumiti. "I'm fine."

"Hindi iyon ang sinasabi ng mata mo ngayon."

"Hanggang ngayon pa rin po ba sinisi niyo pa rin ang nangyaring aksidente, kuya Clark?" Rinig kong tanong ni Benji.

"I can't help it."

Si manang Belen kasi ang unang tao nagparealize sa akin na may nararamdaman na ako para kay Keziah.

"Huwag niyo na po sisihin ang sarili niyo dahil ni minsan hindi namin sinisi sa inyo ang nangyaring aksidente. Alam namin hindi mo rin gusto ang nangyari."

"Tama si Benji, Clark."

"I can't help..." Yumuko ako dahil ayaw ko pakita sa iba na umiiyak ako. Sa tagal na panahon ay ngayon lang ulit ako umiyak.

"Papa, huwag na po kayo umiyak." Nasa tabi ko na ngayon si Cassey at pinunasan niya ang luha ko.

"Tingnan mo pati ang anak mo." Ani Keziah.

Natawa na lang ako bigla. "Sorry, my princess."

"Cassey, halik na rito." Tawag ni Neth kay Cassey. Talagang close ang dalawa. Kaya pumunta na ang anak ko sa tito niya.

Kita sa gilid ng mata ko na nag-squat sa tabi ko si Keziah at namilog ang mga mata ko sa sunod niyang ginawa dahil hinalikan niya ako.

"Baka maipit ang anak natin." Bulong kong sabi.

Hindi ko pa nga pala nasabi sa iba ang tungkol sa pagdadalang tao ni Keziah.

"Huwag mo na sisihin ang sarili mo sa nangyari kay manang Belen. Hindi mo naman ginusto na ganito ang nangyari. Alam natin pareho kung gaano mo kamahal si manang dahil siya na ang panagalawang ina mo."

Ngumiti ako sa kanya. "I feel better now. Thank you."

"Mabuti naman kung ganoon."

Humarap na ulit ako sa puntod ni manang Belen. "Manang, alis na kami. Babalik siguro kami sa susunod na bakasyon namin dito."

Pagkagaling namin sa sementeryo ay dumeretso na kami sa isang kainan dahil nagugutom na ang mga kasama ko, lalo na si Keziah.

"Ang laki na talaga ng pinagbago mo simulang nakilala kita, Clark."

"I was just like that... you know. Simulang nawala si Taylor ay hindi ko nararamdaman ang pagmamahal ng isang pamilya kaya galit ako sa mundo. Until you came to my life. You brought back my old self."

"Ano ba talaga ang ugali ng isang Clark Chase?" Tanong niya.

"I don't know. Cheerful, I guess?"

Matagal na naging ganoon ang ugali ko dahil sobrang tagal na rin talaga iyon kaya nakalimutan ko na kung ano ba talaga ang ugali mo.

"Papa..." Tumingin ako kay Cassey noong tawagin niya ako. "Para sa akin po mabait kayo."

"Tama iyon, kuya Clark." Pagsasang ayon nina Neth at Benji.

Mabait? I don't think so...

Hindi naman talaga ako mabait sa mga tao nakapalibot sa akin. Siguro sa mga importanteng tao lang.

Dumating na rin sawakas ang inorder namin dahil alam kong gutom na si Keziah.

"Guys, I have an announcement." Sabi ko at kita sa gilid ng mata mo na tumingin sa akin si Keziah kaya tumingin rin ako sa kanya.

"Ano iyon, kuya Clark?" Tanong ni Neth.

Binaling ko ang tingin sa iba. "Your ate Keziah is pregnant with our second child."

"Talaga, ate?"

Tumango si Keziah sa kanya. "Oo, Ken."

"Congrats sa inyo, kuya Clark, ate Keziah." Masayang sabi ni Benji.

"Magiging ate ka na, Cassey."

"Magkakaroon na po ng kapatid?"

Tumango ako. "Yes, my princess."

"Yehey! Magkakaroon na ako ng kapatid."

Mukhang walang problema dahil masaya rin si Cassey nang malaman niyang magkakaroon na siyang kapatid.

Kinabukasan ay nagpaalam na kami kay Benji dahil kailangan na namin bumalik ng Manila. Kailangan ko na rin kasi bumalik sa trabaho kasi marami pa akong naiwang trabaho.

"Papasok ka agad?"

"Yes, I have plenty of work."

"Bukas ka na pumasok, Clark. Wala pa ngang isang oras na bumalik tayo ng Manila. Alam kong pagod ka pa sa biyahe."

"I can't. Importante ang trabaho ko."

"Alam kong importante ang trabaho mo pero mas importante iyang kalusugan mo. Paano kung magkasakit ka sa sobrang workaholic mo?  Hindi kita maalagaan dahil buntis ako at umiiwas ako sa sakit."

Bumuga ako ng hangin. Ayaw ko makipagtalo pa sa kanya. "Okay, hindi na muna ako papasok ngayon. Pero asahan mong papasok ako bukas ah."

"Okay. Basta pahinga ka na." Nakangiting sagot niya sa akin.

Niyakap ko siya. "Thank you..."

"Para saan?" Alam kong nagtataka siya.

Ako na ang humiwalay sa amin. "For everything but I want to thank you when you and Cassey came to my life."

"Aba, kailan pa natutong maging cheesy si mr. Chase?"

Tumawa ako. "Ngayon lang kaya pagbigyan mo na ako."

"Sige." Pinisil niya ang ilong ko. Masakit iyon ah. "Pagbibigyan kita ngayon."

Dahil maraming maids dito sa bahay ay walang problema sa lulutuin dahil hindi ko rin pinapayagan si Keziah na magluto kasi ayaw ko rin siya mapagod.

Tinawag na kami ng isang maid para kumain kaya sabay na kami ni Keziah bumaba.

Pagkatapos kumain ay lumabas muna ako para magpahangin at makapagisip na rin siguro.

"Dito ka lang pala kita makikita."

Lumingon ako at nakita kong naglalakad papalapit sa direksyon ko si Keziah. "Bakit mo ko hinahanap? May kailangan ka ba?"

Umupo na rin siya sa tabi ko. "Hindi naman choosy sa pagkain ang anak mo."

"Hindi ko lang anak iyan dahil sayo mo rin at ikaw ang ina ng mga anak ko, Keziah."

"Pero hindi iyan ang pinunta ko kaya kita hinahanap."

"What is it?"

"Dalawa na ang anak natin, Clark. Kailan mo balak ako yayain ng kasal?"

Hindi ako makasagot dahil hindi ko alam kung ano ang isasagot ko kay Keziah. Nawala na nga sa isipan ko ang tungkol sa kasal.

"Alam kong importante ang pagpapakasal pero ang importante ngayon ay magkakasama tayong lahat. Complete family."

"Hindi iyon ang ibig–"

"Soon. Pinaghahandaan ko na at saka ayaw ko masira ang plano ko."

Shit. Ayaw ko naman sabihin sa kanya na nawala sa isipan ko ang tungkol doon. Inaamin kong niyaya ko siya dati at ang sabi niya handa na siya pakasal sa akin pero sa dami kong ginagawa sa trabaho ay nakalimutan ko na.

My Aloof LoverWhere stories live. Discover now