Clark's POV
Ilang buwan na noong nagsimula si Keziah magtrabaho dito pero napapansin ko ang closeness nila ng isang pinagkatiwalaan ko dito. Yes, I trusted someone habang minsan lang ako pumupunta hanggang sa nakalimutan ko na may sarili nga pala akong studio.
Lumapit ako kay Keziah. "What was that?"
Lumingon siya sa akin. "Ano yun?"
"Bakit ganoon ang closeness niyong dalawa ni Jeremy?"
"Anong masama doon? Siya ang una kong nakilala dito kaya naging clo-"
"I really hate it!"
"Baka nakakalimutan mo, Clark nangliligaw ka pa lang, hindi pa kita boyfriend."
Yumuko ako habang kagat ang ibabang labi. Nasaktan ako sa sinabi niya at sa kanya pa talaga galing.
Tumingin ulit ako sa kanya. "Don't flirt with your boss!"
Nagulat ako ng may palad na lumapad sa pisngi ko. "Hindi ako ganoon klaseng tao! Kung wala kang tiwala sa akin mas mabuti pang huwag mo na akong pansin kung magkita man tayo dito."
Nagtiim ang bagang ko sa sobrang galit. Gusto kong pumatay ng tao ngayon.
"Damn it." Hinampas ko ang pader sa galit.
Nakita ko si Jeremy na pumasok sa loob ng recording room kaya sinundan ko siya.
"Can we talk?" Seryosong tanong ko.
Lumingon siya sa akin. "Sure. Tungkol saan?"
"May gusto ka ba kay Keziah?"
Ilang sekundo na hindi siya sumagot. I knew it! He likes Keziah.
"Bullshit! Stay away from her! Hindi mo pa alam kung paano ako magalit."
"Bro, nagkaka-"
"Don't bro me, you bastard! I trusted you pero ito ang gagawin mo sa akin!"
"What are you talking about, Clark? Nagugulu-"
"I'm courting Keziah that's why you have to stay away from her!"
"You're courting her... Sorry, I have no idea but you got a wrong idea, Clark. Wala akong gusto sa kanya o kung ano man. You know me I am a playboy and she doesn't deserve to be with me but I like her personality. That's all."
"Are you sure about that?"
"Yes. May kadate ako ngayon at sayong sayo si ms. Fuentes."
Pagkatapos namin magusap ni Jeremy ay pinuntahan ko si Keziah kaso hindi niya ako pinansin. Naalala ko tuloy noong akala niya kaya ko ito ginagawa para kalimutan ang nararamdaman ko para kay Pauline kaya hindi niya ako pinansin pero noong makita ko na ang kapatid niya ay doon niya ako kinausap ulit.
Bago gumabi ay pumunta pa ako mg flower shop. Sana nga lang kausapin na ulit ako ni Keziah sa sinabi ko.
Kinagabihan nakita ko na siya lumabas kaya hinarangan ko na kung saan siya dadaan kaso dinedma lang niya ako. She's mad.
"Sorry na kasi..."
Huminto siya sa paglalakad at humarap sa akin. "Ano ang sabi ko sayo kanina?! Huwag na tayo magpasinin kung wala kang tiwala sa akin. Bahala ka diyan sa buhay mo!"
"Sorry, mali ako sa inasal ko. Sorry talaga, Keziah."
Umalis na siya sa harapan ko na hindi man lang ako pinatawad sa sinabi ko. Alam ko namang mali ako at hindi ko dapat iyon nasabi sa kanya pero nagselos ako sa nakikita ko.
Imbes na umuwi ako sa bahay ay pumunta ako sa isang lugar na tahimik. Mapayapa at pwedeng magisip
Tumingin ako sa phone pero wala na pa lang battery. "Fuck."
Hindi ko pa naman dala ang charger ko at baka nagaalala na si manang Belen dahil hindi pa ako umuuwi. Kilala ko si manang simula pa lang, siya na kasi ang pangalawang ina ko.
Paguwi ko ay sinalubong ako ni manang Belen sa may gate at hinihintay niyang bumaba ako ng kotse. Patay ako nito at sermon ang matatanggap ko.
"Saan ka galing bata ka?" Tanong ni manang Belen sa akin pagkababa ko ng kotse.
"Nagpahangin lang ho."
"Hindi ka man lang tumawag sa akin na hindi ka muna uuwi. Tinawagan ko na si Keziah kung alam ba niya kung nasaan ka."
"Pasensya na, manang. Gusto ko lang kasi mapag isa muna.
"Manang, nandiyan na po–" Nagkatinginan kaming dalawa.
"Kauuwi lang niya, hija."
"Alis na ho ako. Baka hinahanap na ako ni Kenny sa bahay." Naglakad na siya palayo.
Ngumisi ako dahil nagaalala pa rin sa akin si Keziah kahit galit siya sa akin. Alam kong mahal mo pa rin ako at hindi magbabago iyon.
"Hijo, nagaway ba kayo ni Keziah?" Tanong niya pagpasok namin sa loob.
"No. Just misunderstanding."
"Bakit hindi mo siya kausapin at humingi ka ng tawad sa kanya."
"Ginawa ko na iyan kanina. Pero paano niyo nalaman na ako may kasalanan sa amin?"
"Alam kong hindi gagawa ng mali ang batang iyon, Clark."
Grabe talaga sa akin si manang Belen.
Sige ako na ang masama dito.
"Ayaw kong magaya ka sa nangyari sa akin na hindi kami nagpansinan ng nobyo ko hanggang sa nawalan na kami ng komunikasyon na dalawa."
"I don't know what to do. Kinain ko ang pride ko para patawarin niya ako pero dinedma niya lang ako."
"Sa ngayon pabayaan mo na muna siya pero huwag kang susuko hanggang sa kausapin ka niya ulit."
"Wala ho iyan sa vocabulary ko."
Hindi talaga ako susuko hanggang sa pansinin ulit ako ni Keziah. Kahit wala pa ngang isang araw ay miss ko na siya. Tuwing gabi ay tumatawag ako sa kanya para marinig ko ang boses niya bago matulog kahit malapit lang ang nilipatan nila magkapatid.
Speaking of, kailangan ko pala icharge ang phone ko.
Nang chinarge ko na ang phone ko ay binuksan ko na ulit at nagulat ako dahil ang dami kong unread message. Galing kay Keziah ang lahat na ito.
Ngumisi ako habang binabasa ang lahat na message niya. "Kung palagi kang ganito ay baka mas lalo ako mahuhulog sayo."
Hindi ko na nga inabalang kumain ng hapunan dahil sobrang pagod ko ngayon at gusto kong matulog.
Kinabukasan maaga akong pumasok kahit hindi ko naman kailangan araw-araw pumasok. Ang trabaho ko lang naman ay ang gumawa ng kanta at may mga empleyado ako na pinagkatiwalaan ko dito.
"Oh, kaya ba nandito ka ngayon dahil ba kay ms. Fuentes?"
Kumunot ang noo ko. "None of your business. Hindi ko pinapakialaman ang buhay mo kaya huwag ang buhay ko."
"Hindi ko naman pinapakialam ang buhay mo at saka nagtatanong lang ako."
"Tsk." Iniwanan ko na si Jeremy.
YOU ARE READING
My Aloof Lover
RomanceChase Series #2: Clark Chase Clark is a successful composer pero wala nakakakilala tungkol sa kanya. Lahat na ginagawa niyang kanta ay sumisikat lalo na sa mga kabataan ngayon. Hanggang sa may nakilala siyang babae.