Clark's POV
"Musta ang pagpropose mo kahapon?" Tanong ni Trey pagkakita niya sa akin.
"What do you want to know? Of course, she said yes."
"Congrats. Anyway, napagusapan niyo na ba kung kailan ang kasal niyo?"
"Not yet. Marami pang ginagawa dito at hindi ko naman pwedeng iwanan sayo dahil may sariling pamilya ka na." Sagot ko at kumunot ang noo ko ng kurutin niya ako sa pisngi. "What the hell? Bakit mo ko kinurot?"
"Hindi lang ako sanay na ganyan ka. Ikaw pa yung tipo na lalayo sa mga tao at walang pakialam sa paligid."
"Matagal na ako nagbago, Trey. Simulang nakilala ko si Keziah ay sinusubukan kong bumalik sa dating ako."
"Sobra-sobra na ang pasasalamat ko kay Keziah dahil sa kanya ay bumalik sa dati ang kapatid ko."
"Speaking of... Ano ang pinagusapan niyong dalawa noong huling bisita mo sa bahay?"
"Nagpasalamat lang ako sa kanya tapos naikwento niya rin sa akin na marami na daw ang maitulong mo sa kanya. Lalo na yung paghanap mo sa kapatid niya."
"Tinutupad ko lang ang pinangako ko sa kanya na tutulungan ko siyang hanapin ang kapatid niya. Ano pa?"
"If I remember correctly, sinabi niya rin sa akin na noong nahanap mo na yung kapatid niya ay nahuhulog na siya sayo tapos noong bakasyon... yung pinagtanggol mo siya sa kamag anak niya. Doon naman ay mas lalo siyang nahulog sayo."
Umiwas ako ng tingin at tinakpan ang mukha ko dahil siguradong namumula na ako. Fuck. Bakit hindi niya sinabi sa akin na dahil doon ay may gusto na siya sa akin? Pinahirapan pa niya ako at muntik pa ako mamatay dahil sa kanya.
"Wait a minute." Sumulyap ako saglit kay Trey at kita rin nakangisi ito. "Is mr. Clark Chase blushing?"
"S-Shut up. Masaya lang ako dahil noon pa lang ay may gusto na siya sa akin."
"Wala kang alam na may gusto siya sayo?"
"Noong nakilala ko siya ay may naging boyfriend siya at mahal pa rin niya ito. Pero noong nasa–" Napahinto ako dahil wala nga pa lang alam si Trey tungkol sa sakit ko. "Nevermind."
"Malapit na rin naman kayo ikasal at may oras pa bago matapos ang lunch break. Gusto ko lang malaman kung paano mo narealize na may gusto ka na sa kanya?"
"Hindi ko naman agad narealize na nagkakagusto na pala ako sa kanya. Si manang Belen pa ang nagparealize sa akin. Kung hindi dahil sa kanya baka hanggang ngayon ay hindi ko pa narealize na may gusto – No. Na mahal ko siya. Kahit may mga panahon na nagseselos ako sa tuwing may kausap siyang lalaki maliban sa amin ni Neth kaya napagsalitaan ko siya ng masakit. At nang dahil rin sa pride ko kaya hindi ako lumalapit sa kanya para patawarin niya ko. Apat na taon niya ako hindi pinapansin o kinakausap."
"Lumaki pala ang anak niyo na wala ka sa tabi niya."
Tumango ako. "Yes. Kaya bumabawi ako kay Cassey ngayon."
"Clark, payo ko lang sayo... Kahit anong mangyari ay huwag mo masyado pairalin ang init ng ulo. Normal lang naman may kausap ang girlfriend mo na ibang lalaki."
"Normal ba iyong masyado silang close sa isa't isa? Kahit oras ng trabaho ay magkasama. Sino ba hindi maiinis kapag ganoon ang makikita? Ang babaeng mahal mo ay may kasamang ibang lalaki. Ibang usapan na iyon, Trey."
"Pero kausapin mo siya kapag kalmado ka na maayos niyo agad ang away o tampuhan niyo dahil ang pamangkin ko ang magiging kawawa dito."
"Ganyan ba ang ginagawa mo kapag nagaaway kayo ni Pau?"
"Hindi kami madalas nagaaway ni Pau dahil iniisip ko ang mga bata. Kapag nagtatampo na siya, imbes sumagot sa kanya ay nilalambing ko na lang para maayos na agad. Minsan you know." Sabi nito habang nakangisi.
"Baka masundan niyo ang kambal ah." Sabi ko habang umiinom ng iced tea. "Hindi na ako magugulat kung malaman kong buntis ulit si Pau."
"Maingat na ako ngayon at saka ayaw na ni Pau sundan ang kambal. Hirap na hirap na nga kami sa kambal lalo na kay Theo. Lumalaking pasaway."
"Kanino ba magmamana iyang anak mo? Siyempre sayo. Pasaway ka dati kaya sila mama ay hindi na nila alam ang gagawin sayo kaya nga pinadala ka dati sa probinsya. Buti yung dalawang anak niyo hindi pasaway."
"Si dad ang nagaalaga kay Evan noong baby pa siya habang nagaaral pa ako at wala ako sa tabi ni Travis. Wala nga rin akong ideya na buntis pala si Pau noong umalis kami ni dad."
"Nagsisi ka ba?"
"Nagsisi ako saan?"
"Na dumating sa inyo si Travis wala sa plano?"
Umiling ito. "Hindi ako nagsisi at wala ako pinagsisihan. Balik na tayo dahil marami pa akong kailangan tapusin ngayon."
"Mauna ka na. May gagawin pa ako."
Nauna na si Trey pabalik sa office niya pero ako ay tinawagan muna si Keziah. Wala pa ngang isang ring ay sinagot na niya ang tawag
"Hello?" Mukhang hindi ko siya nagising dahil wala sa tono ng boses niya ang inis. "Bakit ka napatawag?"
"I just want to hear your voice?"
"Tsk. Para naman hindi mo maririnig ang boses ko pagkauwi mo mamaya."
"Gusto ko lang sabihin sayo baka gabihin ako paguwi mamaya."
"Bakit naman?" Kahit hindi ko kaharap si Keziah ay alam kong nakakunot na ang noo nito. "Busy ka ba masyado sa trabaho? Mawawalan ka ng oras sa amin?"
"What? Bakit mo naman naisip ang ganyang bagay? Kahit kailan hindi ako mawawalan ng oras sa inyo lalo na sayo, Keziah. Kaya lang naman ako gagabihin ng uwi mamaya kasi pupunta ako ng sementeryo."
Maaga akong umalis sa trabaho para maaga rin akong umuwi galing sementeryo baka kasi magtampo pa sa akin si Keziah kahit pinayagan niya ako gabihin.
"Hey, bro. I'm here again." Umupo ako sa harapan ng puntod ni Taylor. "Alam mo ba si Trey kasal na siya at may mga anak na rin. Sayang nga lang hindi mo nakilala ang naging asawa niya."
Kahit limang taon nagkahiwalay sina Trey at Pauline ay sila pa rin ang nagkatuluyan.
"Tapos ako ay malapit na ako ikasal sa babaeng mahal ko. At sa tingin mo bang proud na sila mama sa akin ngayon?"
Napatingin ako sa oras dahil malapit na gumabi at ang sabi ko nga maaga ako uuwi galing sa sementeryo. Ang dami ko kasi nakwento kay Taylor ngayo sa nangyayari sa buhay ko.
Tumayo na ako. "Taylor, kailangan ko ng umalis. Papakilala ko sayo ang mag-ina ko sa susuanod na dalaw ko."
YOU ARE READING
My Aloof Lover
RomanceChase Series #2: Clark Chase Clark is a successful composer pero wala nakakakilala tungkol sa kanya. Lahat na ginagawa niyang kanta ay sumisikat lalo na sa mga kabataan ngayon. Hanggang sa may nakilala siyang babae.