Chapter 28

37 2 0
                                    

Theia looks bothered.

Ilang ulit sinubukan ni Nox na kausapin ang asawa ngunit panay lang ang iwas nito. She's so indifferent.

"Hey, you okay?" hindi niya mapigilang tanong matapos hilahin ito sa braso ng muntik na itong mabunggo ng kung sino. "May problema ba?"

"Pardon?"

"You are not yourself these past few days. Anong problema?"

"Just wedding jitters," sagot nito bago pilit na ngumiti, "sabi ni Mamá jitters daw ang tawag dito."

"Kung stress ka na sa pag-aasikaso ng kasal, let's leave this to our coordinators then. This wedding will be just a formality for our family. Kasal na naman tayo, don't overwork yourself."

"No, I want to see the preparations myself. Nadiktahan na nga tayo ng Papá ko, might as well do my part, para naman kahit paano masunod din ako. I want everything to be what I wanted."

"Okay," wala na siyang nasabi sa asawa. She walked passed him as if nothing happened. Again, she went as if he was not there. Like he does not exist.

Sunod lang siya ng sunod sa asawa hanggang umabot sila sa tapat ng eskwelahan. Napahinto si Theia habang malungkot na nakatingin sa mga bata na isa-isang lumalabas.

"Mama, si Jepoy inaaway ako," narinig nilang sumbong ng isang batang babae sa sundo nito, "sinasabunutan niya ako. Tapos kinuha niya ang baon ko. Kinukulit niya ko kahit nasa harap lang si teacher."

"Hayaan mo na lang si Jepoy, Brielle. May crush lang si Jepoy sa iyo. Nagpapapansin lang siya."

"Stop telling your daughter that another kid likes her when he's bullying her. We should not tolerate bullying." sabat ni Theia sa usapan ng mag-ina.

"Baby," pagpigil niya sa asawa.

"Excuse me, miss. Bakit sumasabat ka sa usapan namin ng anak ko?"

"Hi! Your name is Brielle, right? Wala siyang gusto sa iyo. Letting the bully do bad things to you is an access for him to bully you more. You cannot always fight back but you can talk to an adult whom you felt safe with—"

"Are you saying that my daughter is not safe with me? Sino ka para husgahan ako sa pagiging ina?"

"I am not judging you, ma'am. I'm just saying that we shouldn't teach our children to believe that someone likes them when they are being bullied. Teaching young girls to tolerate it will make them believe that getting abused is a normal thing. It's not right."

"So, perfect ka? Ikaw na mabuting magulang." naiinis na sabi ng ina ng bata na masama ang tingin sa asawa niya.

"Sorry po," hingi niya ng paumanhin sa babae bago hinawakan ang asawa sa balikat, "baby let's go."

"Thank you po, Ate." natigilan sila ng biglang magpasalamat ang batang si Brielle, "Thank you po sa pagsabi na inaaway talaga ako ni Jepoy. Sinumbong ko po kasi siya kay teacher. Sabi po ni teacher, sabihin ko po sa mama ko para maipatawag namin ang mama ni Jepoy kasi lagi siyang nang-aaway."

"Brielle—"

"Mama, lagi ko sinusumbong na kinukuha ni Jepoy ang baon ko. Kung nandito lang si papa, nagalit na siya at sinugod si Jepoy. Kaya po ba hindi niyo pinapansin sumbong ko kasi binigyan ka po ng pera ng mama ni Jepoy."

"A-anak..." hindi makatingin ang ina nito sa bata, "Ikaw, kasalanan mo ito. Sinusulsulan mo ang anak ko. Hindi ka dapat naniniwala sa babaeng ito, Brielle." panduduro nito kay Theia.

"The reason why this world is so fucked up is because of parents like you. You are more stubborn than your children and you always think you are right. For a better future, Ma'am, try the change within you. Raising your child the way your parents raised you will just pass on the mistakes our elders shared with us growing up. Payo ko lang po," bago ito magalang na nagpaalam at nag-sorry sa mag-ina.

"Hindi ko kailangan ang payo mo. Atribida!"

"Pasensya na po, ma'am. Masama lang po ang pakiramdam ng asawa ko."

"Nakakatagal ka sa ganoon? Iwanan mo na ang asawa mo hangga't maaga pa. Hindi dapat sinasamahan ang babaeng katulad ng asawa mo."

"Wala pong mali sa sinabi ng asawa ko, Ma'am. With all due respect, lahat ng sinabi niya ay tama. Ang paraan niyo ng pagpapalaki sa anak ninyo ang mali."

"Kaya pala, bagay nga kayong mag-asawa. Pareho kayong may tililing sa utak. Mga pakialamero! Tara na nga, Brielle!" naiinis na sabi nito bago kinaladkad ang bata. Nakangiting kumaway-kaway pa ang bata sa kanya bago tumalikod at sumama sa ina nito.

Pabagsak na humiga si Nox sa kanyang kama. Ngunit mabilis din siyang napabalikwas ng bangon ng tawagin siya ng kanyang ina na dere-deretsong pumasok sa kanyang kwarto.

"Mom, bakit hindi ka man lang kumatok?"

"Tinatawag kita kanina pa, hijo. Paakyat ka pa lang, hindi mo na ko pinapansin. Malalim yata ang iniisip mo," wika ng inang si Esmeralda.

"Sorry, mom."

"May problema ba, anak?"

"Wala naman po," tanggi niya bago kumapit sa braso nito at humilig sa balikat ng ina, "I miss you, mommy."

"Hmp! Gusto mo lang yata maglambing sa akin," kunwari ay umiirap na sabi nito sa kanya.

"Can't I ask my mom to baby me for a while?"

"Of course, you can..." niyakap siya ng ina at pinaupo sa kama, "until you have your first son to your first grandson, you will always be my baby."

"I miss hugging you like this," nakapikit niya pang sabi bago siniksik ang ulo sa balikat ng ina.

"Is it about Astraea, anak?"

"She's distant, Mom," napabuntong-hininga siya ng mabanggit ang pangalan ng asawa. "I don't know what was bothering her. As much as I want to know, I have to respect her decision, if she doesn't want to tell me."

"I knew it. You are so vulnerable with Astraea, it's easy to know your worries." tinapik tapik nito ang ulo niya, "She will come when she's ready, she will be your wife soon, Nox. You don't have to worry."

"I hope so, mom. I hope so."

Mondragon Empire 02 - Astraea DeniseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon