Hello, readers!
May sakit dito si Clark at ang disease na ito ay isang fanfiction lang.
Search niyo sa google ang hanahaki disease para malaman niyo ang ibig sabihin o baka ang iba sa inyo ay nabasa na ang tungkol dito.
Okay, balik na tayo sa story...
==============
Clark's POV
"Kakaiba ang iyong sakit, mr. Chase."
Kumunot ang noo ko. "What do you mean?"
"Sa tagal ko ng nagtatrabaho bilang doctor ay ngayon pa lang ako nakakita na ganitong sakit."
"Anong klaseng sakit naman iyon?" Tanong ko.
"Hindi ko alam ang tawag sa sakit niyo."
Bumalik ako sa katinuan noong may narinig akong katok. Bumukas ang pinto at niluwa si Keziah.
"Bakit mo ko pinapupunta?"
Hindi na ako sumagot at tinapik ko ang space sa tabi ko para sabihin umupo siya. Pagkaupo niya ay humiga ako sa lap niya.
"Clark?"
"What?"
"Ang weird mo ngayon. May problema ba?"
"Wala akong problema. Bakit mo natanong."
"Ang weird kasi ng kinikilos mo ngayon."
Umupo na ulit ako at tumingin sa kanya. "Can I ask you a question?"
"Okay, ano ba iyon?"
"Ano ang gagawin mo kapag nalaman mong may malubhang sakit ka at kakaiba ang sakit mo?"
"Wala na bang pag asang gumaling?"
"Meron. You need a surgery to survive."
"Iyon naman pala. Pero hindi ko sinasabi na magpapaopera ako kaagad. Siyempre magiipon na muna ako ng pera pangpaopera ko. O baka ipapasyal ko ang kapatid ko sa mga gusto niyang puntahan bago pa ako mawala sa mundo."
Kailangan ko nga ang magpaopera para gumaling sa sakit ko pero ano pa ang saysay na mabuhay ako kung wala naman ako mababalikan. Mas mabuti pang mamatay na lang ako kaysa tumatagal pa ang buhay ko sa mundo.
Sana nga hindi na lang ako pinanganak.
"May kailangan ka pa ipagawa sa akin?"
Umiling ako saka tumayo. "You may go. Magpapahinga na ako."
Pumunta na muna ako sa banyo at tumingin sa salamin. Iniisip ko kung bakit pa ako binuhay sa mundo. Para ba masaktan ako?
"Tsk..." Sinuntok ko ang salamin hanggang sa dumugo ang kamao ko.
Nagising ako sa pagtawag sa akin ni manang Belen. Ganito palagi ang ginagawa niya tuwing umaga. Siya na ang nagalaga sa akin at siya lang ang pinagkakatiwalaan ko.
Bumaba na ako para makakain na ng agahan at nakita ko si Keziah. Ang aga talaga niya magising. Kung hindi ko lang napigilan ang sarili ko kagabi, baka may nangyari na sa amin.
"Good morning." Bati niya sa akin.
Hindi ko na siya sinagot at umupo na ako sa kabilang side.
"Ano ang nangyari diyan sa kamao mo?" Tanong niya. Kaso hindi ko talaga siya sinasagot. "Clark..."
"What? Sa tagal mo ng nakatira dito, siguro naman alam mo ng ayaw ko ng maingay." Ang aga aga kinukulit ako nito.
"Pasensya na pero gusto ko talaga malaman kung ano nangyari sa kamao mo."
"It's not your business. Kumain ka lang diyan at aalis tayo pagkatapos kumain."
"Akala ko ba hihingi ka ng tulong sa isang private investigator?"
"Sinabi niya sa akin na hindi siya makakapunta dito kaya tayo ang pupunta sa kanya."
Habang nasa biyahe kami ay nakita kong abala siya sa phone niya.
"Yung ex ko ang nagtext sa akin. Gusto makipag kita sa akin ngayon." Aniya.
Kunot noo akong tumingin sa kanya habang stop pa. "Baka nakakalimutan niyang hiwalay na kayo at hindi ako papayag na makipag kita sa kanya."
"Bakit naman? Marami na rin naman ang pinagsamahan namin."
"I don't care and my answer still no. Mamili ka, pipilitin mo kong payagan ka makipag kita diyan sa ex mo o sasamahan mo kong hanapin ang kapatid mo?"
"Gusto ko lang naman malaman kung ano ang gusto niyang sa–" Hindi ko na tinapos ang sasabihin niya ng magsalita ako.
"Do you still love him?" Bigla kong sa tanong.
Dahan-dahan siyang tumango. Wala man lang pagdadalawang isip. "Oo, maliban kay Kenny ay minahal ko rin–"
"I don't wanna hear it anymore. Get out." Mahinahon kong sabi habang umuubo.
"Huh?"
"I said get out!" Sigaw ko at tuloy pa rin ang pagubo ko hanggang sa sumuka na ako ng petals.
What the hell? Bakit naman ako sumuka ng petals?
"Clark?"
Sumilyap ako sa kanya. "You're still here."
"Hindi ako aalis dito kung hindi mo sasabihin sa akin ang nangyari sayo."
"I have a serious illness."
"Huh?! Ano daw iyon?"
"Walang ideya ang mga doctor kung anong klaseng sakit ito."
"May paraan ba para gumaling ka?"
Umiling ako. "Like I said last night, only surgery is needed."
"Oh, bakit hindi mo gawin? Wala naman problema sa babayarin. Ang yaman mo kaya."
"Hindi iyang ang dahilan ko kung bakit ayaw ko gawin iyon. Mas pipiliin ko na lang ang mamatay kaysa mas–" Namilog ang mga mata ko ng dumikit ang labi niya sa akin.
"Huwag mong sabihin ang bagay na iyan. May malulungkot kapag nawala ka."
"That's impossible. Walang magmamahal sa akin."
"Meron, si manang. Simulang bata ka pa lang ay kasama mo siya. Kung hindi ka niya mahal ay sana noon pa lang iniwanan ka na niya."
She's right. Si manang Belen na ang tinurin kong magulang. Hindi na nga siya nakakauwi sa probinsya nila dahil hindi niya ako maiwanan."
"... At ako." Dagdag pa niya.
"Ikaw?" Hindi ako makapaniwala na mamahalin niya ang kagaya ko. Parang ilang buwan pa lang naman kami magkasama.
Tumango siya. "Oo. Malulungkot ako kapag mawala ka. Malaki ang utang na loob ko sayo, Clark. Kung hindi sayo baka ang kasama ko ngayon ay isang matanda, tinutulungan mo pa ako hanapin si Kenny at mag audition."
Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Hindi ko ito nararamdam noon kay Pauline o baka wala talaga akong gusto sa kanya at gusto ko lang na maghiwalay sila ni Trey.
"Ang ibig kong sabihin, malulungkot ako dahil magkaibigan tayo."
"Friends?" Hindi ko talaga nararamdaman ang ganitong bagay. Kahit ang pagkakaroon ng kaibigan dahil ako mismo ang lumalayo sa mga tao. Hindi ko sila kailangan. "I don't need a friend or anything else. If they leave me too."
"Hindi kita iiwanan."
"Stop that. You never know what might happen in the future. And I don't your pity."
"Hindi ako naawa sayo, Clark. Gusto ko lang na tulungan ka at lumaban sa sakit mong iyan. Huwag mong isipin na magisa ka na lang dahil nandito kami ni manang Belen para sayo."
"I don't need your help or anyone's."
"Bakit ba ang tigas ng ulo mo?! Pasalamat ka na may tao pang nagmamalasakit sayo! Bahala ka na nga!"
Hindi ko na siya pimigilan na umalis at alam kong tatawagan ako niyan mamaya dahil wala siyang dalang pera.

YOU ARE READING
My Aloof Lover
RomanceChase Series #2: Clark Chase Clark is a successful composer pero wala nakakakilala tungkol sa kanya. Lahat na ginagawa niyang kanta ay sumisikat lalo na sa mga kabataan ngayon. Hanggang sa may nakilala siyang babae.