Bigla ko siyang hinalikan sa labi. "Kahit anong mangyari ay nandito lang kami para sayo."
"Bakit mo ko hinahalikan kung wala tayong relasyon?"
"Parang ganito lang iyan, bakit mo ko ginalaw kung wala tayong relasyon?"
"Paalala ko sayo, ms. Fuentes. Ikaw ito ang may gusto noon at wala talaga akong balak galawin ka."
"Palusot ka pa. Aminin mo na kasi."
"Wala akong aaminin dahil wala nga talaga akong balak. Kung meron man ay sana noong unang araw mo pa lang ay may nangyari na sa atin.*
May point naman siya doon. Ako rin ang unang gumawa ng move sa aming dalawa.
Humihikab ako dahil hindi ako nakatulog ng maayos sa pagaalala ko kay Clark.
"Mukhang inaantok ka pa."
"Oo, eh. Hindi kasi ako nakatulog kagabi sa pagaalala ko sayo."
"Mukhang alam mo na ang tungkol sa sakit ko."
"May napagsabi lang sa akin dahil familiar sa kanya iyon." Sabi ko pero hindi ko na binanggit kay Clark kung sino baka magiba pa ang mood. "Ayos lang ba sayo na kalimutan kung ano ang nararamdaman mo sa kanya kapag nagpaopera ka?"
"Mas gugustuhin ko ang ganito kaysa makita siyang masaya sa ibang lalaki."
"Sino ba kasi iyan? Hindi ko naman sasabihin sa kanya dahil hindi ko siya kilala."
Bumuga siya ng hangin at tumingin sa labas. "Ikaw. Sa maiksing panahon ay hindi ko inaasahan na magkakagusto ako sayo."
"A-Ako?" Hindi ako makapaniwala. Mahal ako ni Clark.
Ako pala yung sinasabi niyang mahal niya pero may mahal ng iba. Ano ang gagawin ko? Pareho ko silang masasaktan dahil isa lang ang pwedeng piliin.
"Ayos lang sa akin kung siya ang pinili mo. Siya ang lalaking mahal mo, hindi ako. Kaya mas gugustuhin ko pang kalimutan ang lahat."
"Please, huwag mong gawin ito."
Kumunot noo nito. "What are you talking about? Ang sabi sa akin dati na magpaopera ako para gumaling."
"Wala pa akong ideya kung ano ang sakit mo. Ngayon... Ugh, bakit ba kita pinipigilan sa desisyon mo?"
"Exactly. Bakit mo nga ako pinipigilan? Kaya nga ito ang pinipili ko para makalimutan ang lahat." Tumingin ulit siya sa labas ng bintana. "And can you do me a favor?"
"Ano iyon?"
"Huwag ka muna bumisita sa akin simula bukas hanggang sa payagan ako ng doctor na lumabas."
"Bakit ayaw mo ko bumisita? Nagaalala ako sayo."
"Ayaw ko muna makita ka dahil sa tuwing nakikita kita ay mas lalo ako nasasaktan." Humiga na siya kaso nakatalikod siya sa akin. Ayaw niyang humarap na.
Kaya ba may mga panahon na mabait siya sa akin at may mga panahon na gagalit dahil nagseselos siya kay Darryl. Pero imposible dahil hindi ganoon klase ng tao si Clark.
Hinintay ko muna ang pagdating ni manang Belen bago ako umalis dahil ayaw naman ako makita ni Clark. Nagkipag kita na lang ako kay Darryl para naman mawala ang inis ko kay Clark.
"Kamusta na siya?" Tanong niya sa akin.
"Ayaw niya muna ako makita hanggang sa payagan siya lumabas."
"Bakit? Siguro may dahilan siya kaya niya iyon nasabi."
"Inamin niya sa akin na ako yung babaeng mahal niya. Ang akala ko pa naman yung isang babae pero may asawa't anak na."
Hindi ko naman kilala ang unang babaeng minahal niya. Pumunta lang kami sa bahay noon dati pero hindi bumaba at kamustahin.
"I see... Eh, paano tayo, Jane? Wala tayong closure dahil nakipag hiwalay ka sa akin sa chat."
"Pinaligawag ko na sayo dati kung bakit ako makipag hiwalay sayo. Wala ka pa noong mga panahon na kailangan ko ng karamay."
"I'm sorry kung nahuli ako ng uwi. Kung alam ko lang na ganito ang nangyari ay sana umuwi ako kaagad."
Umiling ako. "Ayos lang. Kung hindi dumating si Clark noong gabing iyon baka ang kasama ko ngayon ay isa sa mga matatandang lalaki."
Kinilabutan ako sa pwedeng mangyari iyon sa akin.
"Jane, umamin ka nga sa akin... Mahal mo na ba siya? Hindi ako magagalit kung sasabihin mo sa akin ang totoo at ako na mismo ang bibigay ng closure sa atin."
"Huh? Mahal ko siguro siya pero bilang kaibigan lang kahit ayaw niya ako maging kaibigan. Ikaw pa rin yung taong mahal ko."
"Ako pa rin? Sorry, Jane hindi ko na mababalik ang nararamdaman mo ngayon. Habang nasa Australia kasi ako ay nagkagusto ako sa isang babae."
"Doon sa kaibigan mo?"
"Hindi. Hindi sa kanya. Malapit na ikasal ang kaibigan kong iyon pero hindi siya yung tinutukoy ko. Kaya gusto ko makipag kita sayo kahapon para kausapin ka sa closure natin."
Tumango ako. Ayaw kong ipakita kay Darryl na iiyak ako. "Okay..."
"Okay? Pumapayag ka? I mean ayos lang sayo?"
"Wala naman ako magagawa pa dahil may mahal ka ng iba."
"Sana hindi mawawala ang pagkakaibigan natin."
"Ewan ko, Darryl. Ikaw ang taong mahal ko kaya mahirap."
"Hindi ba gusto mong gumaling ang taong tumulong sayo? Bakit hindi mo gawin na ibalik ang nararamdaman niya para sayo?"
"Pero nagdesisyon na siya na magpapaopera dahil alam niyang may mahal akong iba at ikaw iyon."
"Hindi ba huli ang lahat. Siguro naman wala pang schedule para operasyon niya. Ikaw nga nagsabi sa akin na wala pang doctor na may alam tungkol sa sakit niya."
"Tama ka. Kailangan kong bumalik ulit doon kahit ayaw na muna ako makita."
Pagbalik ko sa room niya ay may narinig akong naguusap sa loob.
"Hijo, sigurado ka na ba diyan sa desisyon mo?"
"I'm 100% sure. Kung hindi man niya ako magawang mahalin ay mas mabuti pang kalimutan ko na lang."
Binuksan ko na ang pinto at napatingin sila sa akin. "Alam kong ayaw mo kong makita."
"Then, what are you doing here?" Tanong niya.
Tumayo na si manang Belen kung saan siya nakaupo. "Maiwan ko na muna kayo para makapag usap."
"May alam na ng iba si Darryl kaya hindi na kami pwede."
"Huwag mo kong gawing rebound dahil hindi ka na niya magawang mahalin."
"Hindi ako ganoon klaseng tao, Clark. Gagawin ko ang lahat para mahalin ka rin. Gusto ko lang na gumaling."
"Ano mangyayari kung gumaling ako? Maghahanap ka ng iba na mas mabait kaysa sa akin?"
"Hindi nga ako ganoon klaseng tao. Kulit nito. Kung ganoon ako ay sana may iba na ako habang nasa ibang bansa si Darryl."
Bumangon na siya at umupo sa kama. "Halika nga rito."
Umupo na rin ako sa tabi niya. "May kailangan ka ba?"
"Nothing." Kinuha niya ang kamay ko at hinalikan ang likod noon. "Kapag pinayagan na akong lumabas ay may pupuntahan tayo."
"Saan tayo pupunta?"
"Sa mga magulang ko. Simulang nawala sila ay hindi ako pumupunta sa sementeryo."
Matagal tagal na rin huling bisita ko sa mga magulang ko. Sana nga lang naiintindihan nila kung bakit hindi na ako nakakadalaw sa kanila.
YOU ARE READING
My Aloof Lover
RomanceChase Series #2: Clark Chase Clark is a successful composer pero wala nakakakilala tungkol sa kanya. Lahat na ginagawa niyang kanta ay sumisikat lalo na sa mga kabataan ngayon. Hanggang sa may nakilala siyang babae.