Chapter 33

52 2 0
                                    

Theia is aware that she made a scene a while ago. At nagpapasalamat siya na kahit hindi tama ang inasal niya ay nasa likuran lamang niya si Nox at sinuportahan siya. He made sure that she was held tight when she was in her most vulnerable state. Higit sa lahat, pinagpapasalamat niya ang katahimikan nito noong oras na wala siyang interes na magsalita o magpaliwanag sa nararamdaman niya.

Nang makarating sila sa bahay nila ay dumeretso siya sa kanilang kwarto. Pagapang siyang pumwesto sa gitna ng kama habang yakap ang isang unan. Walang patid ang kanyang pag-iyak mula pa kanina at nanghihina na siya. Gustuhin man niyang tumigil ay hindi niya magawa. Hindi na yata mauubos ang luha niya.

"Theia, drink this." pagtawag sa kanya ng asawang si Nox. May dala itong baso ng tubig. Pakiramdam niya ay isa siyang de-bateryang manika na kusang humarap at lumapit dito. Hindi na rin niya kailangan pang abutin ang baso dahil si Nox na ang humawak noon para sa kanya. Matapos painumin ay sumampa ito sa kama at muli siyang niyakap nito.

Naiiyak niyang ipinaikot ang dalawang kamay sa likuran nito at umupo na parang bola. Hindi ito nagsasalita. Hinihimas lang nito ang likod at ulo niya. Hindi nagtagal ay inipon nito ang buhok niya at kinuha ang pang-tali niya sa patungan ng lamp shade sa gilid ng kanilang kama. Matapos hawiin ang iilang hibla ng buhok sa mukha niya ay niyakap lang siyang muli ng asawa.

"Hindi mo ako tatanungin kung bakit ako umiyak?"

"You'll tell me when you're ready."

"I think I am ready now," huminga siya ng malalim at kumalas sa pagkakayakap dito. Nakapikit ang mga mata niya ng umayos siya ng upo. Nang tanungin ni Nox kung bakit ganoon ang itsura niya ay sinabi niyang gusto niyang magpaliwanag na hindi nakikita ang itsura nito. Sinimulan niya ang pagkukwento matapos pumayag nito.

Masaya si Theia tuwing bumibisita sa bahay ng in-laws niya. Mula pa noon, ramdam na niya kung gaano siya ka-welcome sa pamilya ng mga ito. Hindi nga nagrereklamo ang Mommy at Daddy ni Nox sa mga balitang nasasagap ng mga ito tungkol sa pagkakaroon niya ng masamang ugali. Mas kilala daw siya ng mga ito at alam nila kung anong klase siya ng tao.

"If you just saw those children singing for us, naku, you'll be delighted anak. I know how much you love and adore kids. They were so thankful for your donation and they want to see you soon," pagkukwento ng biyenan niyang si Esmeralda.

Isa iyon sa mga rason kung bakit hindi naniniwala ang mga Romualdez na masama ang ugali niya. Her donations and charity drives were still operating after she got married. Isang bagay na nagustuhan sa kanya ng ina ng asawa at ang tanging tao na kasundo niya sa ganitong klase ng hobby niya.

"I can't wait to see my grandchildren with you. I'm sure, they will be so beautiful and smart... and they will have a heart of gold, just like their gorgeous mother."

"You are what?" magkasalubong ang kilay na tanong ni Nox sa kanya. Pinapaulit ang mga salitang kahit pilit niyang kalimutan ay hindi niya magawa. Salitang malalim ang tarak sa pagkatao niya na kailanman ay hindi na mawawala sa kanya.

"Infertile." muntik pa siyang masamid dahil tila nagkaroon ng malaking bara sa lalamunan niya, "Baog. Baog ako, love. I will never be a mother."

"Don't say that—"

"I will never become a real woman because I cannot bear a child."

"Astraea, hon—"

"No, it's not your fault. It is mine. I cannot give you the family that you want. The family that you deserved. I was sick and I lied to you at naiintindihan ko na iiwan mo na ko pagkatapos nito."

"What? No! Why would I do that?"

"It's a perfect ground for divorce, love." aniya na agad niyang pinagsisihan dahil hindi na niya naiwasan pang tumingin sa kanyang asawa. Malungkot ang mga mata na nakatingin ito sa kanya. "You don't have to pity me. I don't need it. Maawa ka sa sarili mo kasi niloko kita."

"Ito pala ang rason kung bakit gusto mong makipaghiwalay sa akin. You were asking me for a divorce just because you think you cannot bear a child."

"Hindi ko iyon iniisip lang, Anghelo. I took those fucking tests! I have fertility issues and I can't get pregnant."

"Nagpa-second opinion ka na ba?"

"I did," pag-amin niya. Nagsimula na naman mamuo ang mga luha sa mga mata niya. Nang mapahikbi siya ay lumapit si Nox para yakapin siya ngunit tinabig niya lang ang asawa, "It was before we got married. Mamá asked me to go to a doctor and have a general check-up. She just wants me to get checked. Hindi niya alam ang naging resulta kasi hindi kami natuloy doon sa doktor na kinausap niya but I promised her that I would get myself checked. Then, the test result came and it said that I was infertile."

"I tried to get a second opinion. I took another series of tests and anonymously submitted those tests to a different clinic for me to be checked. Ganoon pa din ang result. I am infertile. I have problems with my hormones. I am physically active, love. I eat healthy. I worked out and took care of my body even before we got together. Pero wala, eh. Ganoon pa din. I'm still sick and I cannot give you the family that our parents want us to have."

"We can still be a family even if we don't have a child. Astraea, matagal na pala ito. Bakit hindi mo sinabi sa akin?" hindi na siya nakaiwas pa ng hawakan ng asawa ang kamay niya. "Don't you trust me?"

"I trust you, love. I trust you with every fiber of my being. And I love you... I love you so damn much it hurts."

"Mahal na mahal din kita, Theia. At kahit na nalaman ko na 'yong mga dahilan mo kung bakit gusto mo kong hiwalayan, hindi nagbago 'yong nararamdaman ko para sa 'yo."

"Love—" hindi na natapos ang pag-iyak niya, maging ang sasabihin niya ng putulin ni Nox ang anumang sasabihin niya. Nilagay nito ang daliri sa tapat ng labi niya.

"I don't care if we will never have a child. Hindi ibig sabihin na wala tayong anak, hindi na tayo magiging pamilya. A child can make a couple have a complete family but a childless family is still a family. Hindi rin ibig sabihin na wala tayong anak kaya hindi tayo magiging masaya. I am happy. Despite your cold treatment and your bitchy attitude, I am happy with you... and you are my wife. I still get that feeling like teenagers do whenever I look at you."

"Kinikilig pa din ako tuwing nakikita kita. I still find you so beautiful. I love watching you sleep. In your most beautiful moment of the day, it is at night... when you are barefaced, lying beside me, sleeping peacefully. It is the time that I get to see that my wildest dream is also my reality."

"Anghelo, love..." dinamba niya ng yakap ang asawa at umiyak ng umiyak sa bisig nito. Gumanti naman ito ng yakap sa kanya at pinatatahan na siya.

"Hush, love. Everything will be fine. I promise."

"Pero paano sila Mommy?" nag-aalala niyang tanong sa biyenang babae na walang ibang tanging hinangad kung hindi ang magkaroon ng apo sa kanilang mag-asawa.

"They'll be fine. We don't need to tell them if you're not comfortable about it."

"Humihingi na nga sila ng apo?"

"Oh, Theia! Ipinagkait mo sa akin ang katawan mo ng tatlong taon. Ngayon ka pa nga lang bumabawi, baby. Let me enjoy it first before we talk about babies."

"Manyak ka. Kaya pala gumigising ako ng madaling araw may matigas lagi sa likod ko. Pinagnanasaan mo ang katawan ko," kunwari ay reklamo niya habang inaalala ang mga unang buwan ng pagsasama nilang mag-asawa. "Wala pang nangyayari sa atin, gustong-gusto mo na ko tusukin."

"Bakit pa ko titingin sa iba kung paggising ko, makikita ko na agad ang asawa ko na saksakan ng ganda? Mas gusto mo ba na magnasa ako ng ibang babae?"

"Subukan mo lang talaga, Anghelo. Makikita mo!" pagbabanta niya sa asawa, "Puputulin ko 'yang kaligayahan mo."

"So, mapuputol din ang kaligayahan mo?" nagkatawanan na lamang silang mag-asawa sa sinabi nito.

At tulad ng sinabi ni Nox, ipinaramdam nito sa kanya ang pagmamahal nito sa pamamagitan ng isang malalim na halik. If it's to distract her from crying or making her stop or he just wants to kiss her so bad ay wala na siyang pakialam. She returned his kisses with the same intensity before moving her hands down just to touch his growing erection.

"Love, ano ba naman 'yan."

"I told you... I still get excited whenever I am with you." he confessed before leaving a mark on her by sucking her neck, "panindigan mo ko."

Mondragon Empire 02 - Astraea DeniseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon