Pagkarating namin kung saan kami magbabakasyon. Hindi ko kasi inabalang tanungin si Clark kung saan ba kami pupunta pero familiar sa akin ang lugar. Hindi ako pwedeng magkamali.
Hinawakan ko ang kamay ni Clark dahil ito ang probinsya namin at maaari ko rin makita ulit ang tita namin. Sa daming probinsya sa Pilipinas, bakit dito pa ang maisipan ni Clark?
"Is there something wrong?" Tanong niya.
"Ito kasi ang probinsya namin at maaari ko rin makita ang tita namin."
"Eh, harapin natin siya kapag nakita natin siya sa daan."
"Ayaw ko ng bumalik sa puder niya, Clark. Ginagawa niya lang akong katulong para bang hindi niya ako pamangkin noong mga panahon nasa bahay niya ako nakatira."
Napansin ko biglang nagiba ang expression ng mukha niya. "Wala akong balak ibigay kayo sa kanya. Dadaan muna siya sa akin bago siya makalapit sa inyo ni Neth at kung gusto niyang kunin kayo sa akin ay kailangan niya muna ako bayaran pero kapag hindi niya ako bayaran ay hindi niya kayo makukuha sa akin kahit umabot pa kami sa korte. Marami akong laban nakuha tungkol sa tita mo."
Mayaman nga pala si Clark kaya niyang kumuha ng magaling na abogado at may kilala rin siyang private investogator
"Ate, hindi ba ito ang probinsya natin?" Tanong ni Ken sa akin.
"Oo, Ken."
"Ibig sabihin pwede natin makita si tita sa daanan?"
"Oo, pero hindi papayag ang kuya Clark mo na makuha niya tayo."
"She's right, Neth. Handa akong lumaban para hindi kayo bumalik sa puder niya."
Handang hapon ay nagpasya kami mamasyal dito kaso sobrang tagal na rin ang huling punta ko sa lugar na ito kaya hindi ko na alam ang pasikot sikot.
"May isa pa akong dahilan kung bakit nandito tayo ngayon."
Tumingin ako kay Clark. "Ano pa ang dahilan mo?"
"Dito rin kasi ang probinsya ni manang Belen kaya gusto ko siyang dalawin at dadalawin na rin ang pamilya niya habang nandito tayo."
"Gusto ko rin dalawin si manang Belen. Kailan tayo pupunta sa kanya?"
"Maybe tomorrow. Gusto ko muna-"
"Keziah?" Biglang bumilis ang tibok ng puso ko ng marinig ko ang isang familiar na boses. Hindi ako pwedeng magkamali. "Sabi na nga ba at ikaw yung nakita ko. Mukhang maayos ang buhay mo sa Manila."
Hindi ako makasalita dahil natatakot ako sa pwedeng mangyari at mabuti na lang hindi niya nakita sina Ken at Cassey.
Pinuwesto ako ni Clark sa likuran niya. "You must be Keziah's aunt."
"At sino ka naman?"
"Clark Chase, Keziah's boyfriend."
Napatingin ako kay Clark dahil nagpakilala siyang boyfriend ko. Hindi ko pa nga sinasagot si Clark para maging boyfriend dahil gusto kong malaman kung mahal ba talaga ako.
Hindi pa ba obvious na mahal ka niya talaga? Handang gawin ang lahat para sa inyo ni Ken at kay Cassey.
"Mmm... Mukhang jackpot ka sa nakuha mo, Keziah. Mababayaran mo na ako sa lahat na ginastos ko sayo at sa kapatid mo."
"A-Anong utang? Wala akong naalala nagkaroon kaming-"
Mas tinago ako ni Clark sa likuran niya. "Let me talk, Keziah." Tumingin ulit siya kay tita. "Walang kabayaran ang magaganap dahil kayo ang may utang kila Keziah at Neth."
"Ano ang pinagsasabi mo?"
"Sa akin sila may utang. Kaya hindi ako papayag na makuha mo sila para sayo bayaran kung ano man utang nila sayo. O baka gusto mong bayaran ang utang nila sa akin. 15 million pesos lang naman iyon."
15 million pesos lang?! Nilalang niya ang ganoong kalaking pera?! Grabe talaga itong si Clark.
"Tsk. Hindi mo aaksayahin ang oras ko para maghanap ng 15 million pesos at bayaran ang utang ng magkapatid sayo."
"Alright, then. Madali lang akong kausap, ma'am pero mamimili kayo. Hindi mo na sila guguluhin pa o babayaran mo ko ng 15 million pesos o sa kulungan ang bagsak mo?" Sabi nito at hinawakan niya rin ang kanyang baba. "Oh, wait. May katibayan pala akong nakuha tungkol sayo kaya pwede rin tayo magkita sa korte. Ano sa tingin mo? Magkikita tayo sa korte o hahayaan ko ang nangyari ngayong araw? At saka nandito kami para magbakasyon kaya huwag mong sisirain ang araw ko dahil hindi mo alam ang pwede kong gawin sayo at sa pamilya mo."
Umalis na ang tita namin na hindi na sumagot pang muli kay Clark.
"Wow, kuya! Ang galing mo doon kanina. The best ka talaga." Halata sa mukha ni Ken napa believe sa ginawa ni Clark.
"That was nothing. Ginawa ko lang ang dapat at..." Tumingin sa akin si Clark. "At ayaw kong mapalayo ulit sa akin ang ate mo."
Bumilis na naman ang tibok ng dibdib ko. Hindi na yata tama ang nararamdaman ko ngayon.
"Kailangan ko pa bang bayaran ang 15 million pesos?" Tanong ko sa kanya.
"No need. Matagal ka ng bayad simulang..." Nilapit niya ang mukha sa may tenga ko. "Simulang binigay mo sa akin ang sarili mo."
Namula na siguro ang pisngi ko. "E-Ewan ko sayo."
Narinig kong tumawa si Clark saka tumingin sa amin. "Let's go..."
Lumapit na ako sa kanya. "Saan ba tayo pupunta?"
"I don't know. Wait, may tatawagan lang ako at sana hindi siya busy ngayon para maging tour guide natin." Lumayo na siya sa amin at saka nilabas ang phone niya.
Nakita kong lumapit sa akin ang kapatid ko habang karga niya si Cassey. Masyado kasing close ang dalawa.
"Ate, bakit kasi ayaw mo pang sagutin si kuya Clark? Mukha namang seryoso siya sayo."
"Alam kong seryoso siya sa akin." Tumingin ako sa kapatid ko. "Pero masyado ka pang bata para maintindihan mo kung bakit hindi ko pa sinasagot ang kuya Clark mo."
May gusto lang ako patunayan kung bakit hindi ko pa sinasagot si Clark.
Nakita ko na naglalakad papalapit sa amin si Clark. "Buti na lang hindi busy ang kakilala ko dito at pwede siya maging tour guide natin."
Maya-maya ay may tumatawag na sa pangalan ni Clark at mukhang iyon na ang tinutukoy niyang magiging tour guide namin.
"Buti nakarating ka ulit dito, kuya Clark." Sabi niya.
"Yeah, pero hindi ako nagiisa nagbabakasyon dito. May kasama ako." Sabi ni Clark at binaling nito ang tingin kung nasaan kami nakatayo. "Benji, mga kasama ko ngayon sina Keziah, Neth at Cassey, anak ko."
"May anak ka na, kuya?!"
"Yes and it's a long story but the mother of my daughter is Keziah."
"Hello po sa inyo."
"Si Benji, pamangkin siya ni manang Belen."
Simula na niya kami itour sa lugar nila. Ang dami na rin pala ang nagbago dito dahil marami na rin ako wala naalala sa ibang lugar na pinuntahan namin.
_______
Hello! Sorry kung ngayon lang nagkaroon ng update ulit. Naging busy ako hehe.
P.S. iniisip ko dagdagan ang sequel ang De Luca at gawan ko rin sequel ang Agent. What do you think?
YOU ARE READING
My Aloof Lover
RomanceChase Series #2: Clark Chase Clark is a successful composer pero wala nakakakilala tungkol sa kanya. Lahat na ginagawa niyang kanta ay sumisikat lalo na sa mga kabataan ngayon. Hanggang sa may nakilala siyang babae.