Chapter 26

37 2 0
                                    

Nang himatayin si Kalli ay kinabahan ng husto si Nox. Mabuti na lang at napakalaki ng mansyon ng mga Mondragon at nagawa nila iakyat ni Theia ang kapatid ng walang ibang nakakakita sa kanila. Until she regained consciousness and Theia asked her to keep their marriage a secret. Wala talagang oras na pinalampas ang asawa niya at iyon agad ang bungad nito matapos magkaroon ng malay ang ate nito.

Ang inakala ni Nox na pagtatapos ng problema ay simula lamang pala ng kalbaryo nilang mag-asawa. Ngayon naman ay nahuli sila ng isa sa kakambal nito na si Athena. Nagkahulihan silang apat, sa mas tamang salita, dahil bumibili sila ni Theia ng gamit para sa penthouse.

"I knew it," wika ni Theus na nakaturo pa sa kanilang mag-asawa na hindi mapaghiwalay sa pamimili ng gamit dahil nakayakap siya mula sa likuran nito, "nagli-live in na kayo."

Napataas ang kilay ng kambal na Mondragon kay Theus bago bumaling si Athena kay Theia, "So, care to explain it? Are you living together?"

Tumingin sa kanya si Theia bago nagpakawala ng buntong-hininga, "Well, technically—"

"I can't believe that you chose to live with Nox before marrying him. Nagagalit ka pa sa papá. All this time, you were being stubborn and you chose to live with him before getting married. Seriously?" nagagalit na putol ni Athena sa kapatid. Ramdam na ramdam ni Nox ang pagiging ate ni Athena sa kanyang asawa kaya minabuti niyang hindi mangialam. Bahagya nila niluwagan ang pagkakayakap kay Theia at sinenyasan ito na magpaliwanag sa kapatid. "What's wrong with you, Astraea Denise?"

"Sino ang nagsabi na nagsasama kami na hindi ikinasal?" simpleng sagot ni Theia bago tinaasan muli ng kilay si Theus.

"Oo nga naman, Athena, sino ba nagsabing nagli-live in lang si— kasal na kayo?"

"What? OMG, Theia..."

"Yes, we're married." sagot ng huli bago hinila ang kamay niya, "Love, ikaw naman magsalita. Mamimili ako ng punda. Excuse me..."

Napatingin na lang silang tatlo kay Theia ng kaswal na tumalikod ito at naghanap ng gamit nila. Paglingon niya ay dalawang pares ng mga mata ang nakatutok sa kanya. Halatang nagpapakiramdaman ang mga ito sa kung sino ang unang magtatanong at unang magsasalita.

"Mauna ka na, Theus, halata naman na hindi mo papaunahin si Athena magtanong," pagturo niya sa kaibigan na bigla naman dumeretso ng tayo at ngumiti sa kanya.

"Kailan pa kayo kinasal ni Theia?"

"Three months ago."

"When is this?"

"A week before Artemis leaves for Spain. I guess, it was six months after Forrest left the Mondragons."

"Gaano na kayo katagal ni Theia?" tanong ni Theus na agad naman hinampas ni Athena.

"Three months, obvious ba, Theus? The math ain't mathing ba?" mataray na sagot ng babae.

"Are you asking about before we get married? One year."

"What? No!" hindi makapaniwalang sabi ni Athena.

"See? Tama ang tanong ko. Sinasabi ko na nga ba malihim ka lang na Romualdez ka. Habang nag-iinuman tayo, si Astraea ang kausap mo sa telepono. Kaya pala lagi kang nakahawak sa telepono mo. Manloloko ka."

"I'm not."

"I asked you, pare."

"And I just choose not to answer." napalingon siya ng humawak ang asawa sa beywang niya. Automatiko naman ang naging pagpulupot niya ng kamay dito.

"Are you done?" tanong ni Theia habang masama ang tingin ng dalawa sa kanilang mag-asawa. "Nasagot na ba ang mga tanong ninyo?"

"How dare you not tell me?" medyo garalgal na tanong ni Athena na ikinatigas ng katawan ni Theia. He felt his wife's emotions through her body language. Hindi nito inaasahan ang reaksyon ng kakambal at mabilis itong humingi ng tawad.

Mondragon Empire 02 - Astraea DeniseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon