Ilang araw na rin noong pinayagan si Clark na lumabas na ng hospital. May doctor pang pumunta ng Pilipinas galing sa ibang bansa para alamin ang kalagayan ni Clark at nalaman rin kaagad. Kahit alam na namin kung anong sakit niya.
Ngayon ay papunta na kami sa sementeryo para bisitahin ang mga magulang niya.
Nang makarating na kami sa puntod ng mga magulang niya ay mukhang bihira lang dumalaw ang isa niyang kapatid dito.
"Sa amin tatlong magkapatid ay ang dalawa kong kuya ang paborito ni mama kaya si dad ang madalas ko nakakasama noong maliit pa ako. Noong namatay si Taylor kahit hindi nila sabihin sa akin ay alam kong sinisi nila ako sa nangyari kay Taylor. Kaya simula noon ay hindi na maganda ang relasyon ko sa pamilya ko. Ilan taon ako nakakulong sa nakaraan ko dahil pati ako ay sinisi ko rin ang sarili ko."
"Hindi mo naman kagustuhan ang nangyari sa kapatid mo."
Tumingin siya sa akin. "Thank you."
Tumingin na rin ako sa kanya. "Para saan?"
"Because you came into my life."
Namula na yata ang pisngi ko. "Hindi bagay sayo ang maging cheesy."
"Hey, I'm serious."
"Lagi ka namang seryoso kaya wala ng bago doon."
"May pupuntahan pa tayo pagkatapos dito. Hintayin mo na lang ako sa kotse."
Saan naman kaya kami pupunta?
"Sige, hihintayin na lang kita sa kotse."
Inabot niya sa akin ang susi ng kotse. "Here's the key."
Kinuha ko na muna ang susi bago puntahan kung saan nakapark ang kotse niya. Binukan ko na at pumasok na sa loob ng kotse.
Hindi katagalan ay bumalik na siya pero may kasama siya at mukhang kilala niya yung kausap niya. Malamang kilala ni Clark ang kausap niya, siya pa naman yung tipo na hindi kumakausap sa ibang tao.
Nakita kong pumasok na siya sa kotse at wala na yung kausap niya kanina.
"Sino iyon?" Tanong ko.
"Si Trey, kapatid ko. Ang akala niyang girlfriend kita noong makita ka niya dito dahil first time pa lang ni Trey makita na may kasama akong babae. Hindi rin kasi ako basta-basta nagpapasakay sa kotse ko."
"Ano ang sabi mo noong akala niyang girlfriend mo ko?"
"Nothing..."
Usual, ano nga ba ang aasahan kong sagot ni Clark sa kapatid niya? Wala nga kaming relasyon.
"Gaya nga ng sabi ko dati na hindi ko seseryosuhin ang relasyon na ito kung hindi ako ang mahal mo." Dagdag pa niya.
"So, magahahanap ka ng iba kung hindi ko magawang mahalin ka?"
"I doubt it. Nakasalalay sayo ang buhay ko at huwag mo kong gawing babaero."
Oo nga pala, hangga't hindi ko pa nababalik ang nararamdaman niya ay may pagasa pang mamatay si Clark. Ang sabi nga ng doctor ay maswerte si Clark buhay pa rin siya dahil ang ibang may ganoong sakit ay hindi nakaligtas.
Nang makarating kami sa isang sikat na studio ay nagtataka ako kung ano ang ginagawa namin dito.
"Bakit tayo nandito?" Tanong ko.
"Hindi ba may pinagusapan tayo na tutulungan kita mag audition kaya ito na."
"Pero isang kilala ang studio na ito."
"Exactly. Sikat ang studio na ito at maalagaan ka ng mga tauhan dito. Sabihin mo lang sa akin kung may umaway sayo."
"Good morning, sir Chase." Bati ng security guard na dahilan tumango lang siya.
"Kilala ka ng mga staff dito? Ang akala ko wala kang kilala na pwedeng tumulong sa akin."
"I forgot. Dito rin ako nagtatrabaho kaya kilala nila ako."
Nang makarating kami sa isang kwarto – isa pala iyong recording room.
"Oh, mr. Chase." Sabi ng isang staff.
"Gusto kong testing niyo ang kasama ko. Kung pasok siya sa audition ay ibigay niyo na rin ang kinikita ko sa pag gawa ng kanta."
Napatingin ako sa kanya. "Huh? Hindi ko matatanggap iyon. Kinikita mo iyon, eh."
"No, mas kailangan niyo ng kapatid mo ito lalo na malapit na ang pasukan. Pagaaralin mo ang kapatid mo."
"Ganyan talaga iyan si mr. Chase. Mabait sa mga empleyado niya." Sabi niya.
"Teka, naguguluhan ako. Ang sabi mo kanina dito ka nagtatrabaho tapos ngayon sasabihin ng isang staff na ikaw ang boss."
"Yes, I'm their boss. I owned this studio."
"Ano?!" Nagulat ako sa narinig.
Kinalimutan niya ang sarili niyang studio. Ibang klase talaga.
"Doon na tayo sa loob. Gusto ko marinig ang boses mo ms..."
"Keziah Jane Fuentes."
"Ms. Fuentes."
"Keziah o Jane na lang ang itawag niyo sa akin."
Lumapit siya sa akin at may binulong. "Nakatitig na masama sa akin si mr. Chase para bang ayaw niyang tawagin ka sa first name mo."
Napatingin ako kay Clark at pansin kong umiwas siya ng tingin.
"Ako na ang bahala sa kanya."
"Okay, pasok na lang kayo sa loob kung handa na kayo." Pumasok na ulit sa loob ang staff.
"Ano iyon? Akala mo ba hindi ko malalaman ang ginawa mo kanina. Makatitig ka doon." Naiinis ako sa ginawa niya. Hindi maganda iyon ah. Paano kung umalis yung staff ka iyon eh, mawawalan siya ng isa..
"What? Wala akong ginagawa sa kanya. Nanahimik lang ako dito."
"Anong wala?! Kitang kita kong umi–" Napahinto ako ng halikan niya ako. Ang daming tao dumadaan dito. Tinulak ko siya palayo. "Kainis ka!"
"That's the only way to keep you quiet."
"May surpresa pa naman ako sayo mamaya paguwi natin pero dahil ginalit mo ko kanina. Bahala ka na diyan."
"Ano iyon?" Lumapit siya sa tenga ko at ramdam na ramdam ang hininga niya. "Your body? Hindi na surpresa sa akin iyan dahil nakita ko na dati pa."
"Bahala ka nga sa buhay." Pumasok na rin ako sa loob.
"Are you ready, ms. Fuentes?"
Tumango ako. "Handa na ako."
"Hindi ito recording. Dahil wala kaming audition ngayon at nirecommend ka ni mr. Chase ay dito ka magaaudition."
Nagustuhan nila ang kanta ko kaya tanggap na ako at magtatrabaho na ako bukas.
Nakangiting nakatayo sa harapan ko si Clark. "I know you can do it and you did not dissapoint me."
"Hmph..." Inirapan ko siya. "Huwag mo kong kakausapin. Galit pa rin ako sayo."
"Hey, I'm sorry." Niyakap ako sa harapan ng maraming tao. Baka isipin nila girlfriend ako ng boss nila. "I love you. And I really mean it."
Biglang bumilis ang tibok ng dibdib ko. Parang natuwa ng marinig ang salitang iyon ah.
YOU ARE READING
My Aloof Lover
RomanceChase Series #2: Clark Chase Clark is a successful composer pero wala nakakakilala tungkol sa kanya. Lahat na ginagawa niyang kanta ay sumisikat lalo na sa mga kabataan ngayon. Hanggang sa may nakilala siyang babae.