Kinarga na niya si Cassey. "Mukhang napagod."
"Alam mo naman ang mga bata, Clark. Pero may gusto lang ako malaman."
"Okay. What is it?"
"Tungkol sa sinabi mo sa akin kahapon."
"Alin doon? Ang dami kong sinabi sayo kahapon."
"Niyaya mo ko ng kasal."
"Ahhh... Forget about it. Alam kong hindi ka pa–"
"Oo, magpapakasal ako sayo."
May pagkagulat sa mukha niya paglingon sa akin. "Huuh?! What did you just say?"
"Siguro naman hindi ka bingi at magkatabi lang tayo para hindi mo narinig ang sinabi ko."
"Parang nabingi na yata ako. Hindi ko kasi inaasahan ang sinabi mo."
"Amin na si Cassey." Kukunin ko na sana ang bata pero ayaw niya ibigay.
"Let me put her sleep." Sabi niya
"Ano ba ang alam mo sa pagtulog sa bata?"
"I will sing for her. Kahit hindi ako masyado marunong kumanta kumpara kay Trey."
Kinakantahan na nga ni Clark si Cassey para makatulog na ang anak niya. Ngayon ko nga lang narinig kumanta si Clark.
"Ang bilis niya pala makatulog."
"Palagi ko rin kasi siya kinakantahan bago matulog. Sanay na siguro."
"Just you and me. Baka naman payagan mo ko ulit ako."
"Teka, ang sabi mo dati na hindi ko na kailangan bayaran at nandiyan na si Cassey."
"Oo nga. Hindi mo na ako kailangan bayaran at alam kong nandiyan na si Cassey. Pero hindi iyon ang ibig kong sabihin."
"Eh, ano?"
"Give me an heir." Seryoso niyang sabi. Kailan na hindi seryoso si Clark? Walang araw na hindi siya seryoso.
"Akala ko ba si Cassey ang tapagmana mo. Ang sabi mo dati sa kanya mo ibibigay ang lahat."
"That's not what I mean. Siguro naman alam mo na umalis na ako sa studio."
"Teka." Naguguluhan ako sa nangyayari. "U-Umalis ka na sa studio?"
"Yes, si Jeremy na ang bahala sa studio simula ngayon."
"Bakit? Paano na yung mga bagong kanta na ginagawa mo? Kawawa yung mga kabataan naghihintay sa bagong kanta."
"Wala na. I want to fulfill my dreams."
Hindi nga pala niya sinasabi sa akin kung ano ang pangarap niya sa buhay. Ang alam ko lang na pangarap ito ng isa niyang kapatid.
"Ano pala ang pangarap mo?"
"Pangarap ko... Ang mahalin rin ako ng babaeng mahal ko pero natupad na iyon."
"Ano pa?"
"Siguro um... Magkaroon ng isang pamilya. Hindi ko mapaparanas sa mga magiging anak ko ang naramdaman ko noon. Mamahalin ko sila."
Iyan ang nagustuhan ko kay Clark. Kahit hindi siya marunong ipakita kung ano ang nararamdaman niya pero sa mga kinikilos niya makikita mo agad na mahal ka niya.
"Kung gusto mo magkaroon ng sariling pamilya. Paano mo sila bubuhayin? Umalis ka na sa studio."
"Umalis na nga ako doon pero hindi ko pa sinabi sayo kung saan ako lilipat. Siguro nga tinalikuran ko na ang pagiging composer pero nandito palagi iyon sa puso ko. " Tinatapik niya ang kanyang dibdib.
"Saan ka na magtatrabaho ngayon?"
"Sa Chase Aviation Services. I'm the COO of our company and also an engineer. Iyon ang tinapos ko talagang kurso, engineer ng mga eroplano."
Bakit ba nakalimutan ko na may company nga pala sila. Isang kilala rin ang company nila.
"Bakit mo ito ginagawa? Ang ibig kong sabihin alam kong nagkaayos na kayo ng kapatid mo..."
"Maraming taon na ang nasayang sa amin ni Trey. Bumawi sa mga taon na iyon at alam kong ganoon rin ang gusto ni Trey kaya niya ako tinanggap sa company."
Binigyan ko siya ng isang smack kiss sa labi at hinawakan ang kamay niya. "Doon tayo sa kwarto. Baka hindi kita masolo kapag uwi ni Ken o paggising ni Cassey."
Umupo na siya sa gilid ng kama pagkarating namin sa kwarto at nilibot niya ang kanyang paningin.
Tumingin ulit siya sa akin. "Hindi mo naman sinabi na gusto mo pala ako masolo ngayon. Pwede mo naman ako masolo."
"Che." Umupo na rin ako sa tabi niya.
Pinaharap niya ako sa kanya at sinunggaban ako ng halik na parang sabik na sabik na halikan ako. Hindi ko nga namalayan ang isang kamay niya ay nasa loob na ng damit ko at hinihimas ang isang dibdib ko."
"Ang likot ng kamay mo ah." Sabi ko kaso hindi niya ako pinapansin dahil abala siya sa ginagawa niya. Tagumpay na nga siya alisin ang hook ng bra ko. "Clark..."
"Hm?" Huminto siya sa ginagawa niya bago tumingin sa akin. "May gusto ka bang sabihin sa akin?"
"Wala ka naman siguro balak buntisin ulit ako, 'no?"
"Hmm..." Pinahiga na niya ako sa kama at pumaibabaw na siya sa akin. Inangat na niya ang suot kong damit kaya malaya na siyang makit ang dibdib ko. "Meron."
Nawala sa isipan ko ang sinabi niya na gusto niya na may tagapag mana... pero saan?
"I want an heir. Para hindi dito matapos ang generation namin."
"Hindi naman matatapos ang angkan niyo. Nandiyan ang kapatid mo at marami siyang anak na lalaki." Sabi ko at sa pagkaalala ko ay tatlo ang anak na lalaki ang kapatid niya.
"Gusto ko rin magkaroon ng anak na lalaki."
"Ayaw mo ba kay Cassey? Anak mo pa rin siya."
"Kung ayaw ko kay Cassey ay sana noon pa lang tinakwil ko na siya at hindi kita yayain ng kasal. Hindi kita pipilitin na pakilala ako sa kanya bilang ama niya." Tagumpay na niyang hinubad ang pang-itaas ko. "Pero hindi ko ginawa dahil mahal ko rin si Cassey."
Ngumiti ako sa kanya. "Ang akala ko wala pa rin nagbago sayo pero kaya mo ng ipakita ang nararamdaman mo sa ibang tao."
"Hindi ibang tao si Cassey, anak mo siya." Hinalikan niya muli ako habang ang isang kamay ay hinihimas ang dibdib ko.
"Mmm... Ahhh!"
"Mommy? Papa?"
Pareho kaming napatingin sa may pinto dahil nandoon si Cassey at agad tinakpan ni Clark ng kumot ang katawan ko.
Lumapit na si Clark sa anak niya. "Hey, my litle princess. What are you doing here?"
"Bakit po kayo nasa ibabaw ni mommy, papa?"
"Ano kasi..." Lumingon siya sa akin bago binalik ang tingin kay Cassey. "Um... Namiss ko lang ang mommy mo. Yes, I really miss your mommy."
"Nandito po pala kayo, kuya Clark."
"Neth, ikaw na muna ang bahala sa pamangkin mo."
Pumasok na ulit si Clark sa kwarto at nilock na niya ang pinto.
"Hindi mo kasi nilock ang pinto at mabuti na lang hindi ako masyado nakita si Cassey na walang pang-itaas." Bumangon na ako at lumapit na ako sa kanya habang takip pa rin ng kumot ang katawan ko. Binatawan ko na ang kumot at saka pinalibot ang mga braso ko sa leeg niya.
"Damn. You're so naughty. Hindi kita papalakarin bukas."
YOU ARE READING
My Aloof Lover
RomanceChase Series #2: Clark Chase Clark is a successful composer pero wala nakakakilala tungkol sa kanya. Lahat na ginagawa niyang kanta ay sumisikat lalo na sa mga kabataan ngayon. Hanggang sa may nakilala siyang babae.