17

166 9 1
                                    

Napapalingon ako sa tuwing may couple na dumadaan malapit sa pwesto ko. Ewan ko ba kung bakit ako lumilingon sa kanila.

"Ilang couple na ba ang nabilang mo sa tuwing may dumadaan dito?"

Napalingon ako sa kasama ko. "Hindi ako nagbibilang sa mga dumadaan na couple."

"Eh, ano ang ginagawa mo?"

"May iniisip lang ako, Trey."

"Personal problem? Tell me, Clark. Baka makatulong ako sayo."

"Nasabi ko na ba sayo na may girlfriend na ako?"

Kumunot ang noo nito. "May girlfriend ka na? Bakit hindi mo sinabi sa akin ang tungkol diyan?"

"Kasasagot lang niya sa akin noong nagbakasyon kami."

"Buti tumatagal siya sa ugali mong iyan. Anyway, paano mo pala siya nakilala?"

Sinabi ko lahat kay Trey kung paano ko nakilala si Keziah. Wala naman talaga akong balak pumunta sa ganoong lugar pero napilitan lang ako ni Jeremy na sumubok.

"I see... So ano ang problema mo?"

"Tinanong niya kasi ako kahapon kung may balak ba akong yayain pakasalan siya. Noong una kasi tinanong ko siya at pumayag naman."

"Oh, anong problema doon? Pumayag naman pala."

Napakamot ako ng ulo. "Ang problema ay hindi ako marunong kung paano magpropose."

Humalakhak ito bigla. "Ibang klase ka talaga, Clark."

"Paano ka ba nagpropose kay Pauline?"

"Simple lang naman. Noong nalaman kong pinagbubuntis niya ang kambal ay nagpropose ako sa kanya. Gusto ko sana memorable ang gabing iyon pero kailangan rin namin agad magpakasal."

"Paanong memorable?"

"Kakain kami sa labas tapos kakantahan ko–" Inisnap niya ang kanyang daliri. "Yon! Kantahan mo siya. Tutal tinuruan ka naman ni Taylor dati kung paano gumawa ng kanta kaya walang problema sayo iyon."

Pinag krus ko ang mga braso ko. "I like that idea. Gagawa ako ng kanta para sa kanya. Pero may problema pa."

"Okay. Ano pa iyong isa pang problema?" Tanong niya saka ininom ang kanyang juice. Kumakain kasi kami sa isang restaurant pagkatapos kausapin ang isang kliyente namin.

"She's pregnant."

Naibuga niya ang iniinom niyang juice. "What did you just say?! She's pregnant?"

"Tama ang narinig mo, Trey. Buntis siya ngayon sa pangalawang anak namin."

"What the fuck? Dapat nga talaga magpakasal na kayong dalawa lalo na't magiging dalawa na pala ang anak niyo. Pero ano ang problema doon?"

"Baka kasi hindi siya pumayag kumain kami sa labas. Knowing her..."

"Walang problema doon, Clark. Pwede naman kayo sa bahay magdate."

Maganda naman ang garden sa bahay kaya pwede doon gaganapin ang dinner date namin ni Keziah.

"That's it! Thank you."

"Problem solved!"

Maaga akong umuwi dahil baka hinahanap ako ni Keziah kapag tumagal pa ako sa trabaho.

"Ang aga mo ngayon ah."

"Yayain sana kita makipag date bukas."

"Pero ayaw kong lumabas ng bahay."

"No, no. Dito lang tayo sa bahay kakain."

Kailangan ko na rin pala bumili ng singsing at gumawa ng kanta kung bukas na kami magdedate na dalawa.

Abala ako sa pag gawa ng kanta kaso niisa ay hindi ko makuha ang tamang tono sa kanta na ginagawa ko.

"Damn it." Ginulo ko ang buhok ko. So frustrated. Tiningnan ko muna ang oras dahil sobrang late na rin pala. "Fuck. Inabot na ako ng ganito wala pa ako nasisimulan."

Nagising ako may araw na sa labas at nakatulog pala ako habang ginagawa ang kanta na hinahanda ko para kay Keziah.

"Shit. You're such a failure, Clark!" Naiinis ako sa sarili ko.

Lumabas na ako sa music studio para makakain na at hihingi ulit ako ng tulong kay Trey para matapos ko na itong kantang ginagawa ko.

"Good morning, Clark." Bati niya sa akin.

Ngumiti ako ng pilit sa kanya. "Morning."

"Okay ka lang ba? Pag gising ko kasi kanina ay wala ka sa kwarto. Saan ka natulog kagabi?"

"Sa music studio. May tinatapos lang ako pero hindi ko namalayang nakatulog ako." Paalis na sana ako ng may naalala ako bigla at humarap sa kanya. "Um... Pwede bang i-move muna yung date natin?"

"Oo naman.

"Thank you, Keziah." Tumalikod ulit ako sa kanya.

"Clark..." Tawag niya sa pangalan ko dahilan lumingon ako sa kanya.

Namilog ang mga mata ko sa sunod niyang ginawa dahil hinalikan niya ako. Ang hilig niyang nakawan ako ng halik.

Humiwalay na ako sa kanya. "What was that?"

"Para ganahan ka sa ginagawa mo. Alam kong may ginagawa kang kanta kaya nasa music studio ka kagabi."

Niyakap ko siya. "Thank you. Hindi ko alam ang gagawin kung wala ka sa tabi ko."

"Alam kong sikat kang composer pero huwag mo sana hayaan ang sarili mo at huwag rin magmadali tapusin ang ginagawa mo."

"Thank you talaga, Keziah. Binigyan mo ko ng inspiration sa ginagawa kong kanta."

Dahil wala naman kaming trabaho ngayon kaya bibisitahin ko si Trey sa kanila.

"Clark?!" Nagulat pa siya pagkabukas niya ng gate nila.

"Hi, Pauline. Nandyan ba si Trey?"

"Pasok ka muna." Alok niya sa akin kaya pumasok na ako sa loob at nakita ko ang dalawang anak nila. "Tatawagi ko lang si Trey."

Nakita ko na ang pagbaba ni Trey. "Clark, napabisita ka ngayon. Huwag mong sabihin sa akin namiss mo ko agad. Parang araw-araw naman tayo nagkikita."

Kumunot ang noo ko. "What? Sa tingin mo bang namiss kita kaya nandito ako ngayon? Ang kapal rin ng mukha mo."

Tumawa lang siya. "Bakit ka nandito? Dahil ba sa balak mong pagpropose sa girlfriend mo? Kamusta naman?"

"Balak ko sana ngayon ako magpopropose kaso wala pa akong nasisimulan na kanta. Sobrang pagod ko kasi kahapon kaya natulugan ko lang."

"Alam mo namang hindi ganoon gumawa ng kanta. Ilang kanta na rin ang ginawa mong kanta na sumikat." Kumunot ang noo ko dahil wala ako pinagsabihan tungkol diyan. "Akala mo hindi ko mapapansin na ikaw ang nasa likod ng mga sikat na kanta at gustong gusto ng mga kabataan ngayon. Nalaman ko kaagad noong marinig ko ang pangalan ng composer."

"Gusto ko lang ituloy ang pangarap ni Taylor. Nang dahil sa akin kaya hindi na nangyari ang pangarap niyang iyon."

"I understand. At saka hindi naman natin ginusto ang nangyari kay Taylor."

"Kaya pala ako pumunta dito kasi may tanong ako."

"Hindi mo na lang tinawag. Okay, ano ba iyon?"

"Kung paano ba makakuha ng inspiration?" Tanong ko kahit may inspiration na ako. Baka may ideya pa si Trey.

"Gawin mong inspiration mo ang girlfriend at anak mo. Ako naman ang magtatanong sayo."

"Okay, what is it?"

"Kailan mo pala pakilala sa amim ang girlfriend mo?"

"Anytime you want. Pumunta ka sa bahay para pakilala ko sa inyo si Keziah at isama niyo na rin ang mga bata para makilala rin nila si Cassey."

"Okay. Bukas kami pupunta sa inyo."

Kumurap ako. "Bukas agad?"

"Yes, gusto ko makilala ang girlfriend ng kapatid ko. Pero huwag ka magaalala dahil hindi ako tutol sa inyong dalawa."

"Kahit ba tutol sa relasyon namin ay itutuloy ko pa rin ang binabalak kong pakasal sa kanya."

My Aloof LoverWhere stories live. Discover now