18

181 11 0
                                    

Keziah's POV

Nagtataka ako sa ginawa ni Clark dahil kinulong niya ako sa bisig niya. Ang weird niya ngayon sa totoo lang.

"Ano nangyayari sayo? Nagiging weird ka na ngayon ah."

Ngumiti ito sa akin. "Nothing. Gusto ko lang makita ang mukha mo sa malapitan."

See? Ang weird niya talaga.

Sasagot pa sana ako ng may marinig akong nagdoorbell. May inaasahan sigurong bisita si Clark ngayon dahil wala naman akong maalala na bibisita sa akin ng mga kasama ko sa trabaho.

"Ako na ang magbubukas ng gate at magpahinga ka muna diyan." Sabi ko at lumabas na sa kwarto niya.

Binuksan ko na ang gate at may isang lalaki ang nasa harapan ko ngayon at may kasama siyang dalawang bata.

"Hi. You must be Clark's girlfriend."

Tumango ako. "Ako ngayon."

"Keziah, sino iyong nagdoorbell?" Rinig ko ang boses ni Clark dahilan lumingon ako sa kanya.

"Hey, Clark." Sabi noong tao sa harap ko.

"Trey, ano ang ginagawa mo rito?"

Humarap ulit ako sa lalaki nasa harapan ko. Teka nga lang – Trey? Trey Chase?! Ang CEO ng Chase Aviation Services at ang nakatatandang kapatid ni Clark.

"You told me I can come here anytime. Kasama ko rin sina Travis at Evan para makilala nila ang pinsan nila. Hindi nga lang nakasama si Pau kasi tinutulungan niya ang babysitter ng kambal."

"Pasok muna kayo." Alok ni Clark sa bisita namin.

Inutusan ni Clark ang isang maid na maghanda ng maiinom sa mga bisita.

"Hindi ko inakalang babalik ka dito sa bahay."

"Siguro nga marami akong alaala sa dating bahay ko pero..."

"I understand." Sabi niya saka tumingin sa akin. "Hindi mo ba ako papakilala sa girlfriend mo?"

"Trey, si Keziah." Tumingin naman sa akin si Clark. "Keziah, si Trey. I'm sure you know him already lalo na palagi mo makikita ang mukha niya sa dyaryo."

"Nice to meet you, Keziah."

"Nice to meet you too."

"Masaya ako para sayo dahil nakilala mo na ang babae para sayo, Clark. At Keziah, kahit ganyan ang ugali ni Clark ay intindihin mo na lang siya dahil alam kong mahal na mahal ka ng kapatid ko."

"Mommy? Papa? Si uncle Ken po ba iyan?"

Napatingin ako kay Clark dahil gising na si Cassey. Weekend kasi ngayon kahit tanghali na siya magising ay ayos lang.

"Stay here. Ako na ang pupunta kay Cassey." Sabi ni Clark saka tumayo para puntahan si Cassey.

"So, Keziah." Binaling ko ang tingin sa kanya. "Pwede ba magtanong sayo?"

"Oo naman. Ano ang tanong mo?"

"Siguro nabanggit na ni Clark sayo ang tungkol sa nakaraan niya. Ang nangyari sa kakambal ko." Tumango ako sa kanya. "Gusto ko lang malaman kung ano ang nagustuhan mo sa kanya. I mean alam mo naman na siya mismo ang lumalayo sa mga tao."

"Everything. Inaamin kong nakakatakot magalit si Clark kaya sinusunod ko ang lahat na gusto niya kahit ang house rules niya dati. Alam ko rin mahal niya ako noon pa kahit may mahal akong iba pero nagawan ko pa rin siyang mahalin. Nagkagusto na ako sa kanya noong nahanap niya ang kapatod ko kaso hindi pa ako sigurado kung gusto ko na ba siya o mahal ko na. Pero mas lalo akong nahuhulog sa kanya noong nagbakasyon kami sa probinsya namin habang pinagtatanggol niya ako sa tita ko. Gagawin niya ang lahat para sa amin ng kapatid ko."

"I see. Hindi ako makapaniwala na may ganoon pa lang ugali si Clark at mukhang tinamaan siya sayo. Thank you for coming into his life."

Ngumiti ako. "Wala naman akong ginawa. Dati kasi may panahon na nagagalit siya sa akin kahit wala naman akong maalala na may ginawang mali pero iyon pala ay nagseselos na siya. Binibigyan niya ako ng masasakit na salita dati pero pinatawad ko pa rin siya at kinalimutan ang nangyari noon alang-alang sa anak namin. Ayaw ko kasi isang araw ay si Cassey ang magiging kawawa dahil ako rin ang masasaktan."

May naramdaman akong umupo sa tabi ko. "Nandoon si Cassey sa garden kasama nina Travis at Evan. Noong una nga nahihiya pa siya kaya natagalan ako."

"Ilan buwan ka ng buntis?"

"Magdadalawang buwan pa lang." Sagot ko pero napapansin ko parang may gustong sabihin si Trey kay Clark. "Um, puntahan ko muna yung mga bata sa garden."

Pumunta na ako sa garden at kitang kita abalang abala sila sa ginagawa nila. Ano kaya ang ginagawa nila?

Mukhang napansin ni Cassey ang presensya ko. "Mommy."

Umupo ako sa tabi ni Cassey. "Ano ang ginagawa niyo?"

"Drawing po." Pinakita sa akin ni Cassey ang drawing niya. "Look po!"

Nagtataka ako dahil apat ang tao sa drawing. "Bakit apat? Sinu-sino mga iyan?"

"Ikaw po, si papa, ako at ang baby brother ko."

Kumunot ang noo ko. "Baby brother?"

"Opo. Ang sabi ni papa magkakaroon daw po ako ng baby brother."

Loko talaga si Clark dahil sinabi niya sa bata na magkakaroon siya ng kapatid na lalaki kahit wala pa kaming ideya kung ano ang gender ng baby namin. Alam kong sabik si Clark magkaroon ng anak na lalaki pero paano kung babae? Baka umasa rin si Cassey.

"Ano ang pangalan niyo?" Tanong ko sa dalawang batang lalaki.

"Travis po."

"Evan po."

"Ilang taon na kayong dalawa?" Tanong ko ulit.

"9 years old po ako tapos 8 years old naman si Evan."

Kumurap ako. "Ang akala ko ay kambal kayong dalawa."

"Hindi po. Iba po ang ina ko pero tinanggap naman ako ni mommy na anak ni daddy sa ibang babae." Sagot ni Evan.

Mabuti na lang mabait ang asawa ni Trey. Kung sa ibang babae iyon baka hindi nila tatanggapin na may ibang anak ang asawa nila.

"May dalawa pa po kaming kapatid kaya hindi nakasama sa amin si mommy kasi tinutulungan niya ang babysitter ng kambal sa pagalaga." Sabi ni Travis.

"One of the best teacher ang mommy namin."

Ang dami pa nila kinukwento sa akin tungkol sa mommy nila at halatang mahal na mahal nila ang mommy nila. Sayang nga lang hindi ko nakilala ang mommy nila pero baka sa susunod na araw ay makilala ko siya.

My Aloof LoverWhere stories live. Discover now