"There you are..."
Tumingin ako sa kanya. "Do you need something?"
"I would like to congratulate you, Clark. "
Ngumiti ako saka tumingala ulit sa kalangitan. "Sa tingin mo ba proud sila sa akin?"
"Oo naman. Kahit noon pa lang ay proud n sila sayo."
"Pero hindi ko nakikitang proud sila sa akin noon. Kahit ginagawa ko na ang lahat para bang baliwala lang sa kanila ang efforts na ginawa ko."
"If you know, our parents are always like that. Kahit sa amin ni Taylor ay hindi nila pinapakita na proud sila sa amin. Nakita mo naman naging rebelde ako kaya dinala sa probinsya."
Hindi naging maganda ang relasyon ko sa mga magulang ko simulang nawala si Taylor. Kung hindi lang sana ako umalis noong gabing iyon ay sana buhay pa rin hanggang ngayon si Taylor. Pero hindi ko pwedeng baguhin ang nakaraan.
"Balikan ko na sina Pau at ang mga bata."
Tumango ako. "Dito na muna ako ng ilang minuto bago bumalik sa loob."
Naglalakad na si Keziah sa aisle dahilan napapaluha ako kasi sobrang ganda niya sa suot niyang wedding gown.
Shit naman. Bumagay sa kanya ang wedding gown. Kung hindi lang buntis si Keziah – Ugh!
Ano ba itong iniisip ko?
Ngumiti ako noong nasa harapan ko na siya. "You are so stunning and gorgeous."
"Bolero. Pero gwapo ka rin naman."
Isang simpleng kasalanan lang itong naganap dahil ayaw ni Keziah na engrande. Kailangan ko siyang sundan baka magalit pa sa akin at ayaw ko rin naman ang engrande kahit mayaman ang pamilya ko. Wala rin naman akong iimbitahin kung mauwi sa engrande ang kasal. Ang inimbihan lamang ay ang pamilya ni Trey, ilang staff sa CAS at sa music studio.
"Hey, bro. Hindi ko inaasahan na kayo talaga ang magkakatuluyan hanggang sa huli." Sabi ni Jeremy.
"What do you mean?"
"You know what I mean, Clark. Pinagselosan mo pa ako dahil sa closeness namin dati ni Jane. Ni minsan walang pagitan sa aming dalawa at ikaw lang talaga ang mahal niya."
Binaling ko ang tingin kay Keziah. "Is that true?"
"Parang hindi ka naniniwala sa sinabi ko ah."
Tumango siya. "Tama ang sinabi ni Jeremy. Walang pagitan sa amin at ikaw lang ang madalas na pinaguusapan namin. Alam ni Jeremy kung gaano kita kamahal kaya kinausap niya ako pigilan ka noong gusto mong umalis ng bansa. Alam niyang hinding bakasyon ang gagawin mo kaya ka aalis."
Naalala ko iyon. Dahil doon ay pinatawad na ako ni Keziah at pinayagan na niya ako makilala ang anak namin.
Tumingin ulit ako kay Jeremy. "I should be the one to say thank you. Kung 'di dahil sayo baka hindi ako pa ako pinapatawad at payagan ni Keziah na makilala ang anak namin."
"No worries. Kasalanan ko rin naman kung bakit nagkaroon kayong misunderstanding na dalawa pero masaya na ako sa inyo ngayon. Congratulations." Pagkasabi niya iyon ay bumalik na siya sa table niya kasama ang iba pang staff sa music studio.
"Pagkatapos kong malaman kay Trey kung paano ka nagkagusto sa akin tapos ngayon kay Jeremy. Baka may iba pang tao ah."
"Lahat ng tao nakapalibot sa akin ay alam nila kung gaano kita kamahal. Lalo na si Darryl."
"Your ex?" Kumurap ako. Pati rin pala ang ex boyfriend niya ay alam rin kung gaano ako kahamal ni Keziah. Ni hindi ko man lang napansin iyon agad.
"Noong huling paguusapan namin ay hanalata niyang may gusto ako sayo kasi sa tuwing naguusap kami sa cellphone ay madalas ko nababanggit yung lalaking tumulong sa amin ni Ken pero wala siyang ideya kung sino iyon."
"Nagkikita pa ba kayo ng ex mo?"
Umiling ito. "Apat na taon na rin ang huling pagkikita namin ni Darryl. Iyon ang mga panahon inamin niya sa akin may mahal na siyang iba at hiningi na rin niya ang closure sa paghihiwalay namin."
"At least alam ng ibang kalalakihan na hindi ka na pwede. You're my wife now." Hinawakan ko ang pisngi niya at dinikit ang labi ko sa labi niya kaso may isang tao ang tumikhim. Panira ng moment.
"Mamaya niyo na iyang gawin." Sabi ni Trey.
"What do you want?" Kunot noo kong tanong. Bad trip ako sa panirang moment ni Trey pero hinawakan ni Keziah ang kamay ko kaya nawala ang pagka bad trip ko kay Trey.
"Alam kong pagkatapos nitong reception ay pupunta na kayo sa honeymoon niyo."
"Naku. Walang honeymoon ang mangya–" Tumingin si Keziah sa akin dahil nakatingin ako sa kanya. "May honeymoon?"
Tumango ako. "Yes."
"May honeymoon ka pang nalalaman diyan. Eh, mas nauna pa nga ang honeymoon sayo, Clark."
Narinig ko ang pagtawa ni Trey. "Sorry. Magkapatid nga talaga tayo pero kahit nauna ang honeymoon namin ni Pau ay hindi niya ako sinabihan ng ganyan."
Nakita ko na ang paglapit ni Pauline sa direksyon namin. "Congratulations."
Binaling ni Trey ang tingin sa katabi. "Ang mga bata?"
"Busy makipaglaro ang mga bata."
"Pau, may katanungan ako." Sabi ko pero napapatingin ako kay Trey.
"Okay. Ano iyon?"
Binalik ko ang tingin kay Pauline. "Hindi ka ba nagagalit kay Trey noong nalaman mong buntis ka ulit sa kambal niyo?"
"Naiinis ako sa kanya dahil wala pa sa plano namin sundan si Travis. Pero wala na ako magagawa dahil nandito na rin ang kambal."
"Naiinis ka sa akin?"
Binaling niya ang tingin sa asawa niya. "Oo, naiinis ako sayo."
Nagpaalam na ang mag-asawa sa amin at isa-isa na ang pumupunta sa amin para i-congratulate kami.
"My princess, maging good girl ka habang wala kami ah."
"Opo, papa. Kasama ko naman po sila kuya Travis."
"Kami na ang bahala sa anak niyo basta magenjoy lang kayo sa honeymoon niyo." Sabi ni Trey.
"Tawagan niyo kami kung naging pasaway o kung ano man nangyari kay Cassey. Pero hindi naman ganoon makulit ang batang iyon."
"It's okay, Keziah. Hindi namin pababayaan ni Pau na may mangyaring masama kay Cassey.
"Ate, kuya, alis na po kayo. Baka hindi kayo makaalis niyan, eh. Limang araw lang kayo mawawala ni kuya Clark, hindi isang taon." Sabi ni Neth.
"Magiingat ka rin, Ken."
"Ate, limang araw lang kayo nasa honeymoon, hindi isang taon." Ulit niya.
"Loko ka talaga. Ngayon lang ulit tayo hindi magkakasama."
"Hindi na ako baby, malaki na ako. Kasama rin naman po ako ni Cassey kaya walang problema."
"Papa!" Tumingin ako kay Cassey at gusto magpabuhat sa akin. Kaya binuhat ko siya saka hinalikan ako sa pisngi at hinalikan rin niya ang pisngi ng mommy niya. "Magiingat po kayo. Lalo na ang baby brother ko."
Mabilis akong umiling kay Keziah dahil baby brother pa rin ang gusto ni Cassey sa magiging kapatid niya. Eh, matagal pa para malaman ang gender niya at pinamadali ko ang kasal namin bago pa lumaki ang tyan ni Keziah.
THE END
________
Hi!
Konti lang nangyari kay Clark kasi naubusan na ako ng ideya. 😅
At sa Sequel niyo malalaman ang gender ng bunso nila. Either sa story ni Travis o sa susunod pang Sequel.
P.S. Walang pangalan yung music studio kung saan nagtatrabaho dati si Clark. Hirap magisip at kayo na bahala kung ano ang pangalan ng music studio na iyon hahaha
YOU ARE READING
My Aloof Lover
RomanceChase Series #2: Clark Chase Clark is a successful composer pero wala nakakakilala tungkol sa kanya. Lahat na ginagawa niyang kanta ay sumisikat lalo na sa mga kabataan ngayon. Hanggang sa may nakilala siyang babae.