"Damn it!" Paikot ikot siya at nahihilo na ako sa ginagawa niya ngayon.
"Ano ba yung hinahanap mo? Nahihilo na kasi ako sayo."
"I found it." May kinuha siya bago lumapit sa akin. "Tuloy na ang date natin mamaya ah. I have to go. Late na ako."
Binigyan niya ako ng halik sa labi bago pa siya umalis sa harapan ko.
"Okay, ingat ka sa pagmamaneho mo." Ewan ko kung narinig niya ang sinabi ko dahil nakasakay na siya ng kotse niya.
Wala na rin naman ako magawa ngayon kaya nagpasya na lang ako matulog at magigising naman siguro ako kung makaramdam na ako ng gutom.
Nagising na ako madilim na sa labas. Hala, mapahaba ang tulog ko at hindi ako nakakain. Lagot ako nito kay Clark kapag nalaman niyang nalipasan ako. Sermon ang matatanggap ko sa kanya.
Lumabas na ako ng kwarto pero siya agad ang nakita ko. "Clark..."
"Yes?" Mukhang good mood naman siya at hindi niya alam na nalipasan ako.
"Sorry, hindi ko namalayan ang oras dahil napasarap ang tulog ko kanina."
Lumapit siya sa akin at binigyan ako ng halik sa labi. "Papalampasin ko sa ginawa mo kanina pero huwag mo ulit gagawin ang malipasan ka."
Tumango ako. "Pangako hinding hindi ko uulitin iyon. Ayaw ko kasi magalit ka sa akin."
Ngumiti ito. "Let's go."
"Saan?" Taka kong tanong.
"Downstairs. Umakyat ako para gisingin ka pero gising ka na rin pala."
"Bakit? Ano ba meron?"
"Date. We have a date today. Don't tell me you forgot."
"Hindi ko nakalimutan. Pero teka, magpapalit na muna ako ng damit ko."
"Okay na iyang suot mo. Ayos nga lang sa akin kahit wala ka ng suot pero hindi lang naman tayo ang tao rito at baka may ibang tao pa makakita sayo na walang saplot."
"Ang bastos mo! Wala naman akong balak maglakad sa bahay na walang saplot."
Dinala ako ni Clark sa garden kaso bigla siya nawala. Hindi ko nga alam kung saan siya pumunta hanggang sa may narinig akong tugtog ng isang piano kaya sinundan ko kung saan galing ang tugtog na iyon.
Nakita ko si Clark ang nagpatugtog ng piano at hindi naman ito ang unang beses na narinig ko siyang kumanta.
"I dedicate this song for you, Keziah." Sabi niya at kumanta ulit siya. Iyang kanta siguro ang ginagawa niya kaya madalas siya sa music studio.
Naluluha ako sa sobrang kinikilig ako. "Thank you, Clark. Kinikilig ako sa ginawa mo ngayong gabi."
"Of course. Nahirapan ako kung ano ang gagawin ko. Humingi pa ako ng tulong kay Trey kung ano ang gagawin ko at ang totoo niyan ay ang kantahan ka ay ideya niya." Napakamot siya ng ulo niya. "Wala kasi akong alam sa ganitong bagay."
Ngumiti na lamang ako dahil wala akong ideya kung ano ang pinagsasabi ni Clark sa akin. May iba pa ba siyang balak gawin ngayon gabi maliban sa pagkanta niya kanina?
"I want this more memorable." Tumayo na siya saka lumapit sa akin at lumuhod sa harapan ko. "I know I'm not perfect but you still chose me to be with you. Keziah Jane Fuentes... Oh God! I'm really nervous right now."
Natawa ako sa huli niyang sinabi. Sa ginawa niya ngayon ay may ideya na ako at may iba pa nga siyang gagawin maliban sa pagkanta kanina.
Huminga siya ng malalim. "Keziah, will you marry me?"
Naluluha na naman ako. Alam kong tinanong niya ako dati tungkol sa kasal at pumayag ako doon dahil alam kong si Clark na ang lalaki para sa akin kahit may mga panahon na mainitin ang ulo niya.
"Keziah? Please, say yes." Halata sa mukha niya na kinakabahan nga talaga siya.
Dahan-dahan na akong tumango. "Oo, magpapakasal ako sayo."
Tumayo na siya at niyakap ako. "Thank you. Pangako hindi ka magsisi."
"Hindi talaga ako magsisi dahil alam kong ikaw na ang lalaki para sa akin."
"Yaay!" Nakita kong tumatakbo papunta sa amin si Cassey. "Mommy! Papa!"
"Hey, my princess." Binuhat siya ni Clark.
"Magiging kumpleto na po ba tayo?"
"What I said before? Magiging kumpleto tayo. Hinding hindi ako mawawala sa tabi niyo."
Kumpleto naman kami dahil palagi namin kasama si Clark kahit hindi pa kami kasal. Gusto kasi niya na lumipat kami para maalagaan ako. Eh, hindi ko naman pwedeng iwanan si Ken sa dati naming bahay.
"Ang pagdating na lang ng baby brother ko para kumpleto na tayong apat."
Kunot noo akong tumingin kay Clark dahilan nagkibit balikat ito sa akin para bang wala siyang kasalanan sa akin. Ang kulit kasi niya.
Pinalo ko siya pagkaalis ni Cassey saka kinurot. Naiinis ako sa kanya.
"Aray! Masakit iyon ah. Pinalo mo na ako tapos kinurot mo pa."
"Bagay lang sayo iyan. Bakit mo kasi sinabi sa bata na magkakaroon siya ng kapatid na lalaki? Eh, hindi pa nga natin alam kung ano ang gender ng baby natin. Baka umasa lang si Cassey sa wala."
Niyakap niya ako. "Alam mo naman kung gaano ako kasabik magkaroon ng anak na lalaki. Tapos noong isang araw ay tinanong ako ni Cassey kung ano ang gender ng magiging kapatid niya kaya nasabi kong lalaki. Sorry. Sorry talaga."
Sinuksok ko ang mukha ko sa dibdib niya. "Naiinis ako sayo. Ayaw ko naman kasi umasa kayong dalawa tapos hindi pala lalaki ang magiging anak natin.
"It's okay. Tatanggapin ko siya kahit ano pa ang gender niya dahil dugo't laman ko ang dumadaloy sa kanya."
Tumingala ako sa kanya dahil pinahid niya ang luha ko. "Magagalit ako sayo kapag hindi mo siya tinanggap. Walang kasalanan na magaganap dahil hinding hindi mo na kami makikita pang muli."
"Please, don't do that. Takot ko lang na hindi ko kayo kasama araw-araw." Hinawakan na niya ang kamay ko. "Let's go inside. Alam kong gusto niyo ng kumain."
Pagkarating namin sa kusina ay tinitingnan ko lang ang mga nakahanda. Kahit gusto kong kumain pero...
"Bakit nakatingin ka lang sa mga nakahanda? Ayaw mo ba ng mga iyan?"
Tumango ako. "Oo, eh. Tapos ang baho pa ng amoy."
"Uutusan ko yung maid na magluto ng iba. Ano ba ang gusto mong kainin?"
"Yumuko ka. Masyado ka kasing matangkad."
Yumuko siya papalapit sa akin. "Kailangan pa bang bulong?"
"Oo, dahil ang gusto ko ay ikaw." Bulong ko sa tenga niya.
Ngumisi ito. "Mamaya na iyan sa kwarto natin. Sa ngayon kailangan mo muna kumain kung ayaw mong magagalit rin ako sayo."
Sabi ko nga nakakatakot magalit si Clark kaya kailangan sundan ang mga gusto niya dahil para sa kalusugan namin ito ng anak niya.
YOU ARE READING
My Aloof Lover
RomansaChase Series #2: Clark Chase Clark is a successful composer pero wala nakakakilala tungkol sa kanya. Lahat na ginagawa niyang kanta ay sumisikat lalo na sa mga kabataan ngayon. Hanggang sa may nakilala siyang babae.