Keziah's POV
"Kuya, hindi niyo pa po sinasagot ang tanong ko kahapon." Tumingin ako kay Kenny noong tanungin niya si Clark.
Napatingin na rin si Clark sa kapatid ko. "What's your question again?"
"Kung boyfriend po ba kayo ni ate?"
Tumingin kami kay Kenny at binaling sa akin ni Clark ang tingin niya saka umiling. "Not yet – I mean no, hindi ako boyfriend ng ate mo."
Tama naman ang sinabi niya. Hindi ko boyfriend si Clark at wala rin kaming relasyon. Ano nga ba talaga ang relasyon namin?
"Pagpasensyahan mo na si Kenny. Alam mo naman ang mga bata masyadong curious sa mga nakikita nila at madaldal rin ito minsan."
"No, it's okay. Normal lang macurious ang bata lalo na nakatira tayo sa isang bahay." Sabi niya pero hinalikan ko siya sa labi. "What was that for?"
"Nagpapasalamat ako sayo dahil makakasama ko na ulit ang kapatid ko."
"Ginawa ko lang ang pinagusapan natin dati na tutulungan kitang hanapin ang kapatid mo."
"Ngayon nahanap na ang kapatid ko. Baka naman..."
"I know. Mamaya maghahanap na ako ng magandang studio na tatanggapin ka agad."
Niyakap ko siya sa tuwa. Matutupad ko na rin ang pangarap ko. "Salamat talaga."
"May isang salita ako, Keziah."
Bumitaw na ako ng yakap sa kanya ng may tumawag sa akin. "Wait lang ah. Tumatawag sa akin si Darryl."
Kumunot ang noo nito "Akala ko ba wala na kayong communication?"
"Halos anim na buwan na iyon pero last month nagkita ulit kami." Sagot niya saka lumayo na sa akin para sagutin ang tawag.
"Hey, pwede ba tayo magkita ngayon?"
"Hindi ko alam. Kailangan ako ni Kenny ngayon, eh."
"Nahanap mo na pala ang kapatid mo."
"May tumulong kasi sa akin na hanapin si Kenny kaya malaki ang utang na loob ko sa kanya."
"Mahal mo ba siya Jane? Sa pananalita mo kasi parang may nararamdaman ka sa kanya."
"Huh?! H-Hindi. W-Wala akong gusto sa kanya. Ikaw pa rin ang ma–"
"Clark!" Rinig ko ang sigaw ni manang Belen.
Napalingon ako sa likod at nakita ko si Clark na walang malay. "Um, Darryl, may nangyari dito sa bahay. Tatawagan na lang kita ulit."
"Okay..."
Lumapit na ako kay manang Belen pagkatapos kong kausapin si Darryl.
"Ano po ang nangyari?" Tanong ko.
"Hindi ko alam ang nangyari. Nakita ko na lang bumagsak si Clark.
Dinala na si Clark sa malapit na hospital. Marami ngang doctor ang tumitingin sa kanya pero niisa sa kanila wala may alam tungkol sa sakit niya.
"May iba pa bang kamag anak ang pasyente?" Tanong ng isang doctor.
"Meron ho." Sagot ni manang Belen.
"Pwede niyo ho bang tawagan ang kamag anak niya?"
"Ano kasi..."
"Nasa ibang bansa yung kamag anak niya kaya hindi makakapunta ngayon." Palusot ko. Iyon kasi ang unang pumasok sa utak ko.
"Walang doctor dito na may alam kung ano ang sakit ng pasyente. Ngayon pa lang kami nakakita na ganitong sakit pero tinatawagan namin ang mga magagaling na doctor sa Japan. Baka alam nila kung anong klaseng sakit ito."
"Baka may mangyaring masama kay Clark, doc." Pagaalala ko.
"Huwag kayo magaalala palagi namin oobserbahan ang pasyente."
Nagaalala talaga ako sa kalagayan ni Clark. Hanggang ngayon kasi hindi pa rin nagkakaroon ng malay para alam namin na okay lang siya.
"Hija, umuwi ka na muna. Baka hanapin ka ng kapatid mo."
"Balitaan niyo na lang po ako kung gising na si Clark."
Hindi talaga mawala ang pagaalala ko kay Clark hanggang ngayon kasi hindi pa tumatawag si manang Belen sa akin.
"Ate, si kuya Clark? Hindi po siya uuwi ngayon?" Tanong ni Kenny. Kahit isang araw pa lang itong kapatid ko ay gustong gusto niya si Clark. Kung malaman lang niya ang tunay na ugali ni Clark baka mawala ang paghanga nito.
"Hindi makakauwi ang kuya Clark mo ngayon."
"Bakit po?"
"Ano kasi... Um, naalala mo ba yung nangyari kanina?"
Tumango ito. "Opo. Ano po nangyari sa kanya?"
"May sakit kasi ang kuya Clark mo. Hindi alam ng mga doctor kung anong klaseng sakit na meron siya."
Nakikita kong malapit na umiyak ang kapatid ko. "Iiwanan rin po ba tayo ni kuya Clark kagaya kila mama at papa?"
"Hindi, babalik siya sa atin." Sana nga lumaban siya sa sakit niyang iyon kahit sinabi niya sa akin dati na wala siyang balak lumaban o magpaopera.
Nagising ako sa may tumawag at may liwanag na sa labas. Hindi ko namalayan na umaga na pala dahil hindi ako makatulog kagabi.
Sinagot ko ang tawag. "Hello?"
"Nagising ba kita?"
Napabangon ako bigla. "Darryl, sorry kung hindi ako nakatawag kahapon."
"It's okay. Mukhang may emergency sa inyo kahapon. Kamusta na siya?"
"Ayun wala pa rin akong balita. Nagaalala na nga ako sa kanya, Darryl."
"Ano mga sintomas?"
"Ang naalala ko lang ay palagi siya sumusuka ng petals tapos nakita ko kahapon na may petals pero kulay itim."
"Parang familiar sa akin ang sakit na iyan. Rare ang ganyang sakit at may kilala rin ako na pareho ng sakit niya."
"Anong tawag doon?"
"Wait iisipin ko. Ayun, Hanahaki Disease."
"Hanahaki Disease? Ano 'yon? At paano makakuha ng ganoong saki?"
"Kung sa normal na sitwasyon ang tawag sa sakit na iyon ay one sided love pero delikado ang Hanahaki Disease. Maaaring mamatay ang may Disease na ganito."
"May solusyon ba para gumaling siya?"
"Meron, kailangan mahalin rin siya ng taong mahal niya o magpaopera siya pero may consequence kapag magpaopera siya."
Kumunot ang noo ko. "Ano naman?"
"Maaaring mawala ang nararamdman niya sa taong iyon."
Bigla ko naalala na may gusto siyang babae pero may boyfriend at mga anak na ito. Imposible na mahalin rin siya nito.
Pumunta na ako sa hospital para bisitahin at kamustahin na ang kalagayan ni Clark.
"Tatawag na sana ako sa bahay para sabihin sayo na gising na si Clark."
"Talaga ho? Mabuti naman kung ganoon." Nakahinga na ako ng maluwag dahil nagkaroon na siya ng malay. "Ako na po muna ang bahala kay Clark."
"Magdadala ako mamaya ng mga damit niya." Sabi ni manang Belen bago siya umalis sa harapan ko.
Ang dami nga nakasabit kay Clark na aparatus.
"I already made a decision."
"Na ano?" Takang tanong ko.
"Magpapaopera ako."
"Kahit mawala ang nararamdaman mo sa taong mahal mo? Gusto mo bang puntahan ko siya at sabihin ang nangyari sayo?"
"No need. Kahit sabihin mo sa kanya ang kalagayan ko ay hindi niya ako mamahalin pero hindi siya ang babaeng nagugustuhan ko."
"Eh, sino na ang mahal mo?" Tanong ko kaso hindi na siya sumagot. Ganyan naman siya kapag tungkol sa kanya ang usapan ay hindi na siya sasagot.
"Hindi na importante kung sino iyon. Mukhang malas ako sa pagibig dahil may iba siyang mahal."
YOU ARE READING
My Aloof Lover
RomanceChase Series #2: Clark Chase Clark is a successful composer pero wala nakakakilala tungkol sa kanya. Lahat na ginagawa niyang kanta ay sumisikat lalo na sa mga kabataan ngayon. Hanggang sa may nakilala siyang babae.