4 years later...
Inabot na nga ng taon pero wala pa rin talaga. Hindi ako pinapansin ni Keziah kaya nagpasya na akong pumunta sa kanila.
Pagkarating ko sa kanila ay naguguluhan ako na may kasama silang batang babae. Ang pagkaalala ko ay dalawa lang sila magkapatid.
Napansin ako ni Neth at lumapit siya sa akin. "Kuya Clark, mabuti po napadalaw kayo."
"Ang ate mo, Neth?"
"Nasa loob po si ate. Gusto niyo po bang tawagin ko siya?"
"No need. Pupuntahan ko na lang ang kapatid mo."
Pumasok na ako sa loob ng bahay nila at may narinig akong ingay mula sa kusina kaya pumunta na ako doon.
"Ken, pwede mo ba–" Kunot noo siyang tumingin sa akin. "Ano ang ginagawa mo rito?"
Imbes na sagutin siya ay niyakap ko siya. "I miss you so much!"
Buong pwersa niya akong tinulak. "Ano ba ang ginagawa mo dito? Kung wala ka ng–"
"Tungkol sa batang babae. Ang pagkaalala ko dalawa lang kayo magkapatid."
"Anak mo siya. Masaya ka?"
Namilog ang mga mata. "Anak ko? May anak tayo?"
"Nakita mo na nga siya, 'di ba?"
"Bakit hindi mo sinabi sa akin dati na nagdadalang tao ka?"
"Sasabihin ko dapat sayo pero dahil nainis ako kaya nagpasya akong ilihim na lang sayo ang tungkol sa bata. Pero hindi ko naman matatago sayo habang buhay."
"P-Pwede ko ba siyang maki–"
"Hindi! Wala ka noong mga panahon na kailangan kita. Wala ka noong magkasakit si Cassey."
"Ayaw ko makipag away sayo, Keziah. Gusto ko lang naman siya makilala. Please, payagan mo na ako makilala siya bago pa ako mawala."
"Ano ang pinagsasabi mo diyan?"
"Ang sabi ko nga sayo dati na hindi natin alam kung kailan tayo mamatay."
"Ano ba, Clark? Ang alam ko magaling ka sa sakit mong Hanahaki Disease. Bakit ka pa nagsasalita ganyan?"
Hinawakan ko ang kamay niya. "Kung ayaw mo ko mawala. Marry me."
Wala naman talaga akong sakit pero hindi ko alam kung bakit ko nasabi iyon sa kanya. Kapag nalaman niyang nagsisinungaling lang ako ay magagalit siya sa akin.
Bumuga ako ng hingin. "Never mind. By the way, wala akong sakit. Malusog ako ngayon."
"Mommy!" Narinig ko ang boses ng anak ko.
"Gutom ka na? Wait lang hindi pa nakakatulo si mommy." Tumingin siya saglit bago tumalikod. "Dito ka rin kumain. Alam kong hindi ka masyadong kumakain nitong mga nakaraang tao."
"How did you know?"
"Tinatawagan ako ni manang Belen at sinasabi niya sa akin kung ano ang nangyayari sayo dati."
YOU ARE READING
My Aloof Lover
RomanceChase Series #2: Clark Chase Clark is a successful composer pero wala nakakakilala tungkol sa kanya. Lahat na ginagawa niyang kanta ay sumisikat lalo na sa mga kabataan ngayon. Hanggang sa may nakilala siyang babae.