Chapter 7

50 3 0
                                    

Niyaya na naman si Nox ng kaibigang si Forrest na uminom. Problemado pa rin ito kay Yana. At bilang mabait na kaibigan ay pinagbigyan niya ito at sinamahan sa Fire In Ice. Umiinom na sila, nasusuportahan pa nila ang negosyo ng kaibigan nila.

"I still don't understand why Mr. Mondragon did not allow me to pursue her daughter after revealing my identity. Hindi naman maghihirap sa akin si Theia. I'll give her the life she deserved. Buong buhay siyang nagbuhay prinsesa, gagawin ko pa siyang reyna." sinamaan niya ito ng tingin habang patuloy ito sa paglilitanya ng kung anu-ano. "Ang mas hindi ko maintindihan... ikaw daw ang dapat na kausapin ko. Bakit ikaw? Close ba kayo ni Astraea?"

"Baka kasi asawa ko siya," nagkibit-balikat niyang sabi dito bago nilagok ang laman ng kanyang baso, "Theus, isa pa nga."

"LQ pa rin kayo ni Artemis Mondragon, pre?" tanong ni Theus kay Forrest na sinundan pa nito ng mapang-asar na tawa. Iyon nga lang, hindi na ito nasagot pa ng kaibigan dahil bigla nitong inilabas ang telepono nito at binasa ang mensahe na natanggap mula sa kung sino.

Naiinis siyang napabuga ng hangin ng iharap pa ng gago sa kanya ang telepono nito at pinabasa sa kanya kung kanino galing iyon.

Theia: Where you at, babe? :) HAHAHAHAHA! My sisters and I are going out. Wanna chill? We need a bodyguard, too.

"Wow, ang kapal talaga! Hanggang ngayon hindi mo pa rin tinatantanan ang asawa ko?" sarkastiko niyang sabi na sinagot nito ng mapang-asar na ngisi.

"Asawa mo, girlfriend ko."

"Damn you," pagmumura niya sa kaibigan pero ang loko, ngumisi lang muli sa kanya at nagawa pang tawagan si Theia sa harap niya.

"Hello, Astraea. It's fine. Where are you going? Fire In Ice. Your other sister is also here," hindi niya naiintindihan kung ano ang pinag-uusapan ng mga ito dahil bahagya pang lumayo sa kanya si Forrest ng sagutin ni Theia ang tawag. Tanging ang sagot lang nito ang naririnig niya kaya ng matapos ito sa pakikipag-usap ay sinalubong niya ito ng matalim na tingin.

"Hey, that's mine. Mondragon ka ba?" mataray na sabi ni Theia habang pilit na inaagaw kay Forrest ang complimentary drink niya mula sa may-ari ng Fire In Ice na si Theus Alcantara. Schoolmate niya ito noon kaya hindi na bago sa kanya na makita ito lalo na at pag-aari nga nito ang bar na iyon. Ang ikinagulat lang niya ay ang presensya ni Nox doon. Hindi niya alam na nagpupunta pala sa ganoong lugar ang lalaki.

"I'll introduce you to them first." nagkantyawan ang mga kapatid niya sa sinabi ni Forrest, "Theus and Nox, my friends."

It's a small world after all, tanging naisip niya ng marinig ang pagpapakilala ni Forrest sa mga ito. Hindi siguro alam ng huli na matagal na niyang kilala ang dalawang lalaki sa harapan niya. Ang isa ay dahil sa kapatid na si Athena. Samantala ang isa naman ay ang unang lalaking nagustuhan niya sa buong buhay niya.

Walang nakakaalam na si Nox ang first crush niya. Masasabi niya nga rin na ang lalaki ang puppy love niya. Mula ng makilala niya ito ay madalas niyang ini-imagine na magkasintahan sila nito. Siguro ay dahil sa pagtatanggol nito sa kanya kaya nakuha nito ang interes niya. Ang lalaki ang bida sa lahat ng daydreaming niya noong high school siya. Ito rin nga ang pumalit kay Chris Evans, na celebrity crush niya, sa puso niya.

"Hello!" masiglang bati niya sa mga kaibigan nito. Napansin niya kasi na nakainom na si Forrest at mukhang tinamaan na ito kaya sinakyan niya na lang ang trip nito. "You can call me Theia."

Lumapit siya kay Nox at inilahad ang palad dito. Halatang nagulat ito sa ginawa niya kaya kinindatan niya ito bago pasimpleng tumingin kay Forrest. Mabilis naman na nakuha nito ang pagsenyas niya at inabot nito ang kamay niya.

Mondragon Empire 02 - Astraea DeniseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon