Natawa na lang ako sa tuwing naalala ko ang nangyari kanina at tumingin ako sa kanya. "Sorry kung tumawa ako bigla. May naalala lang ako nakakatuwa."
"Ano ang naalala mo? Huwag mong sabihin na ako ang naalala mo?"
"Actually, yes. Hindi ako makapaniwala na hinihintay mo talaga iyon." Natatawang sabi ko.
"Kainis ka. Pero ang gwapo mo pala kapag tumatawa." Sabi niya at mas niyakap niya ako.
Umiwas ako ng tingin. Namumula na naman siguro ako nito. "Tsk."
"May nasabi ba akong mali?" Tanong niya.
"Wala." Tumingin ulit ako sa kanya. "Tell me kung bakit kayo naghiwalay ng ex mo."
"Ako ang nakipag hiwalay sa kanya. Wala siyang ideya sa nangyari sa mga magulang ko. Alam kong mali ang ginawa ko noon at pinagsisihan ko na ngayon. Dapat hindi ako nakipag hiwalay sa kanya."
"Kung siya ang mahal mo, bakit mo sa akin binigay ang sarili mo?"
"Matagal na kaming walang communication ni Darryl simula noon. Hindi ko nga alam kung nasaan na siya ngayon pero alam kong may kaibigan siyang babae kaso hindi ko kilala yung kaibigan niya. Hindi ko pa kasi siya nakilala o nakita sa personal." Napansin ko ang pagtingin niya sa akin. "Bakit bigla ka tumahimik diyan?"
"Nothing." Nakaramdam na naman ako ng kirot sa dibdib at parang may lalabas sa bibig ko.
Dahan-dahan kong inaalis ang braso ko ng nakatulog na siya at bumangon ako. Pumunta ako sa banyo at tumingin sa salamin na may petals na naman ang lumabas sa bibig ko. Anong klase bang sakit ito?
Binuksan ko ang laptop ko para alamin kung anong klase ba ang sakit ko.
Hanahaki?
Tinuloy ko ang pagbabasa ang tungkol doon pero mas kumunot ang noo ko pagbasa ko sa isang nakasulat sa article.
Fuck. In other one sided love.
Ngayon ko lang narinig ang disease na ito tapos isa lang pa lang one sided love. Bullshit.
Pero one sided love? Kanino naman?
Tumingin ako sa babaeng mahimbing natutulong sa kama ko. Imposible na may gusto ako sa kanya.
Binasa ko ulit kung paano gumaling sa sakit na ito. May dalawang paraan, ang isa ay kailangan mahalin ka rin ng taong mahal mo at ang isa naman ay kailangan magpaopera pero mawawala ang nararamdaman mo sa taong iyon.
"Anong kalokohan ito?!
"Clark? Ano ang ginagawa mo diyan?"
Pinatay ko muna ang laptop bago tumingin sa kanya. "Nothing."
"Matulog ka na at babalik na ako sa–"
"No, stay here."
Kinabukasan nagising ako na may nakayakap sa akin kaya napatingin ako sa katabi ko. Hindi isang panaginip ang nangyari kagabi. Totoo ang lahat na iyon.
Nakita kong gising na siya kaya dinikit ko ang labi ko sa kanya.
Pinagpapalo niya ang dibdib ko dahilan na humiwalay ako. "Kagigising ko pa lang."
"So what? Ako rin naman ah."
"Hindi pa ako nagtotoothbrush."
"Fair enough. Hindi pa ako bumabangon dito." Hinalikan ko siya ulit at tumugon na siya sa akin.
Siya na ang humiwalay sa amin. "Clark, may tanong ako."
"Okay, what is it?"
"Official na ba ang relasyon natin?"
"No. Ayaw kong maging seryoso sa isang relasyon lalo na hindi ako ang lalaking mahal mo at ginagawa ko lang ito para makalimutan ang babaeng mahal ko."
"Sa mahabang panahon ay ginagamit mo lang ako."
"No – I mean gusto ko lang talaga tanggapin na hindi ako ang mahal niya kahit mahirap gawin."
Hindi na niya ako sinagot pang muli. 'Di naman talaga iyon ang dahilan kung bakit ko ito ginagawa.
"Keziah, kausapin mo ko."
"Tulungan ko na po kayo diyan, manang."
"Damn it. You don't want to talk to me. Fine. Hindi na rin kita papansinin."
Sinagot ko ang tumatawag sa akin kanina pa. Galing iyon sa private investigator.
"Nahanap mo na ang pinapahanap sayo?" Tanong ko.
"Yes, sir. Hindi ganoon kahirap hanapin ang pinapahanap niyo sa akin kahapon."
"Okay, pupunta na ako sa office mo para kukunin na sayo ang resulta. Huwag ka magaalala sa bayad. Ilalagay ko kaagad sa bank account mo."
"Thank you, sir."
Dahil ayaw niya akong kausapin kaya hindi ko sasabihin sa kanya na nakita na ang kapatid niya. Bahala siya.
Pinuntahan namin ng private investigator kung saang ampunan iniwan ang kapatid ni Keziah. Ang sabi sa akin ng private investigator ay ilang pamilya na ang umaampon sa kanya pero bumabalik ulit dito dahil hinihintay niya ang kapatid niya.
"Ayun ho siya, sir." Tinuro niya kung nasaan ang kapatid ni Keziah.
"Okay." Naglakad na ako papunta sa kapatid ni Keziah. "Excuse me, kiddo."
Tumingin siya sa akin. "Bakit po?"
"Ikaw ba si Kenneth Fuentes?"
"Ako nga po iyon. Sino po kayo."
Umupo ako sa harapan niya para pantay kami. "Huwag ka magaalala, kaibigan ako ng ate mo. Dadalhin kita sa kanya."
"Talaga po? Matagal ko na po gustong makasama ulit si ate."
Inuwi ko na sa bahay ang kapatid ni Keziah. Hindi naman ganoon kahirap ampnin ang batang ito.
"Sino iyang batang kasama mo?" Tanong no manang Belen pagkakita niya sa bata.
"Kapatid ho ni Keziah."
"Mabuti nahanap mo na ang kapatid niya, Clark. Gusto mo bang tawagin ko si Keziah?"
Umiling ako. *Huwag na ho. Susurpresahin ko na lang siya."
Pumanhik na kami papunta sa kwarto ng ate niya.
"Kuya, boyfriend po ba kayo ni ate?"
"Bakit mo naman natanong iyan?"
"Hindi ko po alam pero minsan nakikita ko ang isang lalaki nagpapakilala na kaibigan sa mga mahalaga sa babae pero iyon pala ay boyfriend noong babae."
Damn. Bata ba itong kasama ko? O baka isang matanda na ito nasa katawan ng isang bata.
Binuksan ko na ang pinto ng kwarto ni Keziah na walang katok-katok. Bahay ko ito kaya pwede ako pumasok sa kahit saan.
"I'm not here to apologize, I'm here because I have a surprise for you." Tumingin ako sa likod para sabihin na magpakita na siya.
Sumingap si Keziah sa nakita. "Kenny!"
"Ate!" Tumakbo na yung bata papunta sa kapatid at nagyakapan.
Nagpasya na akong iwanan na muna sila. Bibigyan ko sila ng oras na magusap.
"Clark, wait." Huminto ako sa paglalakad noong tawagin niya ako. "Salamat dahil nakita mo na ang kapatid ko. Anong kabayaran ang gusto mo? Kahit ano gagawin ko."
"Hindi mo na kailangan bayaran ako. Ginagawa ko lang ang pinagusapan natin dati." Naglakad na ulit ako palabas ng kwarto niya.
Napangiti ako habang nakasandal sa pader. "Masaya ako para sayo dahil nakita mo na ang kapatid mo."
YOU ARE READING
My Aloof Lover
RomanceChase Series #2: Clark Chase Clark is a successful composer pero wala nakakakilala tungkol sa kanya. Lahat na ginagawa niyang kanta ay sumisikat lalo na sa mga kabataan ngayon. Hanggang sa may nakilala siyang babae.