21

219 13 0
                                    

Naging busy ako lalo na inaasikaso ko ang kasal namin. Ang balak namin bago pa lumaki ang tyan ni Keziah ay tapos na ang lahat.

"Clark..."

Lumingon ako. "Yes? Do you need something?"

"Ikaw." Maiksing sagot niya.

"Me?" Taka kong tanong sabay turo sa sarili.

Tumango siya. "Sobrang busy mo sa trabaho tapos busy ka rin asikasuhin ang kasal natin. Miss na miss na kita."

"Sorry kung nagiging busy ako. Alam mo naman kailangan natin tapusin agad ito dahil malapit na ang araw ng kasal natin. Baka hindi agad matapos." Humarap ako at hinawakan ang pisngi niya. "Promise, pagkatapos ng lahat na ito ay hindi na muna ako babalik sa trabaho hanggang sa manganak ka."

"Pangako mo iyan ah. Kapag nalaman kong papasok ka sa trabaho ay hindi kita kakausapin forever."

Takot ko lang. Baka yung apat na taon ako hindi kinausap ni Keziah ay maging ilang taon pa.

"I don't wanna break that promise. Natatakot ako baka hindi mo na talaga ako kakausapin gaya ng ginawa mo dati."

Pinatong niya ang kanyang ulo sa dibdib ko. "I love you, Clark."

Ngumiti ako. "I love you too."

Tumingala siya sa akin. "Ano pala ang nagustuhan mo sa akin?"

"Don't be offended by what I say, okay?"

Tumango ito. "Okay..."

"Niisa sa ugali mo ay wala akong nagustuhan. Kilala mo naman ako dati na ayaw na ayaw ko ang maingay. Higit sa lahat wala akong balak pumasok sa isang relasyon kaso isang araw ay nakakaramdam na ako ng kirot sa dibdib sa tuwing binabanggit mo ang pangalan ng ex mo sa akin and I really hate it. Iyon mga panahon hindi ko pa narealize may gusto na pala ako sayo. How about you - No, wait! Alam ko na pala ang dahilan kung bakit ako ang minahal mo."

"Hala! Paano mo nalaman? Wala naman ako pinagsabihan maliban sa kapa- Sinabi ba niya sayo?"

Tumango ako. "Yes. At saka narinig ko rin ang pinagusapan niyo noon ni Trey."

Kinikilig nga ako noong sinabi ni Trey noong umamin si Keziah na mahal niya ako kahit alam ko rin naman iyon.

"Kainis naman. Ang akala ko pa naman hindi niya sasabihin sayo ang tungkol doon tapos narinig mo rin pala."

"Bakit ayaw mong malaman ko na nagkakagusto ka na pala sa akin noon?"

"Nahihiya ako."

"Nahihiya? Bakit ka naman nahihiya? Hindi naman ako ibang tao para mahiya ka."

Yumuko ito. "May dahilan kasi ako kung bakit hindi ko sinabi sayo agad ang tungkol sa tunay kong nararamdaman para sayo."

"Anong dahilan iyon?"

"Mahal ko pa kasi si Darryl mga panahon na iyon at siyempre may isa sa inyo ang pwedeng masaktan. Isang araw gusto makipagkita sa akin si Darryl kaya pumayag ako kaso hindi ko alam na gusto niya makipagkita para sa closure namin."

Imbes na sumagot pa ako ay sinunggaban ko ng halik si Keziah at ilang saglit tumugod siya sa akin.

"Nagseselos ako."

"Bakit ka nagseselos? At kanino na naman?"

"Alam kong may kahati ako diyan sa puso mo."

"Sino? Kung si Darryl ang tinutukoy mo ay matagal na ako walang nararamdaman sa kanya. Mahal ko siya pero bilang kaibigan lang at may mahal na iyon."

My Aloof LoverWhere stories live. Discover now