August 1996
“Mrs. Mondragon, are you ready to push?”
Damang-dama na ni Luciana ang pagod. Ilang oras na ang nakalipas nang ipanganak niya ang dalawang bata sa sinapupunan niya, ngunit ang pangatlo ay nasa loob pa rin ng katawan niya. Hindi pa rin lumalabas hanggang sa inabot na sila ng mahigit limang oras.
Anak, napapagod na si Mama. Labas ka na, please?
“Anong oras na, doc?”
“Menos Cinco bago mag-alas kwatro, Mrs. Mondragon.”
“Nang hapon ba, doktora?”
“Madaling araw po, Mrs. Mondragon. Pasado alas-nueve po ng gabi ninyo ipinanganak ang unang bata.”
Anak, triplets kayo ng mga kapatid mo. Bakit naman pinaabot mo pa ng susunod na araw ang paglabas mo?
“Mrs. Mondragon, kapag hindi pa po lumabas ang bata, kailangan na po namin kayo i-caesarian. Baka po kasi ma-suffocate na 'yong bata sa loob.”
Isang oras matapos lumabas ng pangalawang sanggol ay inabisuhan na siya ng mga ito na ipa-caesarian section na niya ang bunso niya. Ngunit nag-matigas si Luciana. Napagkasunduan nilang mag-asawa na ilalabas niya ang anak nila sa normal na paraan. Kaya kahit hirap na hirap na siya ay hindi siya pumapayag na i-CS siya.
“Luciana? Nandito na ako, mahal ko.”
“José María?” naramdaman niya ang paghawak ng asawa sa kamay niya. Pinahiran nito ang pawis sa noo niya. “Ayaw lumabas ng anak mo.”
“Lalabas na siya, mahal ko. Nararamdaman ko na lalabas na si Astraea.”
“Astraea?” nagugulumihan niyang tanong rito. “Bakit Astraea? At paano ka nakasisiguro na lalabas na siya?”
“Alas-kwatro kinse na, mahal ko. Ilang minuto na lang, eksaktong ika-apatnapu na linggo na ng pagbubuntis mo. Naniniwala akong lalabas na si Astraea.”
“Mrs. Mondragon, sige po. Push. Nakalabas na po ang ulo ng bata. Huwag po kayong hihinto sa pag-ire, baka po maipit ang ulo ng bata. Sige po, push. 1-2-3 push, Mrs. Mondragon.”
August 2003
“Theia, noong ipinanganak pa lang tayo ni Máma, noon pa lang sigurado na kami. Sigurado na kaming bida bida ka.”
Inirapan ni Astraea ang nakatatandang kapatid na si Artemis. Ito ang panganay sa triplets ng Mondragon. Sumunod naman dito ay si Athena, na siya ring sinundan niya... makalipas ang anim na oras.
“Artemis, tigilan mo si Astraea. Nagsisimula ka na naman.” pagsita rito ng kanyang Ate Thena.
“Hayaan mo 'yan si Temis, Ate Thena. Inggit lang 'yan sa ganda ko.”
“Excuse me? Anong nakakainggit sa iyo kung mas maganda ako?”
“Tumigil nga kayong dalawa. Anong mas maganda, mas maganda? Identical tayong tatlo. Iisa lang mukha natin.”
Nagtawanan silang tatlo. Sanay na silang mag-asaran magkakapatid. Pati ang mga ate nilang nananahimik ay madalas madawit sa kalokohan nilang tatlo.
“Nakakapagod pumagitna sa inyong dalawa. Nakaka-drain kayo ng energy.” inihilamos pa ni Athena ang mga palad sa mukha nito.
“Sino ba kasi nagsabi na gumitna ka sa amin, ate Thena? Sumali ka kasi sa amin ni Atemis.”
“Tama. Tsaka bida bida naman talaga 'yang kapatid mo. Saan ka makakakita ng triplets na ang birthday magkaibang araw? Ang epal, 'di ba? Sanggol pa lang, napaka-feeling na.” tawa na lang ang sinagot ni Theia.
Ipinanganak siya anim na oras matapos lumabas ni Athena. Ang mas nakakatawa pa ay gabi nanganak ang kanilang máma, kaya naman ang alanganing agwat sa araw ng kapanganakan nila ay inabot na ng kasunod na araw.
“Triplets pa rin tayo, okay?” sabi ni Athena.
“May sinabi ba kong hindi?” nakapameywang na sagot ni Artemis dito. “O, huwag ka na magsalita. Tama ako kasi ako ang panganay.”
“Doon ba nababase ang pagiging tama o mali ng tao?”
“Anong kaguluhan 'to?”
“Ate Mari!!!” sabay-sabay nilang tawag dito. Dere-deretso itong umupo sa tabi ni Theia at humarap sa kanila. “Malapit na birthday niyo. Anong gusto niyo?”
“Gucci please.” maarteng sabi ni Artemis.
“LV sa akin, ate.” seryosong sagot naman ni Athena. “May bagong release na bag. Black.”
“Ate, gusto ko mag-celebrate ng birthday sa Hospicio.” nakangiting sabi ni Astraea. “Kahit wala na kong bagong gift. 'Yong ibibili ng gift ko ibili na lang natin ng pagkain at supplies para sa mga tao sa hospicio.”
“Ew. Alam mo ba kung anong sinasabi mo, gaga?” nandidiring sagot ni Mari. “Gusto mo pumunta sa ganoong klaseng lugar? Ang daming mahihirap doon.”
“Kaya nga! Tingin mo ba belong ka doon? Kung hindi lang kita kamukha iisipin ko nakuha ka lang nila Pápa doon sa cheap place na 'yon. Baka maraming surot doon. Me not likey.”
“Wala ka ba talagang naiisip na luxury bag, Theia? Chanel, Dior, Balenciaga?” ani ni Athena. “Pwede rin 'yong favorite mo, Hermès!”
“Pero, ate?”
“Ayaw ko pumunta ng Hospicio, Astraea Denise. Kung gusto mo ikaw na lang pero ako hindi talaga. Kadiri!”
“Ako rin, Ate Mari. Hindi ako sasama dyan kay Theia. Mag-birthday siya mag-isa. Tutal magkaiba naman ng day 'yong birthdays naming tatlo.”
“Artemis Dayana?” naglingunan sila sa gawing likuran kung saan nanggaling ang pagtawag. “Pápa!”
“Inaaway niyo na naman ang bunso ko.” niyakap si Theia ng pápa nila at tinanong kung anong pinagtatalunan nila. “Athena Dominique?”
“Yes, pa?”
“Anong tingin mo sa pagpunta sa hospicio?”
“Wala naman pong problema sa akin, Pápa. Alam ko naman po na bago niyo kami bigyan ng posisyon sa kumpanya ay kailangan namin dumaan sa lahat ng pagsubok. Isa pa, malapit ang hospicio sa inyo ng Máma.”
“Mabuti. Tama ang pagkakakilala ko sa iyo, Athena. Tama ang naging desisyon mo.”
“Pápa, pwede bang hindi na lang ako sasama sa party ni Theia? Sila lang naman ni Athena ang may gusto pumunta doon. Mag-book na lang ako ng flight to Japan? Kahit one week lang po.”
“Hindi, Artemis. Lahat kayong magkakapatid ay pupunta sa hospicio. Magtitipon-tipon tayo para sa kaarawan ninyong tatlong bunso ko. Tiyak matutuwa ang máma niyo sa planong ito.”
Kung anong ikina-kunot ng noo nina Mari at Artemis ay siyang ikanalawak ng ngisi ni Theia. Tulad ng dati, siya na naman ang masusunod. Siya na naman ang pinagbigyan ng kanilang Pápa.
Iba talaga kapag bunso, sunod lahat ng luho.
BINABASA MO ANG
Mondragon Empire 02 - Astraea Denise
Romance"Kung sa tingin niyo mapapapayag niyo ko dahil ako ang pinakabata dito, nagkakamali kayo. I may be the youngest but I am the worst Mondragon." -·-·-·-·-·-·-·-·-·-·-·-·-·-·-·-·-·-·-·-·-·-·-·-·-·-·-·-·-·-·-·-·-·-·- Theia is known as the Mondragon Prin...