Prologue

740 18 1
                                    

"Five hundred thousand!"

"Five hundred fifty thousand!"

"Six hundred thousand!"

"Nine hundred thousand!" Sigaw ng isang matanda.

Bakit nandito ako ngayon? At ganito nangyari sa akin? Dahil binenta ako ng tita ko simulang namatay sa isang aksidente ang mga magulang ko at pinaghiwalay pa niya kami ng kapatid ko dahil binigay niya sa ampunan.

"One million!"

Napaangat ako ng tingin at may nakita ako isang lalaki na kampanteng nakaupo.

"O-One million? Wala na bang taas pa?" Tanong ng auctioneer na hindi makapaniwala sa narinig niya.

"One million and fifty thousand."

"Three million!"

"Fifteen million!"

Tumahimik ang buong ng marinig ang huling sigaw ng isang lalaki pero hinanap ng paningin ko hanggang sa makita ko siyang bagong pasok.

"Fifteen million. Anyone can beat?" Nakangising tanong muli ng auctioneer pero ilang minuto na ang lumipas ay wala ng sumasagot niisa.

"I guess, no one can beat fifteen million." Sabi niya ulit.

Fifteen million ang halaga ng pagkatao ko...

"Maswerte kang babae ka dahil umabot ng fifteen million ang halaga mo." Sabi niya at akmang hahawakan niya ako pero may pumigil sa kanya.

"Don't you dare to touch her. If you touch her, I will kill you."

Tumingin ako sa lalaking bumili sa pagkatao sa halagang fifteen million pesos. Inaamin kong gwapo ang itsura niya, matangos ang ilong, maganda ang pangangatawan kaso ang seryoso ng mukha niya.

Binaling niya ang tingin sa akin kaya umiwas ako ng tingin sa kanya. "We have to go."

Habang naglalakad kami papuntang parking lot ay seryoso pa rin ang mukha niya.

"What's your name?" Biglang tanong niya.

"Keziah Jane Fuentes. Ikaw?"

Huminto na kami sa tapat ng isang magarang sasakyan. "Clark Chase. And get in."

Pagkauwi namin sa bahay niya ay namangha ako sa sobrang laki nito at doon ko lang naalala na may isang Chase pa pala na mayaman rin. Baka kamag anak niya.

"Pwede bang magtanong?"

"Okay, spill."

"Kamag anak mo ba yung CEO ng Chase Aviation Services?" Tanong ko.

Tumingin siya sa akin na masama. "Don't mention about him or even that company."

May nasabi ba akong mali sa tanong ko? Nagtatanong lang naman ako ah.

"Sorry."

Pagpasok namin sa loob ay may isang matandang babae ang sumalubong sa amin.

"Nandito ka na pala, Clark." Tumingin ang matandang babae sa akin. "May kasama ka pala ngayon."

"Hello po. Ako po si Keziah Jane Fuentes."

"Nagagalak akong makilala ka, hija. Ako naman si manang Belen."

"Kayo rin po, manang."

Silang dalawa lang ba ni manang Belen ang nakatira dito? Nasaan kaya ang mga magulang ni Clark?

"Manang, tawagan niyo na lang ho kung kakain na." Sabi ni Clark bago pa siya umakyat papunta sa kwarto nito.

"Pagpasensyahan mo na ang batang iyon ah. Hindi naman ganoon si Clark pero noong namatay ang isa niyang kuya ay nagiba na ang ugali niya."

My Aloof LoverWhere stories live. Discover now