Chapter 6

50 3 0
                                    

Tahimik na umupo si Nox sa tabi ng kaibigang si Forrest Azcona. Naabutan niya itong iniisang lagok ang bawat alak na inaabot dito ni Theus. Ngumiti sa kanya ang huli bago naglapag ng orange juice sa harap niya. Nagkausap na kasi sila ng kaibigan bago siya pumunta sa Fire In Ice. Nagsabi siya na wala siyang balak uminom ngayong gabi at pupunta lang siya para damayan ang kaibigan nilang namomroblema ngayon.

"You are still the Mondragon's driver, Azcona. Drink moderately," paalala niya dito na hindi man lang ito tinatapunan ng tingin. Tahimik lang siya sa pag-inom ng juice niya sa tabi nito.

"It's your fault," may mga sinabi pa ang kaibigan na kasunod ng mga salitang iyon ngunit wala ng naintindihan si Nox. Ang buong utak niya ay okupado na naman ni Astraea Mondragon.

This woman is making me crazy.

"Damn it, Romualdez!" nagulat na lang siya ng akmang susugurin siya nito. Pipigilan sana ito ni Theus ngunit naunahan ito ng babaeng bigla na lang yumakap dito. Natigilan si Forrest kaya nawala sa kanya ang atensyon nito. At wala naman siyang pakialam dahil busy siya.

Busy siya sa pag-iisip sa muli nilang pagkikita ni Theia.

"Hello, I'm Reign." nakalahad ang kamay na pagpapakilala sa kanya ng babaeng yumakap sa kaibigan niya.

"Not interested," sagot niya bago itinuon ang pansin sa juice niya. He knows that he sounds rude but he doesn't care at all. Hindi niya kilala ito at hindi siya interesadong makilala ito dahil alam naman niya na may ibang gusto ang kaibigan niya.

Nabulabog ang katahimikan nila ng biglang may sumugod sa lugar nila at nagsisigaw sa tabi niya. Isang bagay pa naman na pinakaayaw ni Nox sa buhay ay ang ingay. Hindi siya nakakatagal kapag may naririnig siyang kahit anong tunog na magiging sanhi ng ingay sa kapaligiran niya. Magsusuot na sana siya ng earphone ng marinig niya ang pangalan ni Theia mula sa nagwawalang babae sa likuran niya.

"Tinuhog mo kaming magkapatid. Hayop ka talaga. Hinding-hindi ka na makakalapit kay Theia, gago ka!" kunot ang noong binalingan niya si Theus na nagkibit-balikat lang sa kanya sabay nguso sa likuran niya.

Napatango na lang siya ng makita na ang babaeng nagwawala ay walang iba kung hindi si Yana Mondragon. Ang isa sa mga kakambal ni Theia. Ito rin ang babae na gusto ng kaibigan niyang si Forrest. Marahil nahuli ni Yana ang mga ito noong niyakap ni Reign ang lalaki. Matutuwa na sana siya sa ka-miserablehan ng kaibigan, ngunit ng marinig mula kay Yana na balak nitong ligawan si Theia ay nagdilim bigla ang paningin niya.

"So, you're planning to woo Astraea? Nice," may pagbabanta niyang sabi kay Forrest na ngayon ay halatang gulong-gulo na sa nangyayari. Hindi na nito alam kung sino ang uunahin nito. Si Yana ba o si Reign.

"Pwede ba huwag ka munang makisabay, Romualdez?"

Oh, no I won't... after what I heard from Yana Mondragon? You bet, traitor.

"Yeah, call your sister so she can ditch that jerk."

"Nox!" nagmamakaawa na si Forrest sa kanya pero hindi siya titigil sa panlalaglag dito. How can he do this to him when the first thing that he shared with him and Theus when they were in college was his unsaid feelings for Astraea.

"You think so? She will definitely dump him after this, right?" pagkausap sa kanya ni Yana. Base sa itsura ng dalaga, halatang nakainom ito. Kung hindi nga lang siguro ito nag-iingay kanina ay iisipin ni Nox na lasing na ito. Tingin niya ay nahimasmasan ito matapos makita si Forrest na may kasamang ibang babae.

"Definitely."

"Fuck, Romualdez!" nafu-frustrate na mura ni Forrest ngunit hindi naman ito makalapit sa kanila ni Yana dahil hinihila ito ng natatakot na si Reign.

"That's what you deserve after planning to steal my girl." nang sabihin ni Forrest na hindi ito pinayagan ng Tito Maru niya na ligawan si Theia dahil sa kanya ay napangisi siya. Imbes na tigilan at tulungan ang kaibigan ay naisip niyang mas maganda siguro kung uudyukan niya pa si Yana para mas magalit ito sa kaibigan niya, "Go ahead, Ms. Mondragon. Pagkakataon mo na gumanti. Isipin mo, matapos ng mangyari sa inyo, balak pang ligawan ang kapatid mo? Tapos ngayon may kayakap pang iba?"

Sumabat na naman si Reign na naging dahilan para lalong magalit si Yana. Ang ending, hinalikan ng kaibigan niya si Yana para mapatahimik ito. Sabay silang nagreklamo ni Theus at tinalikuran ang mga ito.

"Nice try, Azcona! Pagbitaw mo dyan sasampalin ka n'yan kasi maaalala niyang liligawan mo si Astraea." tila natauhan naman si Yana at mabilis nitong itinulak ang kaibigan niya at sinampal ito.

Akala ni Nox ay naisahan na niya ang kaibigan dahil sa mga panunulsol niya kay Yana. Kaya para siyang nabuhusan ng malamig na tubig ng biglang tawagan ni Forrest si Theia at sagutin ng dalaga iyon.

Maybe she was asleep when he called. She even moaned for him. He can't help but feel mad about it.

Hmm. Babe, where are you?

Napabuntong-hininga si Nox at pilit na pinakakalma ang sarili ng marinig ang malambing na boses ni Theia. Pakiramdam niya ay biglang nagkaroon ng background music ang eksena sa harap niya at tumutugtog ang That Should Be Me ni Justin Bieber.

"Wow, payag ka na 'yong manliligaw mo naka-MOMOL ko? Paano kapag nagpakasal kayo, share tayo?" nang-aasar na sabi ni Yana sa kapatid, kaso naibalik dito ni Theia ang pang-aasar. Nagtagumpay naman ito dahil maliban kay Yana, pati siya ay naasar sa mga narinig niya.

So what? Ikaw naman 'yong magiging kabit so it's not my problem anymore.

Nanggigil naman si Yana at gusto nitong basagin ang telepono ng kaibigan niya kaya nag-presenta na siya dito, "Gusto mo ba tulungan kita, Ms. Mondragon?"

Ilang beses pa nagpalitan ng salita ang magkapatid bago tuluyang pinatay ni Forrest ang tawag. May mga sinabi si Theia na hindi niya nagustuhan at binunton niya ang lahat ng inis sa kaibigan.

"You are seriously stealing my girl. I can't believe that you... of all people, can do this to me. Bro Code, Azcona!"

"Why, Nox? Are you jealous?" nakuha pa nitong tumawa kaya nainis na siya ng tuluyan. Wala siyang pakialam kung magmukha na siyang pikon sa mga ito. Kapag si Theia ang pinag-uusapan, hindi siya makakalma.

"Care to tell me what Forrest's problem is all about?" matapos ang napakahabang pag-aaway nina Forrest at Yana ay umuwi rin ang mga ito ng magkasama. Sa wakas, matatahimik na rin siya.

Or so he thought.

Dahil may isa pa nga pala siyang kaibigan. Nagtatago ang isang malaking tsismoso sa katauhan ni Prometheus Alcantara. "It's his problem. Why are you asking me?"

"Hindi siya pinayagan manligaw ni Tito Maru because of you. Why?"

"I don't know. Stop asking me."

"Are you and Theia Mondragon an item?"

"Bakit hindi ka na lang mag-reporter? Tutal ang hilig mong mang-intriga. Tsismoso ka pa. What can you say about a career change?" sagot niya kay Theus bago inubos ang juice niya at tumayo, "It's getting late. I'll go now."

"Hindi ka makakaiwas sa tanong ko, Romualdez. Kahit mag-change topic ka pa."

"Whatever, bye." tuluyan na siyang nagpaalam dito.

Nakakailang hakbang pa lang si Nox ay nasa likuran na niya ai Theus. Sinusundan siya nito at maging ang paghakbang niya ay ginagaya din nito, "Ano ba, Theus?"

"Umiiwas ka sa tanong ko. May something talaga sa inyo ni Theia."

"Wala nga, okay? Magkaibigan si Tito Maru at si Dad. Iyon lang," paliwanag niya na hindi pinaniwalaan nito.

"Nagsisinungaling ka, Romualdez! Akala mo ba hindi kita mahuhuli?" dinuro pa siya nito ngunit hindi siya nagpapahalata. Nagpanggap siyang wala pa ring nalalaman sa sinasabi nito. "Ang pula ng tainga mo."

"Bahala ka nga dyan." kunwari ay nagagalit niyang sabi.

Mondragon Empire 02 - Astraea DeniseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon